CHAPTER 10 – BREAK
FAYE POV.
"What the fuck, Faye! Stop it! She's my cousin!" galit na sigaw ni James sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya at biglang natakot sa ginawa kong katangahan.
"S-sorry, hindi ko alam! So—"
"Wala ka naman talagang alam sa lahat. Isip bata ka kasi!" sagot ni James sa paumanhin ko. Sobrang nasaktan ako sa mga salita na lumalabas sa bibig niya. Parang pinipiga ang puso ko.
Tinignan ko ang babaeng katabi ko na umiiyak na habang nakahawak sa buhok niya.
Tumingin ako sa paligid at doon ko lang napagtantong pinagtitinginan na kami sa buong restaurant at sobrang nakakahiya pala ng ginawa ko.
Kaagad naman pinuntahan ni James ang babae.
"Are you okay, Vic?"
"No! I'm not James!" Sigaw nito at tinignan ako ng masama.
Nanginginig na ako sa takot ngayon.
Akala ko kasi kabit siya ni James... Akala ko kasi nilalandi na niya ang boyfriend ko!
"Faye, lets talk." Malamig na sabi ni James at kinaladkad ako papalabas sa restaurant.
"J-james hindi ko naman sinasadya na—"
"Na ano?!" pagputol niya sa sinasabi ko. "Na sabunutan ang pinsan ko?! Faye naman! Ilugar mo naman 'yang pagkaselosa mo!" dagdag niya.
Naiyak ako at napayuko.
I know. Kasalanan ko!
Dapat hindi ako magpadalos-dalos. Sana inalam ko muna ang katotohanan bago ako sumugod.
"I-im sorry, babe. H-hindi ko alam.."
Napasabunot siya sa ulo niya at napatalikod sa akin.
"Ahgrrr!" Sigaw nito.
"J-james! Babe..." maluha-luha kong tawag sa kaniya. WWE
"This is so wrong! Una palang alam kong hindi na ito tama eh."
Kinabahan ako sa sinabi niya.
"J-james.."
Tinignan niya ako ng malamig.
"Let's end this shit, Faye! Sawang sawa na ako sa pag-uugali mo. Ayoko na!" biglaan niyang wika! At tila may isangdaang kamay na sumampal sa akin.
"J-james, no! Please no!" Iyak kong pagmamakaawa sa kaniya.
Lumapit ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Please, James. Pag-usapan natin 'to please..maawa ka naman sa akin." Patuloy kong pagmamakaawa.
Umiling iling siya at inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Stop it, Faye. Nagmumukha ka ng desperada."
"D-diba mahal mo ako?! Diba sabi mo sa akin na mahal mo ako? James!" sigaw ko habang patuloy sa pagluha.
"Yes, I loved you, but I can't love you the way you do to me." Aniya.
Bahagya akong napaatras ng wala sa sarili. Hinihiling ko na lang na sana panaginip lang ang lahat ng ito at kailanman ay 'di mangyayari.
"H-hindi! Nagsisinungaling kalang! James, wag naman ganito."
"Sorry." Malamig nitong sabi at iniwan ako.
Bigla akong nanghina at muntikan nang napaupo sa lupa buti na lamang ay nagawa ko paring bumalanse. Kasabay nito ay ang pag-agos ng aking mga luha.
"Sorry Faye." Mahinang at nakayukong wika ni James.
Tinignan ko siya ng sobrang sama at binigyan siya ng isang malutong na sampal. "Sinungaling!"
Pagkatapos ay wala sa sarili akong naglakad papalayo. Tinawag pa niya ako ngunit hindi na ako lumingon.
Mahal na mahal ko si James.
Mahal ko siya.
"Faye, kumain ka naman oh." Malungkot na sabi ni Andrea.
"Wala akong gana. Mamaya nalang pag may gana na ako." Sagot ko sa kaniya.
Hindi parin ako makapaniwala na wala na kami ni James, na nagsawa na siya sa akin. Akala ko talaga siya na. Pangarap ko kasi siya, kaya para kong naabot ang bituin ngunit nahulog din ako sa lupa. Kung anong taas ang inabot ko ganon din kataas ang bagsak ko at sobrang sakit no'n.
Ganun lang ba talaga ako kadaling iwan at kalimutan?
Ang sakit!
"Makakahanap ka pa ng iba jan. Maraming nagkakagusto sayo. Lalaki lang 'yun, ipakita mo sa kaniya na hindi siya kawalan. Ipakita mong siya 'yung nawalan." Pagpapagaan ni Andrea sa loob ko.
"Hindi gano'n kadali 'yun Andeng. Ganyan din ang naiisip ko, pero sa ngayon hindi ko pa kaya."
Makalipas ang tatlong araw ng nagmumukmok sa kwarto ay pumasok na din ako.
Handa na akong harapin si James, kahit masakit pa rin sa akin.
Wala akong magagawa, desisyon niya yun eh. Ang magagawa ko lang na ipakita sa kaniya na hindi siya kawalan at ako ang sinayang niya.
"At last! Pumasok ka na din." Sabi ni Andrea at hinila na ako papasok sa classroom namin.
Natigilan naman ang mga kaklase namin at napatingin sa akin lahat.
Narinig ko din ang ibang nagbubulungan.
"Ang bilis talaga kumalat sa balita." Inis na sabi ni Andrea.
"Madaming chismosa eh." Walang gana kong sabi at umupo sa table ko.
Hinanap ko si James sa paningin ko pero hindi ko siya makita.
"Hinahanap mo ang ex mo?"
Napatingin ako kay Andrea.
"Lumabas sila ni Josie kanina lang."
Napayuko ako at hindi na nagsalita.
Tama na Faye. Sasaktan mo lang ng sobra ang sarili mo eh.
Tama na ang isang buwan na kasama mo siya.
Hindi siguro talaga kayo para sa isa't isa.
"Hindi no! Ba't ko naman siya hahanapin. Namiss ko lang ang classroom, alam mo namang ngayon lang ako nag absent ng tatlong araw." Pagkukunwari ko.
"Oo nga eh, tatlong araw lang pala mag move-on sa isang James Real?" pagbibiro niya.
"Hayst... Ang dami na talagang nagbago!" pagbibiro ko na parang matagal akong nawala.
"Gaga! Ang OA mo. Tatlong araw lang nawala." Pagtawa ni Andrea sabay mahinang palo sa akin.
Sabay kaming nagtawanan at magkatabing umupo habang hinihintay ang first period subject namin.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
