Chapter 25

23.1K 630 30
                                        

CHAPTER 25
FAYE POV.

Hindi muna ako pinauwi sa bahay namin kahit okay naman ako. Mabilis din nakarating ang balita kay daddy at sa mga magulang ni James.

Ang sakit talaga sa ulo ni Andrea, ayaw ko pa sana ipaalam sa kanila kasi gusto ko si James ang una kong pagsasabihan pero nasabi na pala ni Andrea no'ng tulog pa ako kaya wala na akong nagawa.

Nagulat din ako kasi ang bilis nakabalik ni James galing Singapore. Naka business attire pa siya pagkarating niya sa hospital. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Hubby na hubby ang datingan ni bakla. At heto ako ngayon kilig na kilig parang teenager.

"Bakit hindi ka kasi nag-iingat." Inis na sabi ni James habang nakaupo sa tabi ko.

Kami lang dalawa dito sa kwarto ko sa hospital kasi sabi ng doctor na kailangan ko pang magpahinga ng mga ilang araw dahil sa stress ko at mas makakabuti na manatili muna ako sa hospital at nagpa-checkup narin ako kay baby.

"Hindi ko naman kasi alam na 3 weeks na akong buntis." Wika ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang mahinang pagbuntong hininga ni James.

"Basta mag ingat ka na sa susunod at baka anong mangyari sa baby natin."

Baby natin.

Bakit ang gandang pakinggan kapag galing kay James? Nakakakilig.

Napatingin ako sa kanya.

"Ba't ka ngumingisi dyan? Para kang tanga." asar niya sakin.

"Wala! At tsaka 'wag ka nagang mataray dyan. Sungit mo talaga. Parang ikaw pa 'yung buntis sa'ting dalawa."

"Shut up. Galit ako!" sabi nito habang nagbabalat ng orange.

Seneryoso ko naman kaagad ang sinabi niya at nagsalita. "Galit kasi nabuntis ako..." mahina kong sabi.

Mahina siyang napatawa. "Gaga ka talaga. Bakit naman ako magagalit? Excited na nga ako eh. Alam mo I didn't really expect na magiging tatay ako. Well, gusto ko pero you know naman na pangarap kong makapag-asawa ng lalaki kaya kung magkakaanak kami eh adoption o kaya'y surrogate." at ngumisi.

Medyo napatahimik ako sa pagkukwento ni James. Tumatakbo sa isip ko na parang nasira ko ang pangarap na 'yun ni James. Ako ba ang dahilan kaya hindi siya masaya ngayon? Ba't ko pa ba tinatanong syempre kasi itinali ko siya at hindi niya gusto 'yun.

Napatingin siya sa akin at biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

"Okay ka lang ba? Wala akong ibig sabihin 'dun ha. Na offend ba kita? Sorry." Pagpapaliwanag niya at kita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.

"Sorry James." mahina kong wika

I felt bad for him. Minsan talaga 'di ko rin maiwasan na makaramdam ng pagiging selfish.

"What? No, you don't have to. Para saan naman dapat nga akong mag thank you sa'yo, dahil magiging tatay ako dahil sa'yo." ngiti niya.

"But, I'm the reason kung bakit 'di mo kasama ang taong mahal mo ngayon." direkta kong wika sa kaniya.

"No Faye! Alam mo, may mga bagay tayong gustong makuha kagaya ng regalo at minsan nadi-disappoint tayo kasi akala natin 'di yun ang natanggap natin dahil iba ang lalagyan sa ini-expect natin. Pero pagbukas mo pala 'yung laman ay ang bagay na gustong gusto mong makuha, iba nga lang ng lalagyan." salaysay niya.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni James. Parang nabuhayan ang loob ko na hindi ko alam. Parang gusto kong ipaulit sa kaniya para mas malinaw. So, ako ba ang tinutukoy niya. Gusto ba niya ako? Gano'n ba 'yun? Pero ewan ko ang logical naman kasi. 'diba sabihin ng deretso. Hindi nalang ako ng react at ngumiti lang upang ipaalam sa kaniya na gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon