Chapter 12

21.5K 678 23
                                        

CHAPTER 12 - GOODBYE

FAYE POV

"Faye, 3 days ka na ulit na absent sa school, pang anim mo na 'to. Ano ba kasing nangyari kahapon? Akala ko okay kana no'ng pumasok ka, may ginawa na naman ba si James? Kailan ka ba babalik ah?" malungkot na wika ni Andrea sa kabilang linya.

"Give me more days pa, Andrea. Hindi ko pa kaya, ang sakit pa rin." sagot ko.

"Okay, hindi na ako mag-uusisa. Pagaling ka jan ah? Dadalaw ako mamaya jan sa bahay niyo."

"Sige, sige! Asahan ko 'yan ha. Miss na miss na rin kita eh." wika ko.

"Okay, my bestie! Alam mo namang 'di kita kayang tiisin!"

Pagkatapos kong makipag usap kay Andrea sa phone ay lumabas na akong kwarto.

Nagtaka ako ng makita ko si dad sa may sala na busy sa ilang mga papeles sa harapan niya.

"Good morning dad, why are you here? Diba may work ka?" bungad ko sa aking ama.

Napatingin sa akin si dad at ngumiti.

"Hey, baby ikaw pala.  Mabuti na bang pakiramdam mo? Sabi ni yaya may sakit ka kaya one week ka nang hindi nakakapasok."  pag-aalala ni daddy sa akin.

"Okay na ako dad. At anim na araw lang akong absent. Pumasok ako no'ng nakaraan." Wika ko. "Sana nga hindi nalaman ko pa tuloy na bakla ang dati kong jowa." pabulong ko sa sarili.

"Hm? What is it?" Pag-uusisa ni daddy habang busy sa pagpa-file ng mga papers niya.

"Ahh wala po dad. Sabi ko pwede na akong makapasok sa susunod na linggo siguro. Gusto mo ng coffee? Nag breakfast kana dad?" Pagpapalit ko sa topic namin.

"I'm okay,  don't worry about me." aniya. "Pero kailangan kitang makausap, maupo ka muna." dagdag niya.

Lumapit ako kay dad at umupo sa tabi niya.

"What is it dad?" nakangiti kong tanong.

"We're going to New york this next week." Nakangiting sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?! Why po?" gulat na sagot ko.

"Kailangan ako ng negosyo natin doon, anak. Wala na akong ibang maaasahan 'dun kundi ako lang, bata ka pa naman kaya hindi ka pa pwedeng mamahala dun. Alam mo naman kung anong nangyari sa negosyo natin 'dun diba? That's why we're going there."

"Kailan po tayo babalik dito?"

"3 to 5 years, anak."

Parang nahulog ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"Whaat?!  Pa'no po studies ko dito? Ang mga kaibigan ko po? Nakakabigla naman daddy." wika ko.

"Anak, I need to take care our business. Kung hindi ako pupunta doon baka hindi kona maisalba ang kompanya."

"Pero dad pwede naman na kayo lang ang pupunta dun diba? Hindi ako kailangan dun."

Mamimiss ko kasi ang Pilipinas, ang mga kaibigan ko. Si Andrea!

"Anak, ayokong magkahiwalay tayong dalawa. Tayo na nga lang dalawa magkasama tapos magkakalayo pa tayo." Malungkot nitong sabi.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni daddy. Mas tama siya, mas ayokong malayo sa kaniya. At mas mabuti na rin siguro 'to para mas mapadali ang paglimot ko kay James.

"Ayoko din naman malayo sayo daddy eh."

"Me too, baby. Kaya please, sumama ka na sa akin."

"Okay dad, para sayo." Sabi ko at niyakap siya.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon