CHAPTER 14 - MEETUP
FAYE POV.
"Are you okay, Anak?" wika ni dad at hinawakan ang aking kamay.
Kaagad namang nabaling ang aking atensyon sa kaniya at nagpakita kaagad ng ngiti.
"Of course dad. Excited na may halong kaba." sambit ko.
This is it! Wala nang atrasan 'to! Sa totoo lang hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na gagawin ko.
Ang lalaking naging dahilan ng aking pag-alis ay siya ngayong dahilan ng aking pagbabalik. Ang magpakasal sa lalaking tinakasan ko noon ay isang malaking kahibangan! Ngunit hibang na kung hibang. Bata pa ako noon kaya hindi ko naipaglaban ang nararamdaman ko pero ngayon nasa wastong gulang na kami at palagi parin kaming pinagkakaisahan ng tadhana kaya ipaglalaban ko na 'to. Dahil hanggang ngayon mahal parin kita James Lloyd Real!
***
"Fayeee!"
"Andengg!"
"Omg! Omg! Finally nandito kana!" Sigaw ni Andrea at niyakap ako ng mahigpit.
Sinundo kami ni Andrea dito sa Airport.
"It's nice to see you again, ija."nakangiting sabi ni dad.
"Me too, tito! Sana nga po for good na ang pagbabalik niyo dito. 'Wag na kayo sa New York mas masarap pagkain dito sa Pinas." Pagbibiro nito.
Napatawa nalang kami ni daddy dahil sa kakulitan nitong si Andeng.
Kaagad naman kaming umalis sa Airport at sa araw ding iyon ay pinuntahan ni daddy ang kumpanya habang ako naman ay dumiretso sa bahay kasama si Andrea para tulungan akong mag-ayos ng gamit.
"By the way bes, Ipapakilala ko sa'yo si Micheal. Para naman makilala mo na nang personal ang jowa ng bestfriend mo. Para kung magkagipitan alam mo kung sinong babatukan haha!" Nakangising sabi nito.
"Tama, kasi naku pag pinaiyak ka niyan sigurado akong ako ang kukutos dyan!" pangungunsinti ko sa kaniya.
"Pero hirap magka jowa ng sobrang gwapo marami kang kakompetensya. Lalo na sa trabaho ni Micheal. He's a model kaya nakatutok ang mata ng mga tao sa kaniya. Kaya hindi na ako magugulat kung ipagpapalit niya ako sa mga mas magandang katrabaho niya." pagsisinte ng gaga.
"Aysus, ang OA mo! Sino bang nagsabi na mas maganda sila kaysa sa'yo. Kaya nga ikaw ang niligawan hindi ba? Kasi ikaw ang pinakamaganda at swak na swak para sa kaniya. Ayieee." pagpapalakas ko sa loob niya. Sa totoo naman talaga ay sobrang ganda ng kaibigan kong 'to. Lalo na ngayong mas nagmature kami.
"Ay bongga kaya nga mahal na mahal kita eh, kasi ikaw lang ang nabubudol ko. Aside kay Micheal ngayon kasi nabubudol ko rin siya!" aniya.
Napangisi na lamang ako dahil sa kakulitan ng kaibigan ko.
"Teka nga, mabalik tayo sayo. Kumusta si Jake?" bigla niyang pag-iba sa usapan.
Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Andrea. Pumasok kasi sa isipan ko si Jake, at nalulungkot ako dahil alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Ngunit kahit na ganon, wala akong pinagsisisihan sa mga desisyon ko dahil iyon ang mas nakabubuti sa aming dalawa.
"Hindi ko alam, pero sana okay lang siya." mahina kong sabi at napayuko.
"Hay nako, friend. Okay na din ang ginawa mo 'no. Mas magiging kawawa na si Jake kapag pinaasa mo pa lalo at isa pa pinagkasundo ka na ni tito kay James."
"Oh, handa ka na makita siya ulit?" dagdag pa niya.
Maging ako tuloy ay napaisip at napatanong sa sarili ko. Handa na ba ako?
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomansaReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
