Chapter 40

12.1K 351 20
                                        

CHAPTER 40 - LAST CHAPTER

FAYE POV

"It's post-traumatic amnesia, Mrs. Real. Hindi talaga maiiwasan ang ganito lalong lalo na kay Mr. Real. Pero don't worry, misis, makakaalala din ang asawa mo. Pupunta dito si Dr. Cabs para tignan ang kalagayan ni Mr. Real about this." Sabi ng doctor ni James at lumabas sa kwarto.

Tignan ko si James na nakahiga ngayon sa kama niya habang natutulog. Nasasaktan parin ako sa katotohanang nakalimutan ako ni James. Alam kong posible mangyari sa kanya ito kasi may Head Injuries siya. Pero sana hindi matagalan ang ganito at maalala na niya ako, kami.

"Ma, kailan ba ako pwedeng makauwi? Kailangan ko pa tapusin ang trabaho ko sa opisina," sabi ni James sa kanyang nanay.

Alam na nila Mommy Jane ang kalagayan ni James. Sinabi ko din sa kanila na huwag muna sabihin kay James kung ano niya ako. Baka kasi sumakit bigla ang ulo niya. Hindi pa naman pwedeng biglain si James.

Naalala ni James kung sino ang mga magulang niya at kung ano siya. Tinanong ng doctor niya kanina kung hanggang saan lang ang naaalala niya. Sagot niya naman ay 'yung naging CEO na siya ng kompanya nila.

Pero nakakapagtaka, bakit hindi niya ako maalala? Nandun na ako sa mga panahon na 'yun. Magkakilala na kami noong high school. Bakit niya ako kinalimutan?

"Anak, hindi pa pwede. Kapag naghilom na ang tahi sa ulo mo baka pwede kana makalabas." Sagot ni Mommy Jane.

Nakita kong napasulyap sa akin si James kaya naalerto ako bigla.

"Ma, sino ba siya? Bakit hindi siya umaalis dito?" Nagugulohan niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Bahagya akong tumalikod at nagpunas ng luha ko.

"A-anak, siya si Faye. Malapit siya sa'yo kaya nandito siya para alagaan ka."

Nakita ko ang pagtango ni James pero nakakunot parin ang noo habang nakatingin sa akin.

"Familiar ka sa akin. Kaklase ba kita noon sa high school?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Pati si Mommy Jane ay nagulat sa tanong ni James.

"Huh? Ah, oo."

Nakita ko ang pagngisi niya.

"Sabi ko na nga ba! Sorry kung nakapagkamalan kitang nurse ha?"

I smiled sadly and nodded.

"Faye, pasensya na kay James, ha? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon ngayon." Sabi ni Mommy Jane habang nakatingin ng malungkot sa akin.

"Okay lang po, my. I understand his situation naman po. Don't worry hindi ko po siya iiwan."

"Magpahinga ka kaya muna, anak? Baka anong mangyari sa inyo ng baby mo."

Nasabi ko na sa pamilya ni James at sa daddy ko ang pagbubuntis ko ngayon. Ayaw ko naman itong ilihim sa kanila pero kailangan muna namin ilihim ito kay James. Sasabihin ko nalang sa kanya kapag maayos na siya at makaalala na.

"Iniinom ko naman po ang niresita ng doktor sa akin, my. Hindi din naman po ako nagpapa stress at healthy naman po kami ng baby."

"Sigurado ka ba jan, Faye? Pwede naman si Juctril o di kaya si April muna ang mag-alaga kay James ngayon."

"Okay lang po, My. Gusto ko po ako mag-alaga kay James hanggang sa maalala niya ako."

Tumango siya at nilapitan ako para yakapin.

"Mag-ingat ka, ha? Don't worry about Caleb kasi inaalagaan naman siya nila April sa bahay."

Pinaalaga ko muna kay April si Caleb kasi hindi pa siya pwedeng bumisita dito sa hospital kasi baka sumakit bigla ang ulo ni James at baka anong mangyari sa kanya. Madaldal pa naman si Caleb kaya doon na muna siya.

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon