CHAPTER 11 - THE TRUTH
FAYE POV.
Hindi na kami nag uusap ni James. At nag-iiwasan na rin kami sa school, para sa akin mas madali 'yung gano'n para mas madali akong maka move-on. Lagi parin silang magkasama ni Josie, bulung-bulungan rin na sila na pero tinatanggi nila. Siguro nga hindi, pero posible ring totoo.
Sa mga araw na lumipas lumayo na talaga siya sa akin at hindi na niya ako pinapansin. Parang wala kaming pinagsamahang dalawa. Tsk, dapat nga ako ang mas magalit, siya kaya ang nakipag break. Mas parang babae pa siya kaysa sa akin.
Masakit para sa akin ang pag iwas niya. Pero siguro gusto niya lang na maka move on agad ako sa kanya kasi hindi niya naman ako mahal talaga.
Pero kahit anong gawin ko mahal ko parin siya. Pero pinipilit ko paring mag move on at makalimutan ang nararamdaman ko.
"Faye, tapos kana sa part mo?" wika ng kasama ko.
Napatingin ako kay Paul, bago naming kaklase at kapartner ko sa isang subject.
"Oo. Ito pala Paul." Sabay abot sa kanya ng niresearch ko.
Ngumiti siya at kinuha ang inabot ko sa kanya.
Pogi si Paul at may dalawa siyang dimple sa pisngi na mas nakakapagpapogi sa kanya lalo. Maraming nagkakagusto sa kanya kasi hindi lang siya pogi kundi mabait din ito.
"Ako nalang ang tatapos nitong project natin, Faye. Simple lang naman siya at kaya ko na." pagpresenta niya.
"Ay! Gusto kong makatulong sayo, Paul. Sobra na ang ginawa mo, parang wala na akong naitulong sayo." Nahihiya kong tutol.
Ngumiti siya na nagpalaglag sa puso ko. Ang pogi talaga, isama mo na ang dalawang dimples.
"Okay lang, Faye. Kaya ko naman at ayaw kitang mapagod." Nakangiti nitong sabi at kinindatan ako.
Napayuko ako at namula sa ginawa niya.
"Paul." biglang singit ng boses sa aming likuran..
"Oh, James. Ikaw pala." bati ni Paul.
Napatingin ako kay James ng lumapit ito sa amin.
Seryoso ang mukha nito ngayon. Sinulyapan niya ako bago bumaling ulit kay Paul.
"Yung usapan natin." malamig na sabi ni James.
"Ah! Oo nga pala." Napabaling naman ang tingin ni Paul sa akin.
"Faye, una na ako sayo ah? May pupuntahan pa kasi ako. Ako na ang tatapos sa research natin kaya ko na 'to." Nakangiti niyang sabi.
Nginitian ko siya pabalik.
"Sige, ingat ka." Sabi ko at habang hindi sinisulyapan si James.
Tumalikod na ako at nag ayos ng gamit ko. Naramdaman ko din ang kanilang pag alis.
Pansin ko din na malapit si James at Paul sa isa't isa. Siguro matagal ng magkakilala ang dalawa kaya ganun.
"Pansin mo bes, palagi nalang magkasama si James at 'yung bago nating kaklase na si Paul. May chismis akong nasagap sa school na mag jowa daw ang dalawa." wika ni Andrea.
Hindi ko inasahan ang sinabing 'yun ni Andrea. Lumabas tuloy sa bibig at ilong ko ang iniinom kong milktea dahil para akong natatawa sa pinagsasabi niya.
Napatawa siya ng malakas habang inaabot sakin ang tisyu. Ako naman nagmadaling pinahid sa mukha ko ang tisyu. Buti na lang at walang ibang nakakita sa akin.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
