CHAPTER 19
FAYE POV.
Sa mga nakalipas na araw palagi nalang busy sa trabaho si James. Sinabi na niya sa akin na huwag ko na siyang hintayin makauwi at matulog nalang ako. Pero hindi ko magawa, hinihintay ko parin siya makauwi bago ako matulog.
Kung hindi alas dose ay alas dos siya nakakauwi ng bahay namin. Nag tulog tulogan na ako pag nakapasok na siya sa kwarto para hindi niya na ulit ako pagalitan. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng asawa ko.
Kinakabahan na nga ako dahil nandoon si Paul sa opisina niya. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay ang pagtitiwala ko kay James na hindi niya sisirain ang sagradong sumpaan namin sa altar.
Gusto kong mahalin niya talaga ako ng tunay. Kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. kaya kong isakripisyo lahat para lang sa pagmamahal sa kanya. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin ako ni James.
Hay nako, Faye. Nababaliw ka na talaga!
"Bakit gising ka pa?" Gulat na sabi ni James ng makapasok siya sa aming kwarto.
Hindi ako makatulog sa pag-aalala sa kanya. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko anong ginagawa niya noong hindi pa siya nakauwi!
Nagtatrabaho ba talaga siya o may iba siyang business?
"Bakit ngayon ka lang?" Mahina kong sabi.
Napailing siya at hinubad ang kanyang coat.
"Uminom ka ba?" Kuno't noo nitong tanong sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at nag tanong din pabalik sa kanya.
"Saan ka nanggaling?"
Inirapan niya ako at nagbibihis ng white t shirt.
"Pwede ba, Faye. Mind your own business!"
Nainis ako sa kanyang sagot.
"I will mind your all business kasi asawa mo ako, James! Hatinggabi ka na umuwi lagi! Tapos hindi mo pa sinabi kung saan ka pumupunta!" Sigaw ko sa kanya.
Napatayo naman siya at tinignan ako ng masama.
"Ano ba! Nakakahiya sa mga kapitbahay! 'Wag kang sumigaw!" Inis nitong sabi.
"Sagutin mo kasi ang tanong ko!" Galit kong sabi habang nangingilid ang mga luha.
"May trabaho nga ako, Faye! Bakit ba hindi mo maintindihan iyon ha?! Bakit ka ba nagkaganyan! Will you stop acting like that?! Asawa lang tayo sa papel! Wala kang karapatan para sumbatan ako sa lahat ng gagawin ko! Wala kang pakialam kung ano ang mga gagawin ko kasi hindi naman talaga tayo! Tandaan mo, Faye..asawa lang tayo sa papel." Galit nitong sabi at iniwan ako sa kwarto namin na nanghihina.
Napaupo naman ako sa kama at napaiyak sa sakit ng nararamdaman.
Gusto ko lang naman na maging maayos ang relasyon namin ni James eh.
Hindi ba pwede 'yun?
Paano mag wowork ang relasyon namin kung palagi naman siyang wala sa bahay namin. Kapag umaga lang kami nagkikita at mabilisan pa kasi umaalis din ng mabilis si James papuntang trabaho.
Ang unfair naman ni James.
Ang sama sama niya.
Hindi natulog si James sa kwarto namin at baka doon siya natulog sa kabilang kwarto. Hindi ko din siya nakita ng umaga. Sabi pa ng kasambahay namin ay maaga daw umalis si James papunta sa kanyang trabaho.
Malungkot ako ng malaman ko 'yun.
At dahil gusto ko makipagbati kay James ay nilutuan ko siya ng adobo at nilagay sa lunch box. Pupunta ako sa opisina niya para humingi ng tawad sa pagsagot ko at pag away ko sa kanya kagabi.
Nagpahatid ako sa aming driver na si mang Cador papunta sa building ng Real Group of Companies.
"Good afternoon, Ma'am Faye." Bati ng mga tao sa akin.
Binati ko sila pabalik at nakangiti na naglakad papunta sa office ni James.
Sabi pa nila nasa loob lang daw si James at maraming pinirmahan. Siguro gutom na ang asawa ko at sigurado akong magugustuhan niya itong dala ko.
"Good afternoon, James--" natigil ko ang pagbati ko ng makita ko ang nasa loob.
Nasa likuran ni James si Paul habang si James ay nakaupo sa kanyang swivel chair.
Nanlaki naman ang mga mata nila at napalayo si Paul bigla kay James.
Nanginig naman bigla ang mga kamay ko sa aking nakita.
"F-faye.." nauutal na sabi ni Paul.
Tinignan ko ito ng matalim at bumaling kay James.
Kita din sa mukha nito ang gulat.
"Why are you here?" Walang gana nitong sabi.
Hindi ko siya sinagot.
"B-bakit nandito si Paul?" Malamig kong sabi.
Nakita ko naman ang pagyuko ni Paul.
"He's my secretary, Faye!"
"Secretary?! Eh bakit magkadikit kayo kanina ha?! Are you kidding me, James Lloyd Real?!" Galit kong sigaw.
Napatayo siya at nakapamewang.
"Bakit napakadumi ng utak mo, Faye?! I'm just doing my work here! I'm not cheating on you!" Sigaw niya.
Tumulo naman ang luha ko.
I'm sorry, James pero hindi ko talaga maiwasan na mag selos at magduda.
"Because he's your lover! Alam kong may namamagitan sa inyo ni Paul! Alam ko, James! Noon pa! Noon pa at hanggang ngayon!" Sigaw ko at nagpatuloy sa pag tulo ang aking luha.
"F-faye, nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami ni James at tinutulungan ko lang siya kani‐-"
"Shut up, Paul! Ang kapal ng mukha mo! Bakit hindi mo na lang tanggapin na sa akin talaga si James?! Alam mo you're so desperate!"
"Stop it, Faye! Walang ginagawa si Paul! You're the desperate one, not him!" Galit na sigaw ni James na nagpahinto sa akin.
Nabitawan ko naman ang dala kong lunch box at napatulala.
"Desperate? S-siguro nga!" mahina kong sabi at patakbong lumabas sa kanyang office.
Umiiyak ako habang papaalis sa Building nila.
Masakit..ang sakit sakit.
Hindi ba pwedeng ako naman James? Pwede ba na ako naman?
Ako naman ang piliin mo.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomansaReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
