THE GAY CEO
FAYE POV.
"Namiss ko na talaga itong inaanak ko! Sorry, anak, ha? Busy lang talaga si tita mommy mo sa work kaya hindi kita nadadalaw. Para rin naman ito sa future mo anak kaya 'wag kang mag alala," pagdadrama ni Andrea habang karga-karga ang anak kong tuwang tuwa sa kanya.
Nakatingin lang kami ni Jared kay Andrea habang kausap niya ang anak kong walang kaalam alam sa nangyayari.
Magkasabay na pumunta si Andrea at Jared sa bahay upang bumisita sa amin ni baby Caleb. Nasa trabaho na rin si James at may mga importante na meetings na pupuntahan.
"Buti nalang talaga lagi kang nandito, Jared! Nag alala din ako dito sa bestfriend ko at sa anak niya. Ang tahimik pa naman dito sa bahay nila at baka mabaliw bigla si Faye!"
Gaga talaga itong si Andrea. Kung ano ano nalang ang sinasabi.
"Wala 'yun, Andrea. Wala din naman akong ginagawa kaya dito na din ako pumupunta para dalawin si Caleb," nakangiting sabi ni Jared.
"Diba may upcoming movie ka? Wala kang shoot?" Tanong ko.
Umiling siya at ngumiti. "Binigyan ako ng rest day ng management kaya nandito ako ngayon."
"Hala! Wait lang... Diba makaka-partner mo si Elisse sa movie mo na 'yan, Jared?" tanong ni Andrea.
Tumango naman si Jared at ngumiti.
"Yes, Andrea."
"Hala! Idol ko 'yun eh. Grabe! Bagay rin talaga kayo ni Elisse, Jared. Alam mo ba na kasali ako sa fanclub niyo?" nakangisi na sabi ni Andrea.
Napailing-iling na lang ako habang nakatingin sa kaibigan ko. Kung anu-ano na lang talaga ang pinagsasabi ng babaeng 'to eh.
"Ang swerte ko talaga at nakilala kita, Jared! Papicture ako mamaya, ha? Ipagyayabang ko lang sa mga ka workmates ko na close tayong dalawa!" Sabi ni Andrea.
"Sure! Kahit video pa 'yan, basta ikaw," nakangiting sabi ni Jared at kinindatan ang bestfriend ko.
Kinilig naman na tumili ang bestfriend ko at hinalikan ang anak ko. Para talagang walang fiancee! Kapag nakita 'to ni Michael, ewan ko nalang talaga.
Iniwan muna namin kay Jared si Caleb habang tulog ito. Gusto kasing makipag usap sa akin si Andrea. Matagal na din kaming hindi nagkikita at may sasabihin din ako sa kanya.
"Kawawa naman si Jake, friend. Pero okay na 'yun sa kanya. Kaysa naman paasahin mo siya diba? At isa pa, may pamilya ka na din." Komento ni Andrea sa kinuwento ko sa kanya.
"Kaya nga, Andrea. Sana nga dumating na agad ang babaeng para talaga sa kanya. Para naman hindi na siya magdusa at umasa na naman sa akin."
"Hays. Bakit kasi ang ganda mo, friend?" nakangusong sabi niya.
"Pinagsasabi mo?" natatawa kong sabi.
"May feelings din ako sayo, my friend—aray! Walang hiya ka! Ang sakit, ha!"
Hinampas ko ng unan ang mukha ni Andrea nang mag biro ulit siya sa akin. Nakakamiss din makipag usap sa kaibigan ko. Alam ko naman kasing busy siya sa sarili niyang buhay tapos may love life pa siya kaya hindi na kami masyadong nakakapag chikahan.
"Una na kami, Friend, ha? Sasabay nalang ako ni Jared para makatipid din ako hehe."
Kita niyo itong bestfriend ko! Kahit may fiancee na, ang landi pa rin.
"Ewan ko sayo, Andrea! Umalis na nga kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan."
"Bye, Faye. Balik nalang ulit ako dito kapag may free time," si Jared habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
