Chapter 34

12.2K 392 11
                                        

FAYE POV.

"Oh my God! Kumalma ka, Jerome! Anak mo pa rin 'yan!"

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon. Gulat na gulat ako sa biglaang pagpunta rito ng mga magulang ni James. Nakatingin pa rin sa galit na si Daddy Jerome.

They already know. Paano?! Sino ang nag sabi?

"D-dad..." Nauutal na sabi ni James.

"Magsabi ka ng totoo, James. Bakla ka ba, o hindi?!"

Napatingin ako kay James na nasa sahig pa rin habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang mukha.

"D-Dad, let me explain —"

"Answer my goddamn question, James Lloyd Real!"

Bahagya akong napatalon sa gulat nang sumigaw si Dad.

"Y-Yes, pero hindi na—"

"Walang hiya ka!"

Hindi na natuloy ni James ang kanyang sasabihin nang muling sumugod si Dad sa asawa ko at hinawakan ito sa kwelyo. Hinila ni Dad si James patayo at muling sinuntok ang asawa ko sa mukha nito.

"Jerome!"

"Dad!"

Sabay naming inawat ni Mommy Jane ang galit na si daddy Jerome. Inalalayan ko si James at bahagya ko siyang inilayo sa kanyang galit na galit na ama ngayon.

"Dad, makinig po muna kayo kay James," sabi ko.

Masama akong tinignan ni Dad.

"Alam mo ba tungkol dito, Faye?" tanong niya.

Nanginig naman ako sa takot at napasulyap kay James na seryoso ang ekspresyon sa mukha ngayon.

"O-opo, pero—"

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" sigaw nito. Napabaling siya kay James. "Kailan mo pa tinago 'to, James? Kailan ka pa naging bakla?!"

"Since I was young, dad! I'm sorry kung tinago ko ito sa inyo. Ayoko lang po na mapahiya ang pamilya natin. But believe me, nagbago na po ako. I changed. Hindi na po ako bakla," seryosong sabi ni James.

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Mommy Jane at mabilis niya din itong pinunasan.

"Talaga ba, James? Then, can you explain kung ano ang nasa mga litratong ito?!" sabay hagis ni daddy Jerome nang envelope sa harapan namin.

Mabilis ko naman itong kinuha at tinignan. Nanginig ang mga kamay ko nang makita ang mga litrato ni James at Paul.

Mabilis itong kinuha ni James at tinignan.

"That's your secretary, right? Can you explain what's your relationship with that man?!"

"Dad, h-he's my ex. At ang mga litratong ito... matagal na ito, dad. Please believe me, Mom, please," nakita ko ang lungkot sa mata ni James.

"Clean your mess! Kalat na kalat na sa opisina at mga kakilala natin ang kabaklaan mo!" Sigaw ni daddy Jerome at nagmadaling umalis.

"I'm sorry, anak.." naiiyak na sabi ng nanay ni James at sinundan ang asawa niya.

Napatingin ako kay James at nakita ko itong nakayuko.

"James," nilapitan ko siya.

"I'm sorry.. gagawin ko ang  lahat maayos lang ito," he smiled, kahit ramdam ko na nasasaktan ito sa nangyayari.

"Don't worry. Magtiwala ka lang kay Jame. Maaayos din ang problemang ito," sabi ni Jared at nginitian ako.

Hindi ako makapaniwala na mabilis na kumalat ang balita sa paligid. Pati sa news sa tv nakikita ko rin ang balita about kay James at hindi ko gusto 'yun.

Nadadamay na din sa problema si Jared at ang pinsan nitong si Tony na nasa showbiz industry. Dinadamay nila ito dahil malakas ang hatak ng ratings ng shows nila at mga engagement ng articles dahil mga sikat ang mga Real. Maraming makiki-chismis kahit wala namang alam sa totoong pangyayari.

"Maaga ba umalis si James?" tanong ni Jared. Nandito ulit siya sa bahay namin upang dalawin ang pamangkin niya.

Bumuntong-hininga ako at tumango.

"Oo. Pag gising ko kanina ay nakaalis na siya," sagot ko.

Galit pa rin ang tatay ni James sa kanya. Buti nalang at hindi nagalit si Juctril kay James at tinulungan pa nito ang kapatid. Nagkaproblema rin sila sa kompanya kasi maraming mga investors ang umalis at marami rin ang na cancel na projects.

Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis sa mga taong 'yun. Anong kinalaman ng kabaklaan ni James sa kanyang trabaho sa kompanya? He's a good CEO! Magaling siya sa trabaho niya. Ang dami niya na ring achievements.

Hindi ko maintindihan kung bakit dinadamay nila ang trabaho ng asawa ko. He's professional! Walang kinalaman ang trabaho niya kaya 'wag naman sana nila itong idamay pa.

Homophobic silang lahat.

Gusto ko tumulong kay James sa kompanya, pero hindi ko maiwan ang anak ko. Nakikibalita na lang ako kay April na tumulong na rin kay James.

Pumunta din si Daddy dito sa bahay at galit na galit din siya kay James.

"Makipaghiwalay ka na sa asawa mo, Faye. File an annulment at susuportahan kita," sabi ni Daddy Jun.

"Dad! Bakit naman ako makikipaghiwalay? May anak na kami at maayos po ang relasyon namin ni James."

"He cheated on you! He lied! Bakla siya, anak! Niloko niya tayo, pati ang mga magulang niya niloko niya!" Galit na sabi ni Dad.

"I know, dad. But he didn't cheated on me. Matagal na 'yun at nagbago na si James. Hindi na po siya bakla. At kahit na bakla po siya, hindi ko siya iiwan dahil nagmamahalan kaming dalawa."

"And you believe in his lies now? Alam kong mahal mo siya anak pero niloko ka niya!"

"You didn't know everything, daddy! Hindi ko hihiwalayan si James. Kami nalang ni Caleb ang nagpapalakas sa kanyan ngayon. Hindi namin siya iiwan at tutulungan namin siya sa problema niya ngayon at problema ko na 'yun ngayon, dad, kasi asawa niya ako."

Walang nagawa si Daddy kundi pabayaan ako sa gusto kong mangyari. Alam kong concern lang si daddy sa akin kaya naintindihan ko siya. Pero hindi ko kayang iwan si James ngayon. Marami na siyang problema at ayaw kong dumagdag pa ako sa poproblemahin niya.

"Ikaw ba, Jared, diba may mga reporters din na sumusunod sayo? Okay ka lang ba?"

"Okay lang. I can handle it at ganun din si Tony kaya 'wag kang mag alala sa amin. Alalahanin mo si James ngayon."

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Paano ko ba matutulongan si James? I want to help him so bad.

"Kumusta?" bungad kong tanong ni James nang makauwi na siya.

He smiled and hugged me.

"Okay naman. I missed you," mahina niyang sabi at sumiksik sa leeg ko.

Hinagod ko ang buhok niya.

"Pagod ka na ba? Gusto mo na ba magpahinga?" Malambing kong sabi sa kanya.

Tumango siya at tahimik na sumunod sa akin papuntang kwarto. Mabilis nakatulog si James habang nakayakap sa akin. Kita sa kanyang mukha ang pagod at lungkot.

Alam kong nahihirapan na si James sa nangyayari ngayon pero nagagawa niya paring ngumiti sa harapan ko at kay Caleb. Hindi niya gustong problemahin ko ang problema niya. Ayaw niyang madamay ako sa gulo.

Pero kahit anong gawin ni James ay damay na ako sa lahat. Asawa niya ako at kahit anong gawin niya ay may karapatan akong makisali at tumulong.

Gusto ko maayos na agad ang problemang ito. Gusto ko matanggap nila ang nakaraan ni James at kung ano talaga siya.

Alam kong hinuhusgahan nila si James ngayon sa pagiging bakla nito pero kahit ganun si James ay si James parin ito. Si James na may respeto sa lahat, responsableng tao... sa kanyang pamilya, kaibigan at trahabo. Kailangan nilang matanggap at intindihin si James kasi tao lang din siya. Walang taong perpekto at hindi perpekto si James para hindi makagawa ng mali.

"Don't worry, James. Gagawa ako ng paraan para matulongan kita. I love you," I whispered and kissed his forehead.

TO BE CONTINUED..

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon