Chapter 26

21.4K 595 61
                                        

CHAPTER 26
FAYE POV.

"Nurse Precia!" Malumanay na tawag ko sa private nurse ko na nagbabantay sa akin.

"M-ma'am, okay lang po ba kayo?"

"Medyo nahihilo kasi ako, pasuyo naman oh."

"Okay po sige. Upo muna kayo, I'll just check your blood pressure po."

Araw araw ko nalang itong nararamdaman. Morning sickness daw ang tawag dito at natural lang sa mga buntis na katulad ko.

Nagdaan ang ilang araw ay medyo hindi na din lagi ang morning sickness ko at nagpapasalamat ako dun. Limang buwan na din akong buntis at ang cute ng belly ko. Medyo malaki na siya kaya nagsusuot na ako ng maternity dress. Tuwang tuwa naman ang pamilya namin lalong lalo na ang bestfriend kong si Andrea. Lagi sila dito sa bahay at nagdadala ng iba't ibang prutas.

Inaalagaan din ako ni James kapag nakauwi na siyang bahay. Naiinis lang ako lagi kasi ang tagal niyang umuuwi kapag gabi. Sabado at Linggo ko lang siya nakikita lagi at nakakasama. Pinaglilihian ko pa naman siya!

"Nurse Precia, pwede po pasuyo?" wika ko.

"Sure ma'am Faye, ano ho 'yun?" sagot nito.

"Ang cellphone ko nasa loob ng bag. Ang ganda na kasi ng pagkakahiga ko rito eh." Suyo ko.

Kinuha ni nurse Precia ang telepono at kaagad na ibinigay sa akin. Nanuod muna ako ng videos sa social media para malibang nang makita ko ang isang article na naka feature ang asawa ko. Tungkol ito sa successful na business expo na dinaluhan niya. Nakaka proud talaga ang asawa ko at ang gwapo pa.

Pero nang makita ko siya ay 'di ko maiwasan na mamimis siya ng sobra. Buong araw na siyang 'di tumatawag.

Kaya ako na ang naunang nagtext.

"James, umuwi ka ng maaga sabay tayo mag dinner. Na miss ka namin ng anak mo. Alam mo namang ikaw ang pinaglilihian ko eh. Sobrang tamlay ko." Sabi ko sa text message.

Pagkatapos kong maubos ang gatas ko ay nagpahinga muna ako at maya-maya pa'y nakaramdam ng pagkabagot, kaya napagpasyahan ko munang maglakad lakad sa sala. Matapos kong mapagod sa paglalakad-lakad ay naupo ako sa couch at hinimas himas ang tiyan ko. Napangiti ako nang maramdaman ang presensya ng anak ko.

"Hello, baby ko. Nagpapahinga ka ba jan sa loob ha. Mommy loves you so much" ani ko.

Sabi kasi ng doctor ay mas mabuti daw na kausapin ko ang baby. Kinakausap ko naman ang baby ko at binabasahan ng stories at kinakantahan. Natutuwa din ako kasi sumisipa din ito minsan na parang naintindihan ang sinasabi ko.

"Faye?!"

Napatingin ako sa pintuan ng bahay namin at nakita ang asawa kong nakangiti.

"James, nanjan ka na pala." Nakangiting sabi ko.

"Yes, just like you had wished." Aniya at lumapit sa akin.

"Kumusta ang baby ko? Ha? Andito na ang daddy. Na miss ka rin ng daddy baby. Na miss ko kayo." Wika ni James at biglang tumingin sa akin habang sinasambit ang huling mga kataga.

Bigla akong nakaramdam ng init at 'di maiwasang mamula sa kilig dahil sa sinabi niya.

"Talaga ba Mr. James Lloyd Real?" wika ko at hindi na siya pinasagot at hinila siya palapit sa akin. Hinalikan ko siya sa labi at alam kong nagulat sa ginawa ko.

"I just missed you. Hindi na kita naaabutan kapag gabi kasi maaga akong inaantok tapos kapag gumigising naman ako ay wala ka na din. Madalas ka pa umaalis kapag sabado kaya mas lalo akong nalulungkot." Malungkot kong salaysay.

Naramdaman ko ang paglapit ni James at niyakap ako.

"I'm sorry. N-naging busy lang sa kompanya. Promise, maaga na akong uuwi," malambing nitong sabi.

Mabilis akong napatingin sa kanya ang ngumiti.

"Talaga?! Bibigyan mo na kami ng more time ni baby?" Pacute kong sabi.

He chuckled and kissed my forehead.

"Oo na, para kay baby." He said ang kissed my tummy.

"Kay baby lang? Pano 'yung mommy?" nakanguso kong sambit.

"Oo na, syempre para rin sa mommy." Natatawa nitong wika.

Napangiti ako at napayakap kay James sabay simot sa amoy niya. Ewan ko ba bakit favorite na favorite ko ang amoy niya.

Kinabukasan ay pumunta kami ni James sa OB-gyne para malaman ang gender ng anak namin at para na din makabili na kami ng mga gamit ni baby.

Ang dami na kasing iba't ibang gamit para sa baby sa bahay kahit hindi pa alam ang gender ng baby namin. Gusto ko na malaman para naman makapaghanda na din kami.

Kasama namin sa byahe sina nurse Precia at bodyguard kong si Ed na nagdadrive ngayon.

Nang makapunta kami sa clinic ay binati kami ni Doc. Hannah at pinapasok na sa loob kasama si James. Kinakabahan ako at kita din sa mukha ni James na kinakabahan siya sa resulta.

Naiiyak ako ng makita ko sa screen ang anak namin ni James na medyo malaki na hindi kagaya nung nauna kong ultrasound. Tuwang tuwa din ako ng malaman na lalaki ang magiging anak namin ni James. Niyakap niya ako ng pagkatapos sabihin ni Doc. Hannah ang gender ng anak namin.

"Thank you for everything, Faye." Bulong sa akin ni James habang nakayakap sa akin.

Pagkatapos namin sa clinic ay dumeritso na agad kami sa isang chinese restaurant para kumain. Habang niluluto pa ang order namin ni James ay tinawagan ko muna si Andrea para ibalita ang good news at ang gaga naman ay tuwang tuwa.

"Omg! May baby James ka na din! Dapat babae ang magiging first baby ko para maging jowa ng anak mo."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Andrea. Totoo din ang sinabi ni James noon na nagpropose na ang boyfriend ni Andrea sa kanya na si Michael. Tuwang tuwa ako para sa bestfriend ko at parang susunod agad sa yapak ko haha.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na agad kami ng mall para mamili ng mga gamit para sa baby namin. Hindi na kami mahihirapan mamili kasi alam na namin ang gender ng baby.

Lahat ng pinili ni James na gamit pati damit ng anak namin ay color blue, ewan ko nga kapag ba lalaki blue kaagad. Ito ring si James bawal raw ang mga pambabaeng bagay baka raw kasi maging bakla at magmana sa kaniya. Natawa na lamang ako, pero kahit naman akong maging gender ng anak ko tatanggapin ko. Tanggap ko nga ang papa niya eh.

Pagkatapos naming bumili ay napagpasyahan na namin na umuwi. Pagod na din ako at gusto ko na matulog.

Nakatulog ako sa balikat ni James at naramdaman ko nalang na binuhat niya ako papasok sa bahay hanggang sa kwarto namin.

Nilagay niya ako sa kama at inayos ang comforter at hinalikan ako sa noo.

Naramdaman ko naman na napahiga na din siya sa kama nang matapos siya maglinis ng katawan sa cr.

Napabaling ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko naman narinig na nagreklamo si James at pinabayaan lang ako na nakayakap sa kanya. Napangiti din ako ng halikan na ako sa noo kaya masaya akong nakatulog.

Pero bago ako nakatulog ay narinig ko pa ang huling sinabi ni James.

"Hinding hindi ko kayo papabayaan ng anak natin, Faye. Thank you for everything and I love you."

Hindi ko maipaliwanag ang saya ng nararamdaman ko. Parang unti-unting natutupad ang mga hinihiling ko kasabay ng pagbabago ng pakikitungo sa akin ni James. Ayoko nang matapos ito. Hindi ko man sabihin kay James pero sobrang saya ko sa pagbabago niya. Mas ramdam ko ang presensya niya, nas minamahal ko ng sobra ang asawa ko sa bawat araw.

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon