Chapter 40

63 5 0
                                    

HIDDEN IDENTITY

Dedicated to: Irish_Erediano

Nang matapos akong mag toothbrush ay agad akong naligo. Habang naliligo ay sinasampal ko ang sarili ko, nagbabakasakaling nananaginip lang ako ngunit hindi, totoo ang lahat ng to. Totoo na nasa tabi ko siya. I just took a quick shower at hinalukay ang mga gamit ni Menezo. Kumuha ako ng isa sa mga boxer niya at isang plain white V-neck shirt. Medyo maluwag sa akin ang boxer niya ngunit ayos lang naman. Sobrang laki din para sa akin ang damit niya na natatabunan nito ang boxer.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay lumabas na ako ng kwarto at natagpuan ko si Menezo na gumagawa ng juice. My head is still throbing at gustong-gusto ko ng humigop ng sabaw. While staring at Menezo, na realize ko na sobrang namiss ko siya ng sobra. The way he calls me baby and the way he takes care of me, miss ko na lahat ng yun. I cried every night hoping na maibabalik pa yun and now- nandito na siya. Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad ko siyang niyakap ng mahigpit galing sa likod at ibinaon ang ulo ko sa likod niya. I felt his body hardened, mukhang nagulat yata sa ginawa ko.

"I love you." mahinang bulong ko ngunit alam kong rinig na rinig niya ako.

"I love you more baby." malambing na saad niya at inaplos ang kamay kong nakayakap sa kanya. Hindi ko napigilang maiyak dahil akala ko sasabihin niya na namang sino ako o ano. Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit at natawa naman siya sa ginawa ko. Inalis niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at humarap sa akin. Pinunasan niya ang luha ko at tumitig sa akin.

"I'm sorry." sinserong saad niya. "I'm sorry if i hurted you. I'm sorry if i didn't listen to you when i should have. I'm sorry for the days that you kept on crying because of me, dahil sa pride ko. Baby Maple, my baby Aerish, please give me a chance."

Hindi ko siya sinagot at ibinaon lang ang mukha ko sa dibdib niya habang umiiyak na parang bata. He hugged me tightly at masuyong hinaplos ang buhok ko.

"I'm sorry." mahinang saad niya.

Umiling-iling lang ako at niyakap siya pabalik.

We just stayed like that for a moment. Hugging each other. Nakikinig lang ako sa pintig ng puso niya at lahat ng sakit na naramdaman ko nitong nagdaang araw ay biglang nawala. I felt light. I feel complete right now.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya at yumuko habang pinupunasan ang luha ko gamit ang tshirt niya. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatitig lang siya sa akin.

"Menezo.." mahinang saad ko.

"Hmm?" aniya at hinaplos ang buhok ko.

"Kain na tayo." nakangusong saad ko.

Natawa naman siya. "Sure baby sure."

Iginiya niya ako paupo at inilapit ang upuan niya sa akin.

"Anong niluto mo?" tanong ko ng makaupo siya.

"Tinola." nakangiting saad niya at kinuha ang kutsara. Nilagyan niya ng sabaw ang kanin at sumandok dito. He raised the spoonful of rice, "Open your mouth baby," aniya na agad ko namang sinunod. Sinusubuan lang ako ni Menezo, pansin kong hindi siy kumakain.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Nope. I'm feeding my baby."

"I can feed myself. You should eat Menezo."

Umiling siya. "I'm not hungry baby." aniya at muli akong sinubuan.

I finished my food at inilagay naman ni Menezo lahat ng mga pinagkainan ko sa sink at muling bumalik sa akin. "Let's talk." aniya ng makaupo ulit.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now