MCG 12

108 37 2
                                    


CHAPTER 12: IRRITATING VISITOR

"WHAT do you suggest then?"

Kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi kay Drea ang dapat gawin pero parang wala naman siyang balak makinig.

We've been running around the bush and I'm starting to hate this!

"Saan ba sa sinabi ko Drea ang mahirap intindihin?"

"Wala naman. But think of it again, why do we need the Clarks' help?"

Napasimangot ako.

"Cause we lack funds," I said.

"Exactly, and what you want us to do is,  research again and collect data? You know it's not free. We need money for advertisements, too," she replied.

I understand her point but she was not getting the whole picture. She neglected little details and focused on the bigger ones instead. Ang akala niya siguro ay hindi 'yon mapapansin ni Vaughnn.

"Then, do you still expect the Clarks to help us?"

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Use your brain, Han. Just manipulate the details."

Manipulate the what? Unrealistic financial projections. Muli kong naalala ang sinabi ni Vaughnn. Matalim kong tinitigan si Drea. Siya lang naman ang nakikialam sa gawain ng iba kahit hindi na niya ito sakop.

"Did you do that? Sa financial analysis ng proposal? Did you, Drea?"

Rumehistro ang gulat sa mukha niya. I think I know the answers.

Inis akong tumalikod at bumalik sa sariling mesa. Hindi ko rin pinansin ang pagtawag niya at hinayaan ang ibang mga empleyadong magtaka sa nangyari. Sa pinakadulo pa man din ang opisina niya at kapag sisigaw siya ay siguradong maririnig ito ng lahat sa departamento. 

Nayayamot ako! Bakit ba kasi ako ang naiipit sa ganitong sitwasyon? I didn't ask for this.

Ayaw pumayag ni Drea, kaya anong sasabihin ko kay Vaughnn?

Oh crap! Speaking of Vaughnn, agad kong inilabas ang cellphone.

5 missed calls and 2 text messages from him.

Hey have you eaten already?

Why aren't you answering my calls?

Kahit papaano ay napangiti ako. Bahala na sina Drea kung ayaw nilang gawin ang sinabi ko. What's important was, I told them.

Tatawagan ko na sana si Vaughnn nang may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Wait. I'm pretty sure about this. That is Vaughnn's voice. But I remained seated.

"Han!" Mas lalo itong lumakas dahilan para mapatayo ako bigla.

Bahagya akong napasilip sa labas at nakita siyang nakatayo sa gitna ng pasilyo. Nakita niya ako at sumilay sa mukha nito ang ngiti. I reacted other wise.

"What are you doing?" I mouthed.

"What?" he shouted back while striding towards me. Taga-bundok ba 'tong lalaki na 'to?

Napalingon ako sa paligid. Some employees had noticed him and were now paying attention to us.

Oh geez! Katatapos lang ng eksena namin ni Drea  at may susunod na naman?

Once There Was A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon