Chapter 21

24.1K 654 81
                                        

CHAPTER 21
WARNING: RATED SPG🔞READ YOUR OWN RISK!

FAYE POV.

"Paano na lang kung hinanap ka ng daddy mo sa akin kagabi?! Anong isasagot ko, ha! Pwede ba Faye! Magpaalam ka naman kung saan ka pumupunta!" Bulyaw nito sa akin.

Parang umurong ang dila ko sa mga sermon niya. 

Pero napairap rin ako sa inis. So, hindi pala siya talaga concern sa akin? Concern siya na baka tumawag si daddy sa kanya kung saan ako tapos hindi niya ito masagot kasi nga wala ako.

Napaka insensitive talaga ng mokong na 'to. Walang konsiderasyon sa nararamdaman ko.

"Tapos ka na? Gusto ko na magpahinga." Malamig kong sabi at aakmang papasok na sa bahay ng hawakan niya ang braso ko.

"Kinakausap ka ng mister mo! Faye Aisha Real!"

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Idagdag mo pa ang pagbanggit niya ng buong pangalan ko gamit ang apelyido niya. Parang nawala ang lasing ko at binudburan ako ng asin. Napaka marupok ko sa mokong na 'to.

"Saan ka nanggaling ha?" Masungit nitong tanong habang nakatingin parin ng masama sa akin.

"Wala kang pakialam!" Inis kong sabi at inalis ang kamay niya na nakahawak sa aking braso at pumasok sa bahay.

Sinundan niya ako habang galit pa rin ang mukha.

"Sino 'yung naghatid sa yo kanina ha?! Siya ba kasama mo kagabi?!" Sigaw nito.

Hinarap ko ito at inirapan.

"Oo! Siya kasama ko kagabi! Magdamag kaming magkasama ni Jared at-"

"Shut up!!" Malakas niyang sigaw kaya natigilan ako.

Bahagya siyang lumapit sa akin at hinawakan ang beywang ko at hinala ako palapit sa kanya.

"Hindi ka pwedeng sumama sa ibang lalaki, Faye. May asawa ka na at ako 'yon. Ako lang ang pwede mong makasama at wala ng iba." Seryoso nitong sabi at iniwan akong tulala sa sala namin.

Pagkatapos ng sagutan namin ni James sa aming sala ay umalis siya ng bahay. Alam kong galit siya kasi hindi ako umuwi. Responsibilidad niya ako kaya siya concern at galit sa aking pag alis. At baka nagalit din siya kanina ng malaman niyang may kasama akong ibang lalaki kasi mag asawa na kaming dalawa. Baka may makakita sa akin na kasama ang ibang lalaki at maissue ang relasyon namin ni James. Inaalagaan niya kasi kung ano siya ngayon, ang image niya lang ang importante sa kanya. Hindi nga alam ng maraming tao na bakla pala siya eh. Sarili niya lang ang iniisip niya.

"Wala pa rin ba si James?" Tanong ko sa kasambahay namin.

Mag 11 PM na ng gabi pero hanggang ngayon hindi pa rin umuwi si James.

"Matulog na kayo, Elfer. Ako na ang bahala dito." 

"Sige po ma'am." Sabi ng mga kasambahay namin at pumunta na sa kanilang mga kwarto.

Napabuntong hininga ako at sumilip sa labas ng aming bahay. Saan ba pumunta si James? Galit pa rin kaya siya sa akin? Kasalanan niya naman kung bakit ako nag lasing eh! Kung hindi niya pa sana kinampihan ang kabit niya, edi sana ayos kaming dalawa ngayon. Ang kapal ng mukha niyang sisihin sa akin ang lahat!

Ito na ba ang simula ng pag-aaway namin at hindi pagkaintindihang mag-asawa?

'Waaaag namaaan!!!

Napatayo ako bigla ng marinig ko ang sasakyan ni James sa labas.

Dali dali kong binuksan ang pintuan at hinintay ang pagpasok niya. Nakita ko naman si James na nakayuko habang naglalakad palapit sa pintuan.

"Bakit ngayon ka lang, James?" Tanong ko rito.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon