CHAPTER 15
FAYE POV.
"Leave me alone!"
'Yan ang lagi kong naririnig kapag pinupuntahan ko si James sa opisina niya o di kaya may lakad siya.
"Ayoko nga." Nakataas ang kilay na sabi ko.
Inirapan niya ako at bumuntong hininga.
"Bakit ka ba punta ng punta sa akin!"
Ngumiti ako at umupo malapit sa kanya.
"Syempre kung nasaan ang future husband ko dapat nandu'n din ako!"
Sobrang naiinis siyang napasigaw at hindi na ako pinansin.
Palihim na lang akong napangiti. Dahil 'yun naman talaga ang pakay ko ang inis siya.
Sinabi na kasi ni dad sa akin ang plano niya at ni tito Jerome. Alam niya din kasi na may gusto ako kay James kaya hindi na siya mahihirapan pa. Gusto na din ni tito Jerome na makasal si James kaya ako ang napili niya. Wala naman akong tutol sa gusto nila kasi gusto ko rin naman 'yun.
"Wala akong panahon sa kagagahan mo, Faye." Masungit nitong sabi at binalik ang tingin sa mga papers niya.
Napasimangot nalang ako at kumuha ng magazine para mapaglibangan.
Bumukas ang pintuan sa office ni James kaya natigilan ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ito.
"F-faye?"
"P-Paul.."
Nagulat ako sa dahil hindi ko inaasahan ang presenya ni Paul ngayon. Pero matagal ko na 'tong pinaghahandaan. Matagal ko na siyang pinaghandaan.
Napakurap ito at napatingin kay James.
"U-umuwi ka na pala." nauutal na tanong nito sakin.
Ngumiti ako at tumango. "Yes! Nandito ako para bantayan ang magiging asawa ko." diin kong sagot sa kaniya.
"Magiging asawa?" Taka nitong tanong.
"Yes, at si James ang tinutukoy ko." walang pag-aalinlangan kong tugon at kunwaring bumalik sa binabasa ko.
Napakurap siya at kita sa mukha niya ang gulat. Napatingin ito kay James na mukhang may gustong sabihin.
Sorry ka nalang Paul. Tama na. Akin si James, akin lang siya.
"What do you want, Paul?" Malamig na tanong ni James.
"I-ito na pala ang mga papers na galing kay Mr. Sanchez." Sabi ni Paul at nilagay ang mga folder na dala dala niya sa table ni James.
"Thank you!" wika ni James at bumalik sa trabaho niya.
Tumingin sa akin si Paul at ngumiti. "Alis na ako, Faye. Masaya akong makita ka ulit."
"Me too." Sabi ko at ngumiti din pabalik sa kanya.
Nang makalabas na siya ay tinignan ko ulit si James na busy sa trabaho niya.
"Bakit hindi mo sinabi na dito nagtatrabaho si Paul?!"
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin.
"Bakit, nagtanong ka ba?" Masungit nitong sabi.
Inirapan ko siya.
"Hindi! Pero may karapatan akong malaman ang totoo!"
"Yeah, yeah." Walang gana nitong sabi at hindi na nakipag sagutan sa akin.
Nang hindi na ako pinapansin ni James ay lumabas na ako sa kanyang opisina. Nakita ko si Paul sa may lobby kaya tinawag ko ito upang makipag usap.
"Nakauwi ka na pala, Faye." Sabi niya sa akin.
Mas naging mature si Paul at gumwapo din siya.
"Oo." Maikli kong sabi.
"Masaya ako at nakita kita ulit." Sabi niya at ngumiti sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka pala nandito?" Mataray kong tanong.
"Dito ako nagtatrabaho bilang secretary ni James."
Kumulo ang dugo ko ng marinig ko yun kay Paul.
"Bakit? Kayo pa ba ni James?!" Maldita kong tanong.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Mahal ko siya."
"Aba--"
"Mahal ko siya, Faye.."
"Aba talaga--"
"—at alam ko din ang balita na ipinagkasundo si James na maikasal sayo."
"Buti naman at alam mo!"
"Mauna na ako, Faye. Masaya ako at nakita kita." Nakangiti niyang sabi at umalis na sa harapan ko.
Napabuntong hininga ako sa inis at napapikit.
Hanggang ngayon pala sila parin?
Wala na ba talaga akong pag-asa sayo, James?
Anong meron kay Paul na wala ako?
Ang hirap pala talaga kapag nalaman mo na lalaki ang karibal mo sa pinakamamahal mo.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
