FAYE POV.
Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin ni James. Hindi parin ako mapakali sa pagtawag ni Paul sa akin. Magkikita kami mamayang ala una sa tanghali at hindi ko ito sinabi kay James. Baka hindi niya ako payagan na kitain si Paul. Alam ko naman na galit si James kay Paul kaya hindi ko nalang sinabi sa kanya at nilihim ko nalang ito.
"Lia, bantayan mo si Caleb, ha? Aalis ako mamaya kaya walang magbabantay." Sabi ko sa nanny ni Caleb. Tumango ito at pinagpatuloy ang pinapagawa ko sa kanya.
Pagkatapos kong makapagluto ay nagising din si James na karga karga ang anak naming gising na din.
"Good morning, daddy at baby!" Bati ko sa kanilang dalawa at hinalikan sa pisngi.
"Good morning, mommy! From daddy and baby," sabay halik ni James sa pisngi ko.
Kinuha ko si Caleb kay James para makakain ng maayos si James. Pinadede ko din ang anak ko para hindi ito gutomin. Hindi pa kasi ito pwedeng pakainin kaya breastfeed muna.
Pagkatapos naming kumain ni James ay nag ayos na siya ng kanyang sarili upang pumuntang trabaho. Naging maayos na din ang problema sa kompanya. Naging tahimik na din ang board of directors at hindi na kinulit si James sa mga plano nito sa kompanya. Nagpatuloy parin sa pag tulong ni Juctril at April na nagtatrabaho sa kompanya ngayon.
Maagang umalis si James sa bahay papuntang opisina para magtrabaho. Nag ayos na din ako ng sarili para makipagkita kay Paul. Binilin ko muna si Caleb na masayang naglalaro sa crib niya kay Lia.
Nang papasok na ako sa cafe na tinutukoy ni Paul ay nakita ko agad ito na nakaupo sa isang table. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang harapan.
"Nandito ka na pala, Faye," nakangiti niyang sabi.
"Bakit mo 'ko gustong makausap?" Malamig kong tanong.
"Alam mo naman na mahal ko si James, diba?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Manggugulo na naman ba siya ulit?!
"Then?" mataray kong sabi.
"High school palang tayo Faye mahal na mahal ko na 'yun.." pagkukwento niya. Hindi ako nagsalita at pinakinggan ko nalang ito.
"Naiinis ako kapag may napapalapit na babae sa kanya. Natatakot kasi ako na baka marealize niyang babae pala ang gusto niya."
Kaya ba lumipat siya sa school namin noon?
"Maayos naman ang relasyon namin ni James noon kahit magkalayo kami ng campus. Pero bigla nalang siyang nanlamig sa akin at hindi man lang ako kinamusta," sabi niya at malungkot na ngumiti.
"Nakibalita ako about kay James sa campus niyo at nalamang may relasyon pala siya sa isang babae at ikaw 'yun, Faye." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Nasaktan ako sa nalaman ko. Hindi ko akalain na nagawa ni James sa akin 'yun kaya nagmadali akong lumipat ng paaralan sa inyo para mabantayan si James."
Okay, now I know.
"Mahal ka niya, Faye. Mahal na mahal ka ni James at kitang kita sa mga mata niya habang kasama ka niya. Dumating na 'yung kinatatakotan ko kaya gumawa ako ng paraan para maayos ang relasyon namin. Tuwang tuwa ako noon kasi umayon sa gusto ko ang pangyayari. He broke up with you and he fixed our relationship pero wala talaga, e, talo talaga ako." Napayuko si Paul at mahinang napahikbi.
Hindi parin ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya.
"Nung umalis ka, Faye, naghiwalay din kami ni James. Para siyang wala sa sarili niya nang malaman niyang umalis ka. Kahit wala na kami, Faye, nasa tabi niya parin ako bilang kaibigan niya kahit mahal ko parin siya." He sighed.
"Years later.. you came back. Natakot ulit ako na baka kunin mo siya sa akin at nangyari nga 'yun."
"Hindi ko siya kinuha sayo," malamig kong sabi.
Ngumiti siya at tumango.
"Yeah, I know it. Masakit, Faye.. mahal na mahal ko parin talaga siya kahit unti unti na siyang nagbabago para sa 'yo." Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
"Yung nakita mo kami sa office niya, Faye.. a-ako 'yung yumakap kay James. Hindi ko akalain na makikita mo pala 'yun.. sana mapatawad mo ako," bahagya siyang napayuko.
"Wala na 'yun sa akin," maikli kong sagot.
"At..at.. tungkol sa kumalat na balita about kay James, Faye.. ako ang gumawa nun."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What?! Bakit mo nagawa 'yun, Paul?! Akala ko ba mahal mo siya?" Galit kong sigaw.
Napahilamos siya sa mukha niya at tumango.
"Alam ko, Faye! Naging desperado na ako kaya ko nagawa 'yun. Narealize ko lang na mali ang ginawa ko nang kumalat na ang balita at ang pictures namin." Umiiyak niyang sabi.
Hindi ako makapaniwalang nagawa niya kay James 'yun!
Malakas kong sinampal ang pisngi niya. Hindi naman siya umimik at nagpatuloy parin sa pag iyak.
"Hindi mo ba alam na nasaktan ng sobra si James sa ginawa mo?! Napahiya mo siya! Nang dahil sa ginawa mo muntik na siyang mapaalis sa pwesto niya sa kompanya nila!" Galit kong sabi.
"I-i'm so sorry, Faye.. nagsisisi na ako! Sising sisi na ako sa ginawa ko kay James at sa pamilya niyo. Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad sa ginawa ko kaya aalis nalang ako. Aalis ako, Faye at hindi na ulit magpapakita sa'yo pati na din kay James at sa buong pamilya niyo," umiiyak niya paring sabi habang nakatingin sa akin.
"Wag ka na magpakita ulit!" Sigaw ko at tumayo at nagmadaling umalis doon.
Sumakay ako sa sasakyan namin at tahimik na umuwi sa aming bahay. I can't still believe it. Alam kong mahal ni Paul si James pero hindi ako makapaniwalang nagawan niyang pahiyain ng ganun si James. Sana hindi na talaga siya magpakita kasi kapag nakita ko ulit ang pagmumukha ng baklang 'yun at sasabunotan ko siya hanggang sa maubos ang buhok niya sa ulo!
Maaga akong nakarating sa bahay. Bahagya akong nagulat ng makita ko si Jared sa harapan ng gate namin. Hindi pa nakakauwi si James kasi wala pa ang sasakyan niya sa garahe. Lumabas ako sa kotse at lumapit kay Jared.
"Jared, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tanong ko.
"Hinihintay kita. Pwede ba tayong mag-usap, Faye?" Seryoso niyang sabi na nagpakunot sa aking noo.
"S-sige ba.. pasok tayo sa-"
"Wag sana dito.. kahit sa malapit lang na coffee shop dito sa bahay niyo, Faye. Kahit ilang oras lang, may importante lang akong sasabihin sayo."
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
