MCG 21

79 26 1
                                    


CHAPTER 21: BREAKFAST WITH THE BOYS

I HUMMED in the tune of buwan while frying an egg. The sunlight passing through my windows even boosted the bouyant atmosphere around me.

I just woke feeling so refreshed and happy without any particular reason.

Inihain ko na ang niluto ko sa lamesa kasabay ng hotdog at sinangag na pulang kanin. I remembered Vaughnn everytime I cook that. Hindi ko naman nilalagyan ng ketchup kapag ako ang nagluluto ng ganyan. Pero iwan ba, contagious talaga siguro ang ugali at gawi ni Vaughnn.

"Ang dami naman yata ng niluto ko. Mauubos ko kaya 'to?" tanong ko sa sarili saka tumawa.

But just before I could take a seat, tumunog ang doorbell.

Si Vaughnn siguro 'to. Mabilis akong tumayo at tumungo sa pintuan. Maaga na naman siya pero okey lang dahil nakabihis na rin naman ako at kakain na lang.

"Aba ang a---" Pinutol ko na kaagad ang sasabihin  nang ibang  mukha ang aking nabungaran.

"Fretz!" I shifted my normal voice into a cheerful one. Para maitago ang pagkagulat sa  biglaang  pagsulpot niya. Nasabi ko naman sa kanya ang address ng apartment ko pero hindi ko  inaasahan na pupunta siya.

"Fruits?" alok niya at inangat ang hawak na basket sa kaliwang kamay. Inabot ko naman iyon.

"Salamat. Pasok ka," yaya ko. I opened the door wider. Mabilis din akong napatingin sa paligid at baka may kung anong nakakalat.

Kung si Vaughnn lang sana 'to ay hahayaan ko lang siyang mag-isa, sanay naman siya. Wala na akong pakialam kung anong gusto niyang gawin. I'm used to seeing him around my apartment. Kung minsan nga parang siya na ang may-ari ng lugar ko. But, the difference is, he was not sleeping here.

Nilapag ko ang mga prutas sa lamesa at inimbitahan siyang kumain.

"Teka, kumakain ka ba nito?" tanong ko. Baka mamaya hindi niya hilig ang sinangag na kanin, hotdog, scrambled egg, sunny side-up egg at daing na bangus.

"Oo naman, pero hindi healthy ang lagi kang kumakain ng mga mamantikang pagkain ha? Uminom ka ng maraming tubig lagi," malumanay niyang saad. Napatango  ako. Ganito pala ang mangyayari kapag may manliligaw kang doctor. May nagbabantay na sa mga kinakain mo.

"Hindi naman palagi. Hilig lang kasi lutuin ni V---" napatigil ako sa pagsasalita. Nang tingnan ko siya ay inaantay niya pa rin ang kasunod ng sinabi ko.

"Ni?" he asked.

'Wag kasing basta-bastang nagsasalita, Han. Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan dati.

"Ni?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Sabi mo, hilig lutuin ni...nino?" saad niya.

Oo nga, Han. Nino ba?

"Ah, I didn't say ni, I said, hilig lutuin noong bata pa ako, ng mama ko."

Seriously, Han? Pinigilan ko ang sariling ngumiwi. I don't even remember what my mom used to cook. Hindi ko nga rin maalala masyado ang mukha niya.

Once There Was A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon