CHAPTER 9: LIKE WALLS
"Unrealistic financial projections, undetermined target audience, and not knowing your distribution channel."
Nakanganga lang ako kay Vaughnn habang pinagmamasdan siyang nagluluto at nagpapaliwanag tungkol sa dapat pa naming ayusin.
Nasa harap siya ng lutuan at ako nama'y nasa gilid niya.
When what he said dawned to me, a frown formed from my lips. That bespeak of incoming revision and ofcourse headache. Guguluhin ko na naman ang ibang department para maka-produce ng mas reliable na data. Nakakaasar! Bakit ba sa'kin 'to pinapagawa? Ano nga ulit ako sa kompanya?
"Let's focus on target audience first, you weren't able to show who will benefit your product the most. Naging general siya, walang specificied na group of people. You get me, Han? Dapat kasi mayro'n talagang certain bracket na sigurado kayong malakas ang hatak ng produkto n'yo. I suggest you to talk with your team again and brainstorm. I'll discuss others one at a time para hindi sumabay ang mga iisipin mo."
Napabuntong-hiniga ako na ikinatawa naman niya. I guess it's for me as well, I'm learning from him first hand, that would atleast make me feel better despite of pending works.
"Anyway, I'll be having a meeting later. Isasama kita. We will talk about the distribution channel since their product is already ready for marketing."
Napakunot ang noo ko.
"Isn't it private? Hindi naman ako staff ng kompanya n'yo. Baka magalit pa ang kausap mo," sagot ko. Bukod pa do'n, ayaw kong sumama sa kanya dahil sigurado naman akong malalaking tao ang kausap niya.
"He won't know, you won't tell. May tiwala naman ako sa'yo. Isa pa, hindi ang mismong produkto ang pag-uusapan namin. I told you already, no delicate subject will be tackled. Tapos na 'yon. Isa pa, nasa home appliances ang line ng business nila. Sa inyo naman, beauty products," he explained further.
"Ah eh. 'Wag na. Ano naman ang purpose ko doon?"
The thought alone was already giving me shiver. Lalo pa kaya kapag kaharap ko na sila.
"Trust me, you will gain something. He was one of the best business man I've known as well. It's our second time doing business with him," he said and prepared another pan.
"Eh. Ayoko pa rin. Nakakahiya," I stated as a matter of fact. Yes, I admit, I have never been to a meeting with our clients before, except Vaughnn. Iba naman kasi ang case niya. Parang binagsak lang ng langit sa akin at wala na akong takas.
"Come on, this will help you a lot. Don't you want to know what you lack? This offer won't be on the table for long," he said.
I chose not to answer and just focused on what he was doing. Naghahalo siya ng mga ingredients para ipanglasa sa karne. Sabi niya, secret recipe niya iyon.
Ilang minuto pa ay naaamoy ko na ang niluluto niya.
Napapikit ako saglit saka inilapit nang konti ang ilong ko.
Ang bango ha! Pang-professional ang dating. Ginugutom na tuloy ako. Nagrereklamo na nga ang mga alaga ko sa tiyan. Masarap na nga siya, masarap pa ang niluluto niya. I mean masarap tingnan. Napatawa ako sa iniisip.
"Ay palaka!" Napasigaw ako bigla dahil pagkabukas ko ng mga mata ay napakalapit na ng mukha niya sa akin. Nakalimutan ko tuloy na walang sandalan 'tong upuan na kinalalagyan ko.
"Ay!" I could feel my body swaying. Buti na lang at nasalo niya ang likod ko. Kung hindi ay sa malamang sa malamig na sahig ang bagsak ko.
But then, the situation became uncomfortable.
BINABASA MO ANG
Once There Was A Twist
Roman d'amour"I don't need a man to complete me." -Hanaiah Virellares