Chapter 30

25.1K 616 75
                                        

CHAPTER 30
FAYE POV.

Pagkatapos ng ilang buwan kong paghihirap ay ligtas ko namang nailuwal ang malusog naming baby boy! His name is Jan Caleb C. Real. Si James ang nagpangalan sa anak namin at okay naman ako sa pangalan ng baby namin.

Natatawa pa nga ako kay James nang isugod niya ako sa hospital. Nanunuod lang kasi kami nuon ng isang series sa Netflix nang pag tayo ko ay biglang bumulwak ang panubigan ko. Akala ni James ay umihi lang ako kaya malakas pa itong tumawa. Ngunit nang sabihin ko sa kaniyang manganganak na ako ay bigla itong natahimik at namutla. 'Di nga niya alam ang gagawin gusto pa tumawag ng ambulansya nay sasakyan naman kami.

Nang matapos akong magpagaling sa hospital at makauwi sa bahay ay palagi nalang pumupunta do'n sila daddy pati narin ang dalawa kong biyenan. Natutuwa kasi sila habang inaalagaan si baby Caleb. Palagi din sa bahay si Andrea at gigil na gigil palagi kay Caleb. Gustong gusto niyang paglaruan anak ko kapag nakikita niya. Dumadalaw din sila April kasama ang mga anak niya sa amin para makita si Baby Caleb.


Medyo nag aadjust parin ako sa pagiging mommy. Sobrang nakakapagod, minsan nga umiiyak nalang ako agad kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Buti nalang tinutulongan ako nila Mommy Jane at April kung paano mag alaga ng bata. Tinutulungan din naman ako ni James at parehas din kaming hindi marunong pero nagtutulungan naman kaming dalawa. I even saw him watching videos on the internet on how to care for your newborn baby.

Mas naging focus din siya sa amin, at nag leave panga ng one month sa kumpanya para lang matutukan kami ni baby. Sobrang sarap gumising araw-araw lalo na ngayong araw-araw kong nakikita ang dalawang lalaking paglalaanan ko ng aking buhay.

Sure akong magiging mabuting tatay si James sa anak namin. Baby pa si Caleb pero ang spoiled na kay James, paano pa kaya pag laki nito?


Matapos anv leve ni James na isang buwan ay kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Ngunit 'di naman naging mahirap sa akin dahil nasanay na ako sa loob ng isang buwan sa pag-aalaga sa anak namin. Gano'n pala 'yun no, kahit hindi mo pinag-aralan kusa mong mararamdaman at matututunan ang pagiging nanay. Totoo nga ang mother instinct.

Napapadalas din ang punta ni Jared dito sa amin. Naging malapit na din ako sa kanya at siya ang palagi kong kausap habang busy si James sa trabaho at hindi nakakapunta si Andrea sa bahay. Palagi siyang may dalang pagkain para sa amin kapag pumunta siya at inaalagaan din niya si Caleb kapag may ginawa akong importante.


"Jared, wala ka bang trabaho? Bakit palagi ka nandito sa amin?" tanong ko sa kanya habang hawak si baby Caleb.


"Meron naman pero wala akong schedule ngayon kaya dumalaw ako dito," nakangiti niyang sabi.


Napanood ko na din ang ibang mga pelikula ni Jared at Teleserye. Hindi ko aakalain na ang Jared na nakikita ko sa TV at ang Jared na palagi dito sa bahay ay iisa. Magaling siyang umarte at masasabi mo talaga na napakapropesyonal niya. Sinearch ko din ang pangalan niya sa Internet at isa pala siya sa mga sikat na artista at maraming awards dito sa Pinas. Nakakaproud bilang kamag-anak, na-a-appreciate ko talaga ang showbusiness kasi gusto ko rin mag artista dati. Pero di lang natuloy dahil habang tumatanda ako mas nakikita ko ang negative side ng showbiz.


"Baka may biglang pumunta na fans mo dito, ha? Baka makita ka nilang dala dala si Caleb tapos mapagkamalan ka pang tatay niya," biro ko sa kaniya.


Tumawa naman siya.


"Edi bahala sila. Ang sarap kaya maging anak si Caleb. Kung pwede ko lang siya maging anak matagal ko ng ginawa, ang cute-cute ng pamangkin ko!" sabi niya and he chuckled.


The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon