HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: Disappointed-nose
Ilang beses na akong naghilamos pero halata parin sa mukha ko na umiiyak ako kagabi. Halos gabi-gabi nalang akong umiiyak. I've been so emotional lately at hindi ako to, hindi ako sanay na umiyak pero ganito talaga siguro pag nagmahal ka, sa sobrang sakit maiiyak ka nalang. I have always been physically strong my entire life but emotionally damn- i am still Aerish, a weak and a fragile lady who only wants freedom. Ilang araw na kami dito sa penthouse ni Hillary at nag eenjoy naman sila dito- well except for me. I'm happy though na okay na kami nina Xenon, Hillary, Unier at Austin. Nag sorry nadin sila sa ginawa nila sa akin noon pero ayos nayun dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko din naman dahil hindi ako agad na nagpakilala, i kept it from them gayung wala naman silang ibang ginawa kundi magpakatotoo sa akin. They have been an amazing friend.
Tumingin ako sa labas ng bintana sa CR at nakitang makulimlim ang langit na tila uulan na, it's 9 in the morning at gusto ko pa naman sanang maligo sa dagat ngunit mukhang malabo na mangyari.
Alam ko sa sarili kong hindi ako magiging masaya ng tuluyan hanggat sa hindi ko pa nakakausap si Menezo. Siya nalang talaga ang inaalala ko.
"A, ano ba! Kakain na kasi!" sigaw muli ni Thalia.
"Mauna kana!"
"No, hindi ako aalis dito!"
I sighed and run my fingers through my hair, knowing Thalia matigas talaga ang ulo niya. I looked at myself in the mirror one more time bago umalis sa banyo. Ang kaninang naiiritang expresyon ni Thalia ay biglang lumambot.
"Are you crying again?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot.
"Baba na tayo." pag-iiba ko sa usapan at naunang naglakad pababa. Natagpuan ko silang lahat sa sala, nanonood ng horror movie. Tss, akala ko ba kakain na? Pumunta ako kay Chizka na mag isang nakahiga sa sofa, isiniksik ko ang sarili ko sa kanya habang nakatingin sa tv at niyakap niya naman ako.
Tahimik lang kaming nanonood ng horror movie hanggang sa matapos ito. Lumapit si Austin sa dvd player at nag play na naman ulit ng isa pang movie pero hindi na horror kundi romance na.
"Guys luto na muna ako." saad ni Hillary at tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig at pumunta ng kusina.
Tumayo din si Thalia at pinagpag ang sarili. "Tulungan ko na siya magluto." aniya at sinundan si Hillary sa kusina.
Imbes na manood ng palabas ay humarap ako kay Chizka at niyakap siya ng mahigpit hanggang sa makatulog ako.
THALIA'S POV
"Hey kid." i whistled at bigla namang lumingon iyong Hillary na sinusundan ko.
Days of being here in his penthouse masasabi ko talagang mababait silang magkakaibigan. I love how they understand and listened to A. Hindi sila mahirap ipaintindi.
"Will you please stop calling me kid?" iritang saad niya.
"I'm older than you." i said as a matter of factly.
Sarkastikong ngumisi siya. "Obviously."
My brows shot up, "Excuse me?"
Umiling siya, "Just stop calling me kid," aniya at tinalikuran ako. "I hate it."
"Whatever kid."
Nilingon niya ulit ako at pinandilatan ng tingin.
"What?" i asked amused.
Imbes na sagutin ako ay umiling nalang siya at binuksan ang ref. Umupo naman ako sa island counter at tiningnan lang ang ginagawa niya.
"Anong paboritong pagkain ng mga kaibigan mo?" he asked out of nowhere.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life