MCG 18

90 29 3
                                    

CHAPTER 18: ACCIDENTALLY

KAPAG WALANG pasok, napakasarap matulog. Pero ito ako mulat ang mga mata at tila may hinihintay. 'Di ko alam kung bakit pero parang nasanay na yata ang sarili ko na may bumibisita sa akin. Kung hindi naman ay umaalis sa bahay at gagala.

Si Vaughnn ang lagi kung kasama pero lately, nagiging busy na siya.

Habang nakatunganga  sa kisame ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Hi! u busy?

Si Fretz ang nag-text.

I'm off. Just lying n bed. Y?

Umupo ako mula sa pagkakahiga at hinintay ang reply niya.

Let's meet?

My heart beat raced. If I say yes, pangalawang beses na naming magkikita. A part of me was excited.

Sure. Sa'n?

I tried to sound casual kahit sa text. Medyo natatawa pa ako sa sarili ko dahil napapansin ko minsan na nakangiti na pala ako.

Napatalon ako sa higaan nang nag-reply na siya at dali-daling pumasok sa cr. Pakanta-kanta pa akong naligo. Matapos linisin ang sarili ay dumiritso ako sa damitan ko,maghahanap lang nang  maayos na isusuot. 'Yong medyo pormal at hindi kagaya ng suot ko sa unang pagkikita namin.

I found a three-fourth off-shoulder  sleeve, hindi ko pa 'ata nasuot ito. I decided to partner it with a plain square pants. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin.

"Mmh, Okey naman 'yan Han, medyo may pwet ka pa naman," wika ko. We agreed to meet at nine pero eight pa lang ay nakaayus na ako.

I was sipping my coffee when I heard a beep. This must be Fretz.

May lakad ka ba now?

Si Vaughnn. I immediately replied and asked him why.

Yayain sana kitang lumabas.

Really? Sabay  pa talaga silang nag-invite ngayon? I typed a message asking him about the time. At ang malas ko rin naman, sabay pa sila ng oras. I thought for a minute and then made up my mind.

Sorry Vaughnn, I need to meet Jimma today. How about in the evening? Let's watch movie?

I waited for his reply and it only took a minute.

I can't. But see you soon. I'll text you if I have time this week. I'm missing youm

My heart skipped a beat.

*you

Geez! So ano ngayon, Han? As a friend 'di ba? You're friends so don't think anything about it. Hindi na lang ako sumagot at naglagay muna ng powder sa mukha at lipstick sa bibig.

No I missyou too?

Nakakainis talaga itong lalaki na 'to. Kahit ang busy ay may oras pa ring mangulit. I ignored his message. Nahihirapan na kasi akong pigilan ang ngiting pilit na kumakawala sa bibig ko.

Hoy!Hanaiah Virellares!

Bakit hindi ka ngre-reply?

Hey?

Isa

Dalwa

Tatlo

At dahil hindi ko nga pinapansin ang text niya ay napatawag na talaga ito.

"Bakit?"

"Anong bakit? Dedma ka lang sa text ko. What are you doing?" I might not see him now but I could imagine his forehead wrinkling. The thought alone made me smile.

Once There Was A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon