CHAPTER 7: FRIED EGGS AND RICEI WAS dreaming. A very beautiful one but some one just ruined it.
Padabog akong tumayo mula sa higaan nang marinig ang sunod-sunod na pagdo-doorbell sa labas.
It's my day off and I need some rest!
I swung the door open ready to shove away however this creature might be. Pero napatigil ako sa pagbuka ng bibig nang mapagsino ang nambubulabog sa akin.
"Vaughn? What the heck are you doing here this early?"
Wala pa akong hilamos at naka-pajama pa. Samantalang siya ay nakagayak na.
Agad siyang pumasok kahit hindi ko pa naman siya pinapapasok. Nasanay na yata siya sa ginagawa at nakalimutan na kung kaninong bahay ba ito.
"Hoy! 'Di mo pa sinasagot tanong ko," sabi ko habang sinusundan siya sa paglakad patungong kusina.
"Makikikain lang," tipid niyang turan. Aba'y kayaman-yaman niya dito pa siya makikikain?
"Sa inyo ba wala kang makain?" I asked him. Sakto namang pagtingin niya sa akin ay inaamoy ko ang hininga. Bigla siyang tumawa saka ginulo ang magulo ko naman talagang buhok.
Hindi tuwid ang buhok ko. It was actually wavy and a bit shaggy. Kaya nga sa ginawa niya,mas lalo akong nagmukhang mangkukulam.
"Mayro'n kaso wala akong kasabay kumain. I decided to drop here instead. Day off mo naman ngayon e," sagot niya.
He looked around as if trying to find something.
"Ano bang p'weding maluto rito?" he asked. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Does he mean that I need to cook? Ugh! Tinatamad akong gumalaw as in. Plano ko lang magpa-deliver ngayon at humilata na lang pagkatapos buong maghapon.
"Hindi naman ikaw ang ipapaluto ko. I can handle things in the kitchen," sagot niya.
Oh? 'Di nga? He may had a bunch of maids at his house. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Hindi ko nga alam kung may pagkain pa sa ref. Hindi ako nakapamili," I told him as a matter of fact.
Hello? Hindi naman kaya ako sanay na may bisita. At pumupunta lang ako sa grocery store kapag nasa mood o hindi tinatamad. And one more, napaka-aga pa para mamili.
"Let me see." He opened the fridge and found nothing there but a pair of eggs. Napasimangot na lang ako. I feel a bit shy, kababae kong tao walang laman ang ref.
"Eh,umh,mag-order na lang tayo?" nahihiya kong tanong. Napakamot ako sa batok nang tingnan niya ako saglit.
"This is fine. May kanin ba?" he asked instead. Pakiramdam ko, ako ang lalaki sa aming dalawa.
"Oo, kaso kagabi pa 'yon," I responded.
"Perfect. I'll cook fried rice and scrumbled egg. Is that okey with you?" he said. Well, may karapatan pa ba akong magreklamo?
Isang Clark yata ang magluluto ng pagkain ko.
"Marunong ka ba?" tanong ko pabalik. I'm just making sure. Malay mo masunog ang kusina ko dahil sa kagagawan niya. Edi magbabayad pa ako sa may-ari ng apartment na 'to. Pero sa bagay, kung sakali man,marami siyang pera para ayusin ang sinira niya.
"Don't you trust me? Kapag nakain mo ang niluto ko pati pangalan mo makakalimutan mo," he said, showing his perfect set of teeth.
"Ang yabang ah?" I said. But he just answered it with a laughter.
BINABASA MO ANG
Once There Was A Twist
Roman d'amour"I don't need a man to complete me." -Hanaiah Virellares