MCG 22

79 26 1
                                    


CHAPTER 22: NOT MORE THAN FRIENDS

"UY! Kamusta?" nakangiting tanong ni Jimma. Kapag break time, hobby na niya 'atang mangamusta araw-araw.

"Ang?" sabi ko. Her brows contracted.

"Grabe, private na private ang lovelife 'no?" reklamo niya. Sabi na nga ba, 'yon ang gusto niyang malaman.

"Wala pang usad kaya maghintay ka. Anyway, I have to give this to Mike para maayos na niya," paalam ko saka agad-agad na tumayo. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko, pero katulad ng lagi kong ginagawa, hinayaan ko lang siya.

Pasakay na sana ako ng elevator pero agad na napatigil nang makita si Drea na naglalakad pakaliwa, patungong office ni Ma'am Leandres. Mukhang hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pakikipag-usap sa isang lalaki na hindi ko kilala. At sa malamang, hindi nagtratrabaho rito.

"Yes, Mr. Manolo, The Clarks is one of our business partners," rinig kong wika niya. Nagpanting ang taenga ko at susundan ko na dapat siya, ang kaso,naisip ko baka mapahiya siya sa kausap niya.

Maybe I'll just ask her privately later. Hindi kasi tama na sabihin iyon lalo na at 'di pa rin naman sigurado. I think she was using Vaughnn's surname to get investors.

I immediately went to Mike and gave him the papers. Tapos no'n dali-dali akong naglakad pabalik sa table at hinintay si Drea. Alam ko naman na dito siya dadaan.

At mga ilang minuto nga lang ay narinig ko ang yabag ng mga paa niya. Malamang, alam na alam ko sa tunog palang ng takong na suot niya.

I stood up just exactly when she was infront of my table.

"We need to talk," I said. Tiningnan ko siya nang seryoso sa mata. I could see a glint of suprise in those orbs.

"Oh? Himala yata at kinausap mo ako. Nag-iba ang ihip ng hangin ah," sagot niya nang makabawi.

"I don't want to go around the bush, Drea. Narinig ko kanina na sinabi mong ka-partner na natin ang mga Clark. That is a lie! At alam mong mali 'yon!" I told her. This time, her shock was even more visible. My assumption was right then.

"Don't concern yourself in my business, Han. Walang pakialaman ng diskarte. Manahimik ka na lang para wala tayong problema," saad niya. Nag-init ang ulo ko. Ano bang klaseng utak meron ang babaeng ito? May sayad 'ata.

"Pinagsasabihan lang kita, Drea. You should think of the consequences of your actions first. Hindi 'yong salita ka lang nang salita," sabi ko. Napansin kong marami na ang nakatingin sa amin kaya tumalikod na ako at bumalik sa table. Ayoko nang pahabain pa ang pag-uusapan namin. Basta nasabihan ko na siya.

Narinig ko ang pagdabog niya paalis,mabuti naman at hindi na niya ako sinagot. Alam naman niyang wala siyang mapapala kung gagawin niya iyon. Mali siya, ayaw niya lang aminin.

"Anong nangyari do'n?" bulong ng kararating palang na si Jimma.

"Ay, iwan. Nakaka-stress siya," sabi ko na lang.

I went back to my work. Medyo marami na ang kailangan kong gawin mas lalo na at end of the month na naman.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang tumunog ang phone ko.

Binasa ko kung sino ang nag-text. Si Fretz. Niyayaya akong kumain sa labas mamaya. Nireplyan ko siya ng oo at bumalik na sa ginagawa.

Mabilis na lumipas ang oras at labasan na namin. Buong araw ay hindi ko na nakita pa si Drea. That was a good sign. Para hindi naman masira ang gabi ko.

I went home first to change my clothes. Matapos no'n ay tinext ko si Fretz na papunta na ako sa restaurant na sinasabi niya. Nakaabot na ako sa lugar pero wala pa rin siyang reply.

Once There Was A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon