Chapter 18

20.3K 567 32
                                        

CHAPTER 18

FAYE POV.

Natapos na ang honeymoon namin ni James sa Mati City. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na ako masyadong dumidikit kay James kasi nahihiya ako sa ginawa ko noong gabing iyon. Pero dahil kami lang magkasama ay hindi pa rin maiwasan na magsama kami sa pamamasyal. Naging casual naman sa akin si James at hindi ako sinungitan.

Nandito kami ngayon naninirahan sa regalo ng daddy ko na bahay sa Hernandez Village. Malaki siya at pang pamilya talaga. Nag hired din ng mga maids sila daddy para may kasama kami dito sa bahay.

May 3 kwarto sa taas, dalawa na guest room at ang master bedroom na kwarto namin ni James. Sa baba naman ay may dalawang guest room at dalawang kwarto para sa kasambahay namin.

This is it! May asawa na ako at may sarili na kaming bahay. Dapat pagsilbihan kong mabuti si James kung ano ang mga kailangan niya.

Maaga akong nagising ngayon upang ipaghanda ng makakain si James. Nagpatulong din ako sa kasambahay naming si Ana at Claire.

Habang nag aayos kami sa table ay nakita ko si James na pababa sa hagdan habang nahihirapan sa pag-aayos sa kanyang necktie.

Ngumiti naman ako at nilapitan siya.

"Good morning! Tulungan na kita jan." Bati ko sa kanya at tinulungan siya sa kanyang necktie.

Napatigil siya at hinayaan ako sa pag-aayos.

Pagkatapos kong maayos ang necktie niya ay nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya nginitian ko ito.

"Kain ka na. Naghanda ako ng breakfast natin."

"Kailangan ko ng umalis. Late na ako sa trabaho at may meeting din ako." Malamig niyang sabi at tinignan ang relo niya.

Nawala ang ngiti ko sa aking labi sa kanyang sinabi.

"G-ganun ba..padalhan nalang kita ng pagkain para dun ka na kumain!" Masigla kong sabi.

Tinignan niya ako ng malamig.

"No need, Faye. I can eat what I want in my office." Malamig niyang sabi at lumabas na ng bahay.

Napayuko naman ako at napabuntong hininga.

Tiisin mo, Faye! Kinasal ka sa isang busy na businessman partida CEO pa 'yan plus baklang maldita kaya magtiis ka.

Pagkatapos kong kumain mag isa sa aking nilutong breakfast para sa amin ni James ay dinalaw ako ng aking butihing bestfriend.

"So, kwento mo na sa akin ang nangyari sa honeymoon nyo!" Excited na sabi ni Andrea habang nakangisi.

Napabuntong hininga naman ako. Ayaw kong idisappoint si Andrea pero wala talaga eh..

"Wala eh."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Anong wala?!"

"Walang nangyari sa amin."

Nanlaki ang mga mata niya sa aking sinabi at napatayo.

"Are you serious, girl?! As in wala talaga?"

Tumango ako.

Napaupo ulit siya na mukhang lugi sa pustahan.

"Ano ba 'yan! So Berhin pa rin ang lola mo?"

"Oum..." nakangiwi kong sagot.

"W-well.."

"Oh, no! Nakakainis naman 'yang asawa mo! Para namang hindi lalaki!" Inis niyang sabi.

Hindi naman talaga siya lalaki, Andrea. He's a Gay! Bakla! Shokla!

"Pabayaan mo na." Suko kong sabi.

Tinignan niya ako ng masama.

"Anong pabayaan mo na?! No! Dapat may mangyari na sa inyo para may little Faye at little James na! Tapos mag lalaro kami ni little Faye at little James tapos magiging the best tita ninang ako ever!" excited na sabi ni Andrea habang malaki ang ngisi.

Napasapo nalang ako sa aking noo sa kanyang malawak na imahinasyon.

"Tigilan mo nga 'yan, Andrea."

"Ewan ko sayo, Faye! Dapat anakan ka na ni James para naman may pagkaabalahan ka dito sa bahay niyo 'no! Hindi puro ganito na lang! Ang boring kaya." Nakasimangot nitong sabi.

"Darating din ako jan, Andrea. Ayoko lang munang pilitin si James. Alam ko naman na nag aadjust pa siya sa buhay namin ngayon, at ako naman din eh kaya hindi pa siguro ako handa mag buntis."

Nakasimangot naman ang kaibigan ko at mukhang hindi pa rin sang-ayon sa aking sinabi.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw ang magbuntis? Atat na atat ka naman magkaroon ng bata eh." Asar ko sa aking kaibigan.

Nanlaki ang mga mata niya.

"H-hoy! Hindi pa ako ready maging mommy a-ano! Sinabi ko lang na ready akong maging tita ninang hindi nanay!"

Natawa nalang ako sa inasal ng kaibigan ko.

Gusto ko na din magkaanak. Pero siguro hindi muna ngayon. Naguguluhan parin si James at hindi pa siya nakakaadjust sa buhay namin. Gusto ko kapag magkaanak kami ay gusto ko tanggap niya ang magiging anak namin at magiging masaya na kami.

Gusto ko muna mahalin niya ako bago kami bumuo ng pamilya. Kasi mahirap kapag may pamilya na kami pero hindi pa rin kami nagmamahalan. Ang mga anak namin ang mahihirapan kapag nangyari iyon at iyon ang pinaka ayaw kong mangyari.

Alas dyes na ng gabi nakauwi si James galing trabaho. Hinintay ko siya makauwi bago ako matulog. Gusto ko pagsilbihan siya ng maayos at maging mabuting asawa sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na worth it ako, na hindi siya magsisisi na pinakasalan niya ako.

"Nandito ka na pala." Sabi ko sa kakarating na si James.

Tinignan niya ako ng malamig at walang imik na umakyat papunta sa kwarto namin.

Tahimik ko naman itong sinundan sa taas.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang hinubad ang polo niya pati ang kanyang pantalon.

Napaiwas ako ng tingin sa kanyang katawan.

"Bakit gising ka pa?" Malamig nitong sabi.

"Hinintay kasi kita umuwi." Mahina kong sabi.

Tinignan niya ako ng malamig at bahagyang lumapit sa akin.

"Next time 'wag mo na akong hintayin na umuwi. Matulog ka na lang at 'wag kang mangialam sa buhay ko." Masungit nitong sabi at dumiretso na sa CR.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang polo at pantalon na sinuot niya kanina at itinabi.

Matapos kong linisin ang kalat niya at nahiga na ako sa kama. Sabi pa ni April tiisin ko nalang daw lahat ng treatment ni James sa akin dahil magbabago naman ito pag naging mabuti at masunurin akong asawa. Sabi pa nga ni April na mas maayos pa daw ang kalagayan ko kasi mabait si James hindi kagaya ni Juctril na sinasaktan talaga siya.

Pero kita ko naman na nagbago na si Juctril at mahal na mahal niya si April. Gusto ko mangyari din 'yun sa amin ni James. Gusto ko makitang nakatingin sa akin si James na puno ng pagmamahal hindi puno ng galit at pagkamuhi.

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon