HIDDEN IDENTITY
Dedicated to: alexandrafaithlasola
"Hello earth to Uncle Pres."
"H-Huh?" napalingon ako kay Austin ng wala sa sarili.
"Anyare sayo?" kunot-noong tanong ni Hillary. "Kanina ka pa ah."
"Ni hindi ka nga nagselos nung ako ang naghatid kay Mapleleya sa kanya." nakangusong saad ni Austin. "Tapos kanina nung sinubuan ko siya hindi kadin nagalit. Ayos kalang Uncle Pres?"
"Fuck you Aus. Isang lapit mo pa talaga sa kanya mamamatay kana." i eyed him dangerously at inihimalos ang palad sa mukha ko. "Damn it." mahinang mura ko.
"You okay dude?" rinig kong tanong ni Unier. Umayos ako ng upo at tiningnan sila. Nandito kami ngayon sa bahay umiinom, ni hindi ko nga alam paano kami nakapunta dito dahil parang wala talaga ako sa sarili ko. Ni hindi ko nga mataandan kung sino ang nag drive saming lima dahil sa sobrang lutang ko. Damn it i didn't regret kissing Maple pero shit that was not the right time. Nanliligaw pa lang ako sa kanya, hindi pa naman kami pero ganun na ang ginawa ko. What if hindi na niya ako sasagutin dahil dun? What if nag iba na ang tingin niya sakin? Will she still accept me? Baka hindi na diba kasi ang-
"Dude!" napapitlag ako sa malakas na sigaw ni Xenon.
"W-What?"
"You're spacing out."
"Sorry." i cleared my throat. "Uhm i kissed Maple."
"What?!" napatayo silang apat sa sinabi ko.
"Yeah." i chuckled humorlessly. "Fuck."
"Paano?"
"Saan?"
"Kailan?"
"Holy shit that's why parang wala din sa sarili si Mapleleya kanina."
Imbes na sagutin sila ay nagtanong ako, "Do you think she's mad at me?"
Nagsiupuan sila ulit at seryosong tiningnan ako. "Nagkausap na ba kayo?"
FLASHBACK
"Maple..."
"Hmm? Bakit?" aniya habang hindi manlang ako dinadapuan ng tingin. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada at wala na namang ekspresyon ang kanyang mukha. Napalunok ako sa sobrang kaba.
"Galit ka ba?" mahinang tanong ko.
"Why would i be mad?" malamig na tanong niya.
"Galit ka eh." nakangusong saad ko. Hindi na siya umimik pa. Nang mag traffic ay kinalas ko ang seatbelt ko at hinarap siya. Nilingon niya ako at napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko at namumula siya. Napalunok ako at parang may nagtutulak ulit sa akin na halikan siya.
Naglikot ang mata niya at bigla siyang nagsalita. "Go na." napapaos na aniya. Tumingin naman ako sa traffic light at nakitang kulay berde na ito. Umayos ako ng upo at sinuot ulit ang seatblet ko. Binagalan ko ang pagtatakbo ko baka sakaling magsalita siya ngunit hanggang sa nakarating kami ng paaralan wala siyang imik. Dali-dali nga siyang lumabas ng kotse ko ni hindi man lang ako hinintay.
Kahit nasa tabi niya na ako hindi siya umiimik at hindi ko naman siya kinakausap dahil baka nag-iisip din siya.
"Hindi pa kami nakakapag-usap." frustrated na saad ko. "Baka kasi ayaw niya din akong makausap dahil nag-iisip payun sa nangyari. Shit i don't know why i can't control myself when it comes her."
"Lintik na tinamaan na talaga tong kaibigan natin." iling-iling na saad ni Xenon.
"Shut up." ani ko at uminom ng tubig.
YOU ARE READING
Hidden Identity
Mystery / ThrillerA mysterious lady who hide her self from her parents and her real life