Chapter 39

10.5K 264 37
                                        

FAYE POV

"You may now kiss your bride."

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga bisita dito sa simbahan habang nakatingin sa bagong kasal na si Andrea at Michael habang naghahalikan.

Napangiti ako at pumalakpak din habang nakatingin sa kaibigan kong masayang kinasal sa lalaking pinakamamahal niya.

Ako ang ginawang maid of honor ni Andrea. Ako lang naman ang kaibigan niya at wala din siyang kapatid kaya ako ang pinili niya.

"Mama, batet kish?" Tanong ni Caleb sabay turo kay Andrea at Michael na nasa harapan na naghahalikan.

Napatawa ako at napatingin sa anak kong karga ko ngayon at hinalikan sa pisngi.

"Kasi husband and wife na sila, baby."

Inosente siyang tumingin sa akin.

"Kayo ni papa kish din kasi ganyan na kayo?" Nahihirapan na sabi ng anak ko. Kahit hindi masyadong naintindihan sinasabi niya ay patuloy parin siya sa pagsasalita.

Mahina akong natawa at tumango sa tanong ng anak ko. Napasulyap ako sa pwesto ni James na nasa kabila. Nakita ko siyang nakatitig sa amin ni Caleb kaya kinawayan namin ang tatay niya.

Dalawang taon na ang lumipas at masaya parin kaming nagsasama ni James kasama ang anak namin na si Caleb. Makulit at madaldal si Caleb kaya kung ano ano nalang ang tinatanong sa amin ni James. Masasabi ko din na matalino si Caleb kasi sa murang edad niya ay marami na siyang natutunan na mga salita at mabilis din siyang makagets.

Pagkatapos ng kasal sa simbahan ay dumiretso na kami papunta sa reception na gaganapin sa isang 5 star hotel.

Karga karga ni James ang anak namin papunta sa loob ng hotel. Nagpaalam din muna ako sa asawa ko na pupuntahan ko muna si Andrea at siya muna ang magbantay kay Caleb.

"Faye!"

"Andrea!"

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya pinunasan niya agad ito.

"Congrats sa inyo Andrea at Michael." Nakangiti kong sabi. Ngumiti pabalik ang asawa ni Andrea at iniwan na muna kami ng kaibigan ko para makapag usap.

"Kasal ka na talaga!" Masaya kong sabi habang nakatingin sa kanya na nakasuot ng wedding gown.

Naiiyak na natatawa si Andrea at napanguso.

"Parang kailan lang.. ikaw pa 'yung kinasal tapos ngayon, ako na!" Naiiyak na sabi ng bestfriend ko.

Mahina ko siyang hinampas at niyakap.

"I'm so happy for you, my bestfriend."

Niyakap niya ako pabalik at narinig ang mahina niyang pag iyak.

"Thank you, best! Mahal na mahal kita. Don't worry, gagawa agad kami ng anak ni Michael tapos dapat babae para sila magkatuloyan ni Caleb!"

Napatawa ako sa sinabi ni Andrea at nakipagkuwentuhan na din dito. Binigay ko din sa kanya ang regalo ko na pwede niyang gamitin sa first night nila ni Michael. Nakita ko ang pagpula sa mukha ng kaibigan ko nang makita niya ang mga regalo ko sa kanya. Natawa nalang din ako kasi naalala ko 'yung kasal ko noon na niregalohan din ako ng ganito ni Andrea. It's pay back time! Haha.

Nang mag alas diez na ng gabi ay nagpaalam na kami sa bagong kasal na mauna ng umuwi kasi nakatulog na si Caleb sa pagod. Nang makauwi na kami ay inihiga na ni James si Caleb sa kama. Nag bihis na din kami ni James ng pang tulog.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon