FAYE POV
"Sabihin niyo lang kung ano ang totoo, okay? Tapos kapag may tanong sila na hindi na related sa problema 'wag niyo nalang sagutin." Sabi ni April habang nakatingin sa amin ni James.
Tumango ako at ngumiti.
"Thank you, April." Ngumiti siya pabalik.
"Good luck, Bro. You can do it," sabi ni Juctril sa kapatid at tinapik ang balikat nito.
Kita sa mukha ni James ang kaba pero tahimik lang ito.
"Ano ba 'yan! Mas kinabahan tuloy ako sa pag goodluck mo sa akin, kuya," nakasimangot na sabi ni James. Natawa naman kaming tatlo.
"Sir James, mag ready na po kayo mag start na po tayo," sabi ng isang staff.
Napahawak ako sa kamay ni James at tinignan siya at nginitian.
"We can do it," ako.
Ngumiti siya at tumango.
Nang suminyas na ang isang staff na pumasok na kami ay sabay kaming nag lakad ni James habang magkahawak ang kamay. Rinig ko na agad ang tunog ng camera at ang mga reporters.
Nang makapasok kami ay agad na tumayo ang mga reporters at sabay na nagtanong. Kita ko sa mukha ni James ang iritasyon kaya mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Pinakalma muna ng isang staff ang mga reporters at sinabihan na manahimik muna ito at magtanong nalang mamaya kung pwede na.
Pumunta kami sa gitna at binigyan kami ng tag iisang mic ni James. Huminga ng malalim si James at nagsalita.
"Good morning, everyone. I'm James Llyod Real, the CEO of Real Group of Companies and this is my wife Faye Aisha Real. We are here today to clarify everyone about the issue of mine being gay," sunod sunod ang pag click ng camera ng mga reporters at sunod sunod na pag tipa ng kanilang dalang laptop.
Nakita ko din sa paningin ko si April at Juctril na nanonood.
"About the issue, yes, I'm gay.." umingay bigla ang mga tao na nasa harapan namin. Nakahawak parin ako sa kamay ni James. Hindi ko siya iiwan dito at sasamahan ko siya hanggang sa matapos kami.
"I was gay, nag bago na ako. Kung tinatanong niyo kung bakit, It is because of my wife.." natingin ako kay James na napasulyap sa akin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Simula no'ng makasal ako sa asawa ko ay nasa isip ko na ang mag bago. Hanggang sa pinagbuntis niya ang anak namin ay pinanindigan ko ang desisyon ko. Kaya ngayon, hindi na ako bakla at hindi ko kinakahiya na naging bakla ako. About sa picture, high school pa ako no'n at matagal na 'yun." Mahabang sabi ni James at umupo.
Umupo din ako sa tabi ni James. Napasulyap siya sa akin kaya nginitian ko siya.
"I'm so proud of you," mahina kong sabi. Ngumiti siya pabalik at hinalikan ang kamay ko.
"Tatanggap po ng sampong katanungan si Mr. Real galing sa iba't ibang reporter." Sabi ng isang staff.
Nagsimula nang mag tanong ang mga reporters kay James. 'Yung iba ay tungkol sa trabaho at 'yung iba ay tungkol sa buhay ni James.
"Sino po 'yung kasama niyo sa picture? May relasyon ba kayo sa lalaking 'yun, Mr. Real?"
Napatingin ako kay James at nakita ko siyang kinuha ang mic at sinagot ang katanungan.
"He was my boyfriend back then at wala na akong connection sa kanya ngayon," sagot ni James.
"Totoo po ba na fixed marriage ang nangyari sa inyo ng asawa mo ngayon, Sir?"
What the fuck? Saan nila nalaman ang balitang iyon?
"Yes. Pero noong hindi pa kami nagpakasal ng asawa ko ay naging ex girlfriend ko siya noong high school. Kaya mabilis kaming nakapag adjust ng asawa ko at nagmamahalan kaming dalawa." Seryosong sabi ni James at bahagyang hinaplos ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomansaReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
