FAYE POV.
"Pinapakaba mo naman ako, Jared. Bakit parang ang seryoso mo naman ngayon?"
Tahimik lang na nakatitig si Jared sa akin. Nakasuot siya ng cap at mask ngayon para hindi siya makilala. Mahirap na, baka gawan pa kami ng issue!
"Alam kong mali ang timing ko ngayon, Faye.. pero gusto ko lang sana sabihin 'to sa'yo para hindi ako magsisi sa huli na hindi ko nasabi sa'yo ito," seryoso niyang sabi.
"A-ano ba 'yun?"
"Gusto kita, Faye."
Napatulala ako bigla sa sinabi ni Jared sa akin.
"I know maling mali itong pag amin ko sa'yo, Faye, pero maniwala ka hindi ko intensyon na magkagusto sa'yo.. sadyang tinamaan lang talaga ako. I'm so sorry."
Napakurap ako at muli siyang tinignan.
"G-ganun ba? A-ah.. okay."
Walang nagsalita sa amin at pinapakiramdaman muna ang paligid.
Nakita kong napainom si Jared sa ice coffee niya.
"Alam ko naman na wala na akong pag-asa sa'yo, Faye. Gusto ko lang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko para makamove on ako ng mabilis."
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang, Jared. Medyo nagulat lang ako sa pag amin mo sa akin. H-hindi naman kasi ako kagandahan-"
"No. Maganda ka, Faye.. maganda ka at isa pa ang bait bait mo." Sabi ni Jared at napakamot sa kanyang batok.
Mahina akong napatawa.
"Napaisip ako.. baka kapag nalaman 'to ng mga fans mo at nalaman nilang nireject kita baka sabunotan ako ng mga 'yun," natatawa kong sabi.
Napailing siya at mahina din na napatawa.
"Baka nga.. ang dami pa namang baliw na baliw sa akin," nakangisi niyang sabi.
Napatawa ako sa sinabi niya hanggang sa bumalik na ang pagiging komportable namin sa isa't isa.
Nagkuwentuhan kami ni Jared hanggang sa dumilim na sa labas ng coffee shop kaya lumabas na kami para makauwi.
Sabay kami lumabas ng coffee shop nang mapatigil sa paglalakad si Jared at may tinignan.
"Jared, okay ka lang?" Sabi ko at sinundan ang tingin niya. May nakita akong babaeng nakatalikod at nagmadaling umalis.
"Faye, pwede bang mauna ka nalang umuwi? Hindi na muna kita mahahatid. May pupuntahan lang ako," sabi ni Jared at nagmadaling umalis at sinundan ang babae.
Napatango nalang ako at tinawagan ang driver namin na sunduin ako dito sa shop.
Nang pauwi na ako ay nakita kong napatawad ang nanny ni Caleb na si Lia kaya sinagot ko ito agad.
"Lia, may problema ba?"
"M-ma'am! Ang taas po ng lagnat ni Caleb! Kanina pa po siya iyak ng iyak!"
Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan bigla.
"H-huh?! Bantayan mo muna siya jan. Malapit na ako sa bahay!"
Nang makarating ako sa bahay ay patakbo na akong pumasok at hinanap si Caleb. Nakita ko din ang kotse ni James na kakapark lang. Lumabas si James at patakbo din na pumasok sa loob ng bahay.
Nakita ko si Lia sa may sala habang karga karga si Caleb na iyak ng iyak.
Kinuha ko agad ito sa kanya at hinawakan sa noo.
Myghad! Ang init niya!
"Jusko! Ang init niya.." naiiyak kong sabi.
"Faye, dalhin na natin siya sa hospital," sabi ni James.
Napatango ako at nagmadaling lumabas at sumakay sa kotse ni James para madala na sa hospital ang anak namin.
Nang makarating kaming hospital ay mabilis din na inasikaso ng doctor at mga nurse ang anak ko hanggang sa ma transfer na ito sa private room.
Payapang natutulong ngayon ang anak namin sa hospital bed at bumaba na din ang lagnat niya.
"Kinabahan ako bigla na ganun nalang bigla si Caleb. Sana hindi na siya magkasakit ulit," mahina kong sabi habang nakatingin sa baby namin na natutulog.
"Gagaling din si Caleb. 'Wag kang mag alala, ipapacheck up natin siya lagi para hindi na siya dapuan ng sakit." Sabi ni James at hinalikan ang noo ko.
Napatingin ako sa kanya at sa suot niyang damit. Hindi pa siya nakapagbihis galing trabaho. Sabi niya pa ay nasa kalagitnaan siya ng meeting nang tumawag si Lia sa kanya na nilalagnat si Caleb. Mabilis niyang iniwan ang meeting para makauwi ng bahay.
"Umuwi ka kaya muna, James. Magbihis ka muna at magpahinga. Ako lang muna magbabantay kay Caleb."
"I'm fine. Dito nalang ako magpapahinga." Sabi niya at hinubad ang kanyang coat at naupo sa may sofa.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Napatayo ako nang makita kung sino ang dumating.
"Dad.. anong ginagawa niyo dito?"
Napatingin siya sa akin at kay James at bumalik sa akin.
"May nagsabi sa akin na nahospital ang apo ko kaya pumunta agad ako dito," sabi ni Dad at lumapit kay Caleb.
Napatingin ako kay James na tahimik lang na nakaupo habang nakatingin sa amin.
Alam kong may sinabi din na hindi maganda ang tatay ko sa kanya.
"Dad.." tawag ko sa tatay ko.
Tumingin siya sa akin at kay James.
Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Faye, James, patawad sa inasal ko sa inyo sa nag daang linggo. Nadala lang siguro ako sa pangyayari kaya ganun ang reaksyon ko." Sabi ni dad sa amin.
Napayuko ako.
"It's okay po. Naintindihan namin kayo," sagot ni James.
"Patawad, James. Nag-alala lang ako sa anak at apo ko. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Faye diba? Siya nalang ang meron ako kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan kasi mahal ko ang anak ko."
Naluha ako bigla sa sinabi ni Dad. Nginitian niya at at hinimas ang aking likod.
"Don't worry po, tito.. mahal na mahal ko po ang anak niyo," sagot ni James at nginitian ako.
"Mabuti naman. Panatag na ang loob ko sa narinig ko," nakangiting sabi ni Dad at niyakap ako.
Buti nalang nagkaayos na kami ni Dad at wala na siyang problema sa amin ni James.
"Masaya na ako, anak, kasi masaya ka," bulong ni dad sa akin.
Yes, dad. Masayang masaya ako ngayon kasi biniyayaan ako ng ganitong pamilya.
TO BE CONTINUED..
2 more chapters and we're done!
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
