HIDDEN IDENTITY
Nasa gazeboo kami ngayon at maiingay na kumakain. Nasa iisang table kami nina Austin, Unier at Maple habang nasa kabila naman sina Xenon at Hillary naglalaro ng scrabble. Ewan ko ba kung bat hindi sumasali si Unier eh favorite niya naman yun.
"May last na knock knock pa ako." sabi ni Austin at tumawa ng malakas. I scoffed. Hindi pa nga nagsisimula tumatawa na, loko talaga. Napailing nalang ako at uminom nalang ng tubig.
"Knock knock."
"Who's there?" si Xenon ang sumagot na nasa kabilang lamesa.
"Paksiw,"
"Paksiw who?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Paksiw na naman o kay tulin ng araw HAHAHAHHAHAHAHAHA"
Tumawa din si Xenon habang malapit ko namang maibuga ang iniinom ko dahil sa kakornyhan niya. Dumapo ang paningin ko kay Maple na napailing pero nakangiti. Tss. Enjoy na enjoy ah? Umiwas ako ng tingin at kumuyom ang kamao.
Napatingin ulit ako kay Maple ng bigla itong tumayo at nagpaalam na mag si cr. Nagtama ang paningin naming dalawa pero siya din ang unang nag-iwas ng tingin animo'y hindi komportable sa mga titig ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. Tsk tsk tsk Maple, my Maple.
Ngisi-ngisi akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain.
"Aki nayan fafa Un."
"Ayoko nga bumili ka ng sayo."
"Ang sama mo mabuti pa si Maple binibigyan mo."
"Oo na." inis na ani nito. Nilingon ko silang dalawa at pinatahimik. "Ang ingay niyo." reklamo ko.
Tiningnan ako ni Unier na may naglalrong ngiti sa labi, "Pres umamin ka nga samin, may gusto ka ba kay Maple?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya at napatingin kay Austin na nakamaang na ngayon sakin. Napalunok ako at hindi agad makasagot.
"PRES umamin ka nga samin, may gusto ka ba kay Maple?" napatigil sa paglalakad at tumago sa isang puno ng marinig ko ang tinanong ni Unier kay Preston. What the hell?! Bat naman siya magkakagusto sakin? Tss.
Sumilip ako ng konti kaya nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya. Nakatitig lang siya kay Austin pero hindi naman siya sumasagot. I sighed at akmang lalabas na sa pinagtataguan ko ngunit agad akong napaatras ng isang hakbang ng marinig ko ang sagot niya.
"Yes. I like her a lot. And i'm willing to do everything just to make her mine." may diin na aniya.
Napalunok ako at napahawak bigla sa dibdib ko. My heart is pounding and i can't breath normally. What is he saying? I-Is he crazy? Is he playing with them? Nahigit ko ang hininga ko at hinintay na magsabi siya na nagbibiro lang siya ngunit hindi, hindi niya sinabi. Napalunok ako ng paulit-ulit at hindi makagalaw sa kinakatuan ko, what is wrong with me?
"Pano yan may gusto din si Austin kay Maple?" narinig kong tanong ni Unier at binuntutan ito ng tawa. What the hell is he saying?! Si Austin may gusto sakin? Imposible!
"May the best man win." narinig kong saad ni Preston. Sumilip ako at nakita ko ang pag nguso ni Austin, "Wala naman akong gusto kay Mapleleya eh, crush ko lang siya." i sighed in relief ng marinig ang sinabi ni Austin, good because i can only offer him friendship.
Nakita ko ang pag ngiti ni Preston at pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi kaya napalunok na naman ako at umiwas ng tingin. My heart is still pounding fast and i don't know how to make it stop. I don't know what's wrong with me and why i'm feeling this way.
"Good. She's mine." narinig kong aniya.
"Just don't hurt Mapleleya Uncle Pres. I love her. We love her." seryosong saad ni Austin. Ngayon ko palang siya nakitang ganyan ka seryoso.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life