Chapter 29

19.9K 515 34
                                        

CHAPTER 29
FAYE POV.

Naging maayos ang relasyon namin ni James. No'ng sinabi niyang susubukan niyang magbago ay ginawa niya talaga. Pero may pagkakataon talaga na nagmamaldita siya sa'kin kaya ayun, nauuwi lagi away. May pagkakataon nga na nagsabunotan kaming dalawa pero nauwi din naman kami sa lambingan. Don't get him wrong ha, di naman niya ginagamitan ng lakas ang bawat sabunot niya sakin, tinutulak niya lang ung ulo ko. Ako talaga ang brutal. Wala na din akong balita kay Paul kaya wala na ang rason para magalit ako kay James.


Malapit na akong manganak kaya double ang alaga ni James sa akin. Kaya ko pa din naman makapaglakad pero nahihirapan din ako minsan kasi ang laki na ng tyan ko.


"Pwede naman tayong hindi pumunta, Faye." Suhestiyon niya dahil sa pag-aalala sa akin.


"No! Pupunta tayo. Matagal na kaya kayong hindi nagkikita ng mga kamag-anak mo."


May reunion kasi ang mga Real at gaganapin ito sa mansyon nila James. Mini Reunion lang ang mangyayari, kasama na dito ang mga kapatid ni Daddy Jerome at mga anak neto. Gusto ko din pumunta para makilala ang pamilya ni James. Kunti lang kasi ang nakapunta sa kasal namin at biglaan pa 'yon kaya mas gusto kong pumunta.


"Mahihirapan ka, Faye," inis na sabi nito.


"Hindi nga! Nanjan ka naman para alalayan mo ako, eh." Pamimilit ko sa kaniya.


Bumuntong hininga siya at sumuko na. Masaya naman akong pumili ng damit ko para sa reunion nila James. Hindi ko pa nakikita ang mga pinsan ni James. Sabi pa nila mga pogi at magaganda din daw ito. May pinsan nga daw silang artista eh. Hindi ko nga lang kilala kasi hindi naman ako nanonood ng TV.


"Faye! James! I'm so happy nakarating kayo." Masayang sabi ni Mommy Jane at niyakap kami ni James.


"We miss you mom." Nakangiti kong sabi.


"Nako! Ako din, hija. Namiss ko din kayo. Malapit ko na makita ang apo ko!" Sabi nito at hinimas ang malaki kong tyan.


Naramdaman ko naman ang kamay ni James sa aking beywang.


"Okay lang ba byahe n'yo? 'di ka ba napagod? Halika! Puntahan natin daddy n'yo." Sabi ni mommy Jane at sumunod naman kami ni James.


Nakita ko naman agad si April at Juctril kasama ang mga anak nila. Tumakbo din palapit sa amin si Lily ng makita niya kami ng tito niya. Nakilala ko din ang mga kapatid ni Daddy Jerome na sila Tito Jacob at si Tito Joshua. Kasama nila ang kanilang mga asawa na sila Tita Leanieme at Tita Joy.


Malaki pala ang pamilyang Real. Hindi ko lang sila laging nakikita kasi abala sila sa kaniya-kaniyang ganap sa buhay. Kaya kapag may nangyaring reunion na ganito ay dapat pumunta ka talaga.


Nakaupo kami ngayon sa table namin ni James habang siya naman ay abalang nakikipag usap sa pinsang si Jayden tungkol sa business.


"Faye?"


Napatingin ako sa lalaking tumawag sa aking pangalan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong sino ito.


"Jared?"


Ngumiti siya at niyakap ako bigla.


"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan eh!"


Nakita ko naman na natigilan sila James sa pag uusap at napatingin sa amin.


"Hey, Jared kumusta? Magkakilala pala kayo ng asawa ko?" rinig kong sabi ni James na ngayon ay nasa harap na namin.


Biglang natahimik si Jared at inaanalisa ang mga sinabi ni James.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon