MCG 19

82 27 2
                                    


CHAPTER 19: I'M SORRY

"BAKIT kaya hindi siya nagre-reply? Nag-sorry naman ako," wika ko habang pinaglalaruan ang isang piraso ng cake sa aking harapan. Kahapon ko pa tini-text si Vaughnn pero wala akong nakuhang sagot.

"Mali siguro ang pagkasabi ko. Pero, I'm sorry lang naman ang alam kong terms kapag humihinge ng tawad." Asar kong hiniwa ang cake. I've been waiting for his response but I think, he had no plans of replying.

I had to admit, hindi talaga ako mapakali ngayon. I can't even work properly that's why I felt happy when one of our co-worker celebrated his birthday here. This whole afternoon, kumain at naglaro lang kami. Medyo nakalimutan ko nang konti ang tampo ni Vaughnn pero ngayon ay bumabalik na naman kasi tapos na ang party.

Luminga-linga ako sa paligid. Asan si Jimma? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinanap siya. Nakita ko siya sa mahabang table sa unahan, kumukuha ng lechong manok. Hindi pa pala siya tapos kumain?

"Jimma!" tawag-pansin ko.

"Ay palakang may kabit! Han! Ano ba?" saad niya. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib na tila gulat na gulat.

"Bakit? Anong ginawa ko?" sabi ko.

"Nanggugulat ka lang naman. Mamatay ako sa'yo sa sakit sa puso e!" nakakamot sa ulong wika nito.

"Paanong hindi ka aatakihin sa puso e highblood ka na sa dami ng kinakain mo!" singhal ko. Kanina pa  tapos ang kainan pero ito na naman siya. But infairness, hindi siya tumataba.

"Iwan ko sa'yo! Bakit ba?" Sinubo niya ang hita ng manok kaya lumubo ang magkabilaang pisnge nito.

Daig pa niya ang hindi nakakain ng sampong Linggo.

"May itatanong lang ako. May nagpapatulong kasi," sabi ko. Nahihiya  akong sabihin na ako ang may kailangan. Ma-hot seat na naman ako tapos e.

"Ano 'yon?" sagot niya.

Hindi ko alam kung paano pa niya nagagawang sumagot kahit punong-puno na ang bibig niya.

"Ano sa tingin mo ang dapat gawin kapag kunwari, may nagyaya sa'yong kumain sa labas. Tapos pumayag ka. Then, nag-text ang friend mo. Close kayo by the way, then niyaya ka rin niya. However, you said may lakad ka, makikipag-meet sa ka-workmate mo. But that is obviously a lie. The worst part is, kasama pala 'yong friend mo na 'yon sa pinuntahan mong lakad. Nagkita kayo at parang nagtampo siya," I said.

"Seriously? 'Yon lang? Napaka-basic ang sagot. Say sorry!" Sumubo ulit ito ng isang pirasong manok at nilagok ang  bote ng coke sa lamesa.

"What if hindi nagre-reply sa chat or text kahit nag-sorry ka na?"

"Mmh, nagtampo talaga. Sabagay kung ako rin naman ang sa posisyon niya talagang magagalit ako. Friendship over ang ending. Napakasama niyang friend," sabi nito. I gulped a couple of times, she is really making me feel bad about it. Pakiramdam ko tuloy wala akong kuwentang kaibigan kay Vaughnn.

"Oo nga," sabi ko na lang. Bumara yata ang mga salita sa lalamunan ko e.

"See? Pero bakit nakasimangot ka?" tanong nito.

"Wala naman, ramdam ko lang kasi ang mga sinabi mo," alinlangan kong sagot. Yep, ramdam na ramdam ko. Tumagos pa nga siguro sa apdo ko.

"Oh 'di ba? She was a very, very bad friend," she said again. Sige, pagdiinan mo pa Jimma. Hindi kasi ako iyon at hindi ako tinatamaan sa sinasabi mo.

Once There Was A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon