Chapter 20

26.5K 704 275
                                        

CHAPTER 20

FAYE POV.

Pagkatapos kong marinig ang masasakit na salita ni James sa akin ay umalis na ako agad-agad sa kanyang opisina.

Masakit makitang mas kinakampihan niya pa si Paul kaysa sa akin na asawa niya.

Alam ko na may ugnayan silang dalawa pero sana naman piliin din ako ni James.

Asawa na niya ako kaya dapat alam niya kung sino ang pipiliin niya at sino ang kakampihan niya.

Hindi ko na tinawagan ang driver namin at sumakay nalang ng taxi. Agad kong tinawagan si Andrea pero hindi niya ito sinasagot. Siguro busy siya sa trabaho niya o sa boyfriend niya kaya hindi ko nalang kinulit.

Napapikit ako at hinayaan na tumulo aking mga luha sa aking mata.

Maghapon akong nakaupo sa isang swing sa park na pinuntahan ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko ko pa umuwi, ako ko pa makita ang mukha ni James.

Gusto ko muna mapag-isa.

Napagdesisyonan ko na pagkatapos kong tulala maghapon dito sa park ay pupunta akong bar para mag lasing.

Pumunta ako sa malapit lang na bar sa park na pinuntahan ko.

Alas syete na ng gabi ako nakapasok ng bar. Pagpasok ko ay narinig ko agad ang ingay ng mga tao at ang malakas na music.

Pumunta ako sa may counter at nag order agad ng maiinom. Gusto ko kalimutan muna ang problema ko kahit ngayong gabi lang. Gusto ko mag lasing at hindi inaaalala ang buhay ko kasama si James.

"Isa pa po.." sabi ko at nanghingi pa ng isang baso ng alak.

Medyo lasing na ako at marami ng nainom na alak.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita na alas 10 na pala ng gabi. Nakita ko rin ang mga missed call na galing kay Andrea at James.

Napatawa nalang ako at tinago ulit ang cellphone sa aking bulsa.

Napatingin ako sa mga taong masayang sumasayaw ngayon kaya napatayo ako at nakisali sa kanila.

Sumasayaw ako ngayon habang nakapikit at dinama ang malakas na tugtog ng kanta na mas nagpaindayog sa amin ngayon.

Napatigil ako ng may biglang lumapit sa aking likuran at mas dumikit sa akin kaya napamulat ako at napatingin dito.

Nakita ko naman ang isang chinitong lalaki na nakangisi habang nakahawak sa aking beywang.

"Hey, babe." Nakangisi nitong sabi at hinaplos ang aking beywang.

Bahagya akong napalayo sa kanya pero nahuli parin ako nito kaya napadikit ako sa kanya lalo.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at paglapit ng mukha niya sa aking leeg.

Nanlamig ako ng halikan niya ang aking leeg.

"Wag ka ng choosy, babe. Alam ko naman na gusto mo din ako."

Sa galit at takot ko ay sumigaw ako at nagpupumiglas sa hawak niya sa'kin.

Hindi ako marinig ng ibang tao at makita kasi busy sila sa pagsasayaw.

Natigilan nalang ako ng makita ko ang lalaking nambastos sa akin na nasa sahig na habang hawak hawak ang kanyang mukha.

"Problema mo, dude?!" Galit na sigaw ng lalaking nambastos sa akin sa lalaking sumuntok sa kanya.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon