Chapter 32

15.1K 422 49
                                        

FAYE POV.

"JAKE...."

"Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng oras upang makapag-usap tayong dalawa, Faye," nakangiting sabi ni Jake sa akin.

Jake called me. He was my boyfriend when I'm still living in USA. Nagulat ako nang sabihin niya na nandito siya sa Pilipinas. He want us to talk, at gusto ko rin talaga na makapag-usap kaming dalawa dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Gusto ko na maging maayos kami ni Jake dahil naging parte na rin siya ng aking buhay.

"Kumusta ka na pala?" tanong sa akin ni Jake habang nakangiti.

Hindi pa rin siya nagbabago, sobrang bait niya pa rin talaga.

I smiled at him. "Okay lang naman ako, Jake. Ikaw, kumusta ka na?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Ito... miss na miss na kita."

Bahagya akong nagulat ng sabihin iyon ni Jake sa akin.

"Jake—"

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Faye. Mahal pa rin kita. Kahit na anong gawin ko... ikaw pa rin talaga ang laman ng puso't isipan ko. I want us back together, Faye. I want another chance. I want to court you again," seryosong sabi ni Jake habang nakatingin siya sa akin ngayon.

Hindi ba alam ni Jake na ikinasal na ako at may anak na ako?

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong ipaintindi sa kanya ang sitwasyon ngayon.

"Jake, hindi pwede ang gusto mo—"

Pinutol niya ang aking pagsasalita. "Bakit, Faye? Mahal na mahal kita. Minahal mo rin naman ako, diba? I tried my best to move on. Pero hindi ko talaga kaya eh. Ikaw pa rin talaga ang mahal ko," mahinang sabi ni Jake at nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga mata kaya natataranta na ako ngayon.

Umiling-iling ako at hinawakan ko ang kamay ni Jake at tinignan ko siya ng seryosong ekspresyon sa mukha.

"Jake... hindi pwede ang gusto mong mangyari. May asawa na ako, Jake," sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at hindi rin siya makapagsalita.

Bahagya akong ngumiti sa kanya. "May asawa at anak na ako. Hindi na pwede ang gusto mo, Jake. Kaya I'm sorry kung hindi kita mabibigyan sa gusto mong mangyari. Hindi ako ang babae na para sayo. Hindi ako ang babaeng magbibigay sayo ng labis na kasiyahan. I want you to be happy, Jake," sabi ko sa kanya at hindi ko na rin mapigilan na maging emosyonal habang nakatingin kay Jake ngayon.

Sobrang bait niyang tao at hindi ko deserve ang lalaking katulad niya. Sinaktan ko lang ang damdamin ni Jake. Alam ko na mahahanap niya rin ang babae na para talaga sa kanya... iyong mamahalin siya ng todong-todo.

Muli kong nakita ang pagpatak ng mga luha niya galing sa kanyang mga mata habang malungkot na nakatingin sa akin ngayon.

"Why this world is so cruel to me?" mahina niyang sabi at napayuko siya.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapaiyak na rin habang nakikita ko siya ngayon na nasasaktan at nahihirapan.

"I'm so sorry, Jake," mahina kong sabi.

Natahimik kami ng ilang minuto at hinayaan ko si Jake ngayon na umiyak. Hanggang sa tumigil na siya sa kanyang pag iyak at pinunasan niya rin ang mga luha na nakakalat sa kanyang mukha ngayon at nag angat siya ng tingin sa akin.

"Wala kang kasalanan, Faye. Hindi ako galit sayo. Masaya na ako ngayon na masaya ka sa buhay mo. Nahanap mo na rin ang kasiyahan na lagi mong ninanais sa buhay mo," nakangiti na sabi ni Jake sa akin.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon