Chapter 17

20.8K 565 58
                                        

CHAPTER 17

FAYE POV.

"Bakit simangot ang mukha ng ating bride ha?" Nakangising sabi ni Andrea ng lapitan niya ako.

Tapos na ang kasal namin ni James. Ginanap ito sa malawak na Garden Hall ng Real Hotel at dito narin ginanap ang reception.

Hindi ako makapaniwala na isa na akong ganap na Real. Asawa ko na si James at akin na siya. Pero kahit kasal na kami nararamdaman ko parin ang ayaw niya sa pangyayari ngayon.

Iniwan lang ako ng basta basta ni James dito sa gilid at pumunta siya sa mga kaibigan niya sa business. Kahit kailan talaga si James napaka walang hiya.

"Wala. Naiinis lang talaga ako kay James." Sabi ko kay Andrea.

"Nako, friend! 'Wag mo na nga lang problemahin 'yan. Dapat maging masaya ka ngayon kasi kasal mo! Ito uminom ka ng alak!" Sabi niya at inabot sa akin ang isang baso ng champagne.

Kinuha ko ito at ininom.

"Ayan! Woh! Party party!" Sigaw ni Andrea at sumayaw sayaw. Napatingin naman ang ibang bisita sa ginawa niya.

Napatawa nalang ako at napailing sa kagagahan niya.

"Faye! Congratulations. Kasal na talaga kayo ni James." Bati sa akin ni April ng lumapit siya sa akin.

Kasama niya ang dalawa niyang anak na lalaki na sila Zack at Ethan.

"Congrats po tita Faye." Sabi ng dalawa.

"Thank you sa inyo at sayo April."

"Sana maging maayos at masaya ang pagsasama niyo ni James, Faye. Punta lang kami kay James." Nakangiti niyang sabi bago umalis.

Sana nga maging maayos ang pagsasama namin ni James. Pero hindi ko masisigurado na magiging maayos ito. Ang layo niya na nga sa akin ngayon na bago pa lang kaming kasal eh, ano pa kaya kung tumagal kaming dalawa.

"Faye!"

Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. Sobrang familiar na babae na buntis ngayon na papalapit sa akin.

"Omg! It's real! You're officially Mrs. Real na!" Sabi niya at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik kahit nagtataka parin ako kung sino siya.

"Omg, don't tell me nakalimutan mo na ako?" Sabi niya habang nanlaki ang mga mata.

Napangiwi naman ako at hinay hinay na tumango.

"I-i'm sorry..matagal na kasi akong hindi nakauwi dito sa Pilipinas."

Tumawa naman siya ng malakas habang hinihimas ang umbok niyang tyan.

"It's me Josie, Faye! Losyang naba talaga ako at 'di mo ako nakilala?" Natatawa niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I-ikaw 'yan Josie?"

Tumango siya. "Yes! Maaga akong lumandi kaya maaga akong kinasal at nanganak hehe. Pangatlo ko na nga itong nasa tyan ko eh baka nga sundan agad ng asawa ko kasi nagmamadali siguro dumami anak namin."

Grabe. Hindi ako makapaniwalang si Josie itong nasa harapan ko ngayon. Ibang iba kasi siya noong high school kami. Tahimik siya noon at hinhin samantalang ngayon ay palasalita at palatawa na siya. Nag mature din ang kanyang mukha at medyo tumaba siya. Ganito siguro talaga kapag may asawa na 'no? Pero magiging ganyan din ba ako? Ewan ko lang..

"This is my husband pala, Faye. Meet my husband John Patrick, and hubby meet my friend Faye Aisha Castillo, ay Real na pala." Nakangising sabi ni Josie habang pinakilala niya ako sa asawa niyang nasa tabi niya ngayon.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon