CHAPTER 13: SET THE DATE"BAKA naman kasi ibang trabaho na ang ginagawa."
I was holding my temper for almost an hour now. Kanina pa nagpaparinig itong si Drea ah. Hindi pa yata niya limot ang nangyari noong nakaraang linggo.
"Hoy! Okey ka lang?" bulong ni Jimma. Buti magkatabi kami ng table at mabilis lang niya akong nalalapitan.
"Oo naman, bakit?" kalmadong sagot ko. I need to restrain myself. Kahit na gustong-gusto ko nang sabunatan 'yang si Drea ay pinipigilan ko.
Kailangan ko ng trabaho.
Konti palang ang ipon ko sa bangko dahil kabibili ko lang ng lupa at ngayon ay nagpapatayo pa ng bahay.
Mahal ang mangupahan pero titiisin ko muna hanggat hindi pa natatapos ang bahay.
I'm not even half-way there.
"Mata mo, Hanaiah. Tingnan mo kaya ang mukha mo sa salamin. Parang mangangain ka na ng tao," saad niya.
Humigit ako nang malalim na hininga para pakalmahin pa lalo ang sistema ko.
Naririnig ko pa rin kasi ang patuloy na pagngangawa ng babaeng iyon.
Ano bang ginagawa ko sa kanya? Ah, siguro dahil dinala ko sa CEO ang problema sa proposal pero siya pa rin naman ang boss ng department na ito. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan.
May sasabihin na sana ako kay Jimma nang mapansin ko na hindi na siya sa hitsura ko nakatingin.
I traced her gaze and it landed on the bottled mineral water I am holding. Hala, nayupi sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.
"Parang gusto kong magsuot ng earphone," I told Jimma. Tumawa siya sa sinabi ko kaya't maging ako ay natawa na rin.
"Ano na ba kasi kayo ni Sir Clark?" nang-aasar niyang tanong. Senenyasan ko siyang hinaan ang boses dahil baka may makarinig sa kanya at maeskandalo na naman ako. Wala pa ngang nakikita si Drea ay nag-assume na kaagad siya paano pa kaya kapag nalaman niya na pumupunta sa bahay si Vaughnn. I'm sure, pati ang utility workers namin makakaalam. I knew her too well.
"Walang malisya. We're just friends and it will remain as that," sabi ko.
Ba't mo pa sinabi ang: it will remain as that? Duh, Han? You sounded too defensive.
I scolded myself mentally.
I looked at Jimma, she wasn't buying it. Sabagay maging ako naman. How come that a famous man like him will be friends with me?
But we've known each other for I guess a month now?
"Let me correct my statement, it has something to do with our product. It was some sort of agreement. He was still thinking of the best thing to do," mabilis kong sambit.
Speaking of him, dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam.
Ang huling sinabi niya nang dumaan siya sa bahay ay pupunta siyang Paris para sa isang event.
Hamakin mo 'yon? Umabot ang produkto nila sa ibang bansa. Nakakamangha naman. No wonder why they are so famous.
"Oh? Ba't bigla ka naman napasimangot?" Jimma pulled me out of my trance.
Nakasimangot ba ako?
"Hindi kasi siya nagpaparamdam," nasambit ko bigla.Huli na para maisip ko ang sinabi.
Jimma was smiling at me. 'Yong ngiti na parang nang-aasar.
"Uy! Ikaw ha? Si Sir Clark ba?" sabi niya. Kaligayahan talaga niyang tuksuhin ako. Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko. Sorry to say, I'm not ticklish.
BINABASA MO ANG
Once There Was A Twist
Romance"I don't need a man to complete me." -Hanaiah Virellares