Chapter 16

21K 573 52
                                        

CHAPTER 16

FAYE POV.

"Maam, ano po gusto ninyong color? Pink or Blue?"

"Make it Gold. It's my favorite color." wika ko.

Nakikipag-meeting ako ngayon sa kinuha kong wedding organizer para sa kasal namin ni James.

James didn't know na nagpaplano na ako sa designs at motif ng aming kasal kasi in the first place ayaw niya naman na makasal sa akin, so ako na lang ang magpaplano ng lahat at gagawa ng paraan.

"M-maam g-gusto po makipag-usap sa inyo ni sir--"

"Faye!"

Hindi na natuloy na sabihin ang gustong sabihin ng aking secretary sa akin ng makita kong galit na pumasok si James sa opisina ko.

Pinaalis ko muna si Sophia na wedding organizer namin ni James at ang secretary kong si Jenica.

"Hey, babe. What brought you here?" Pang-iinis ko sa kaniya. Kasi alam ko namang nakaabot na sa kaniya ang balita na pinaplano ko na ang kasal. Ito siguro ang ipinuputok ng butsi nito.

"Ano 'yung nalaman ko na nagpaplano ka na para sa kasal natin?!"

"Ah! 'Yun ba? Yes. Sorry kung hindi kita nasabihan agad, busy ka kasi masyado eh. Gusto mo bang makita ang mga pinalista ko sa wedding organizer natin? Ka meeting ko siya kanina. Baka may hindi ka nagustuhan."

"Bullshit!"

Bahagya akong nagulat sa sigaw ni James sa akin. Kita ang kanyang namumulang mukha na alam mong galit talaga.

"Anong akala mo dito Faye laro laro lang?!"

"I'm serious about it."

"Well, ako din! Kaya itigil mo na ito!"

Nag-init bigla ang ulo ko sa sinabi niya.

"No! Alam mo naman na ito ang gusto ng mga magulang natin diba, James? Kaya tanggapin mo nalang ang kapalaran mo!"

Napasigaw siya at napahilamos sa mukha bago tumingin ulit sa akin.

"Hindi mo ba ako maintindihan, Faye?! Ayoko na! I'm done with you! Hinding hindi na ako babalik sayo, Faye."

Parang piniga ang pusi ko dahil sa mga dalita niya. Hindi ko mapigilang masaktan dahil doon. Kay viglang tumulo ang mga luha ko nang wala sa oras.

"How dare you.." mahina kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya't lumuluha

Napalitan ng gulat ang mukha niya ng makita akong umiiyak.

"Ikaw ang may kasalanan, James. Ikaw ang may kasalanan sa akin! You played my feelings before. You used me! At ang kapal ng mukha mong ipamukha sa akin na kailanman 'di moko minahal noon! Ngayon, akala mo ikaw ang biktima dito? Ikaw ang  dehado? Ako 'yung kontrabida na darating sa buhay mo para sirain 'to?! Hindi James! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa'yo 'to ngayon. Sino ba sa atin ang hindi nagpapakatotoo sa sarili. Kasi ako James, nagpapakatotoo ako kaya kita pinaglalaban dahil 'yun yong nararamdaman ko eh. Ikaw nagpakatotoo kaba? Hindi! Kaya nga nangyayari sa'yo 'to ngayon dahil kinulong mo ang sarili mo sa isang sitwasyong na mahirap takasan. Kung simula pa lang, noong mga bata pa tayo sinabi mo na sa mga magulang mo na bakla ka edi sana wala tayo sa sitwasyong 'to.  Edi sana 'di moko pinuproblema! Sa totoo lang? Dapat magpasalamat kapa ngayon eh, dahil tinutulungan kitang hayop ka! Pero pwede ka pang umatras James. Magladlad ka lang, tapos ang problema!" pagpapamukha ko sa kaniya at umalis.

Sumosobra na siya! Hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi niya sa akin. Alam ko naman na galit siya pero wala siyang karapatan na maliitin ang pagkababae ko.

***

"Ay! Bakit ang lungkot ng mukha ni Bestfriend?" Tanong ni Andrea sa akin ng pumasok siya sa aking kwarto.

Matapos ang sagutan namin ni James sa office ko ay dumiretso na agad ako sa bahay upang makapag pahinga.

"Nagkasagutan kami ni James kanina sa office ko." Sabi ko.

Nanlaki naman ang singkit na mga mata ni Andrea at bahagyang lumapit sa akin.

"Hala! Bakit? Grabe, hindi pa nga kayo mag-asawa pero may pa ganyan na kayo."

"Nalaman niya kasi na nagpaplano na ako para sa kasal namin at nagalit siya dun."

Nakasimangot na naman si Andrea. "Ay! Grabe naman ni fafa James ah? Bakit siya galit eh dapat masaya siya kasi hindi na siya mahihirapan."

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kawalan.

"Ewan ko ba, Andrea. Masyado akong nasaktan sa sinabi ni James kanina. Pero kahit nasasaktan na ako hindi ko parin magawang iwan siya. Ayokong itigil ang kasal kasi gusto ko siyang maging asawa.." napaiyak ako at napatingin kay Andrea.

"Masyado ba akong selfish, Andrea? Masyado ba ba akong kontrabida ba ako sa buhay niya?" Tanong ko rito.

Niyakap niya ako at hinagod ang aking likod kaya mas lalo akong napaiyak.

"Hindi ka selfish, Faye. Mahal mo lang talaga ang tao kaya ka ganyan."

I'm sorry, James. Pero hindi mo ako mapipigilan. Hindi ko ititigil ang kasal at kahit anong gawing pagmamakaawa mo hindi kita pakikinggan.

***

"Ma'am, may gusto po makipag-usap sa inyo. April Rose Real daw po ang pangalan." Sabi ng secretary ko.

"Oh! Papasukin mo."

Lumabas ulit ang secretary ko at pumasok sa office ko ang nakangiting si April.

"April!" Sabi ko at lumapit sa kanya para yakapin.

"Hey, Faye."

"Bakit ka pala nag punta dito?" Sabi ko at pinaupo siya sa couch malapit sa table ko.

"Gusto ko lang sana makipag-usap sayo tungkol sa inyo ni James."

Biglang nawala ang ngiti sa aking mukha at sumeryoso ito at ganun din si April.

"Ano yun?"

"Alam ko ang estado ng relasyon niyo ni James ngayon at alam ko din na ayaw niya sa kasal niyo.."

Napayuko ako sa sinabi niya.

"Believe me, Faye..I know James very well.. hindi niya man matanggap ngayon na ikakasal na siya sayo pero in the future marerealize niya na hindi siya nagkamali na maging asawa ka niya. Ganun lang ngayon si James kasi hindi niya matanggap na mawawala nang pagkadalaga niya."

Natawa ako sa huling sinabi ni April.

"Ikaw talaga."  ngisi ko sa sinabi niya.

"Pero, seryoso. 'Wag ka sanang sumuko sa kaniya. Ayaw ko sanang sabihin 'to dahil pakiramdam ko lang naman, pero alam mo bang naapektuhan si James sa pagkawala mo noon? Hindi ko man maipaliwanag pero parang nasaktan siya nang bigla kang nawala."

Bigla akong napaisip at sa totoo lang ay kaunti ay nabuhayan ako ng loob. Pero ayokong umasa, ayokong magmukhang tanga na naman.

"Baka siguro, nakokonsensya lang siya." tugon ko.

Hinawakan ni April ang kamay ko at nagpatuloy sa pagsasalita.  "Basta Faye, 'wag mo sanang sukuan si James. Supirtado kita at kung may maitutulong ako. Magsabi ka lang okay?!" ngiti niya sa akin.

Ngumiti ako pabalik. "Makakaasa ka, April. Hinding hindi ko susukuan si James kahit ano pa ang gagawin niya. Maraming Salamat."

"Ano ka ba, simpleng bagay. Alam mo ganyan din ako noon kay Juctril pero sana hindi mo maranasan ang naranasan ko sa kapatid ng mahal mo haha. Pero alam ko naman na hindi magkatulad si Juctril at James at aalagaan kang mabuti ni James."

"Sana nga, April..sana nga.."

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon