Chapter 28

24.5K 577 70
                                        

CHAPTER 28
FAYE POV.

I hate James. I hate Paul. I hate my husband for being gay but I have no choice. Ganyan na siya eh, wala na akong magagawa. Pero ang masakit lang ay kahit kasal na kami ni James pero hindi parin siya makontento sa akin. Ganito ba talaga ang mga bakla? Maghahanap talaga ng lalaki? Hindi ba talaga nila kayang magmahal ng babae?

Ang daming tanong sa utak ko at gusto ko masagot 'yon lahat ni James. Nagising ako kanina na nasa hospital bed. Nawalan pala ako ng malay sa office ni James habang nagwawala do'n. Buti nalang walang masamang nangyari sa bata at okay lang naman daw ako.

Si James ang una kong nakita pagbukas ng mga mata ko at hindi ko ulit mapigilang magalit at maalala ang nangyari sa opisina niya. Kaya pinalabas siya ni Andrea sa kwarto ko at hindi na pinabalik.

"Friend, ano na ang gagawin mo ngayon? Hindi naman pwedeng forever na kayong ganito ni James. Hindi talaga ako makapaniwalang bakla siya."

Nasabi ko na kay Andrea kung ano talaga ang katauhan ni James at nangako naman itong hindi ipagkakalat. Alam kong chismosa at hindi mapigilan ang bibig ng babaeng 'to pero mapagkakatiwalaan naman siya pagdating sa mga sekreto.

"Ewan ko, Andrea. Naguguluhan pa rin ko," sabi ko.

"Dapat pag usapan niyong mabuti 'yan ni James. Magkakaanak na kayo, Faye. Hindi na kayo parehas ng dati at mag-asawa na kayo," suhestiyon nito.

Tama siya. Hindi pwedeng ganito nalang kami ni James. Buntis ako at magkakaanak na kami kaya dapat ayusin namin ang problema.

Hindi pwedeng pagsabayin nalang kami ni James. Dapat siyang mamili kung sino ba talaga ang mas matimbang, ako at ang anak namin o si Paul.

"Faye, I'm sorry—"

"Shut up!" pagputol ko sa sinasabi ng magaling kong asawa.

"Hindi kita pinapunta dito para marinig ang sorry mo. Gusto ko ayusin natin ang problemang ito!" dagdag ko.

Nakita kong malungkot na tumango si James at bumuntong hininga.

"Mahal mo si Paul?"

Nakita ko ang gulat sa mukha nito.

"F-faye.. matagal ng—"

"Nevermind. Gusto ko mamili ka sa amin ni Paul. Hindi pwedeng pagsabayin mo kaming dalawa. Napakawalang hiya mo naman kapag ginawa mo 'yon." Hindi parin mawala ang galit sa boses ko.

"Ikaw ang pipiliin ko, Faye. Kayo ang pipiliin ko ng anak natin. Kasal na ako sayo," nahihirapan nitong sabi.

"So kapag hindi tayo kasal, si Paul ang pipiliin mo? Ganun ba, James?"

"No!— Faye, walang namamagitan sa amin ni Paul. We're just friends. Ikaw lang.. wala ng iba."

"Liar!" sigaw ko, at bumuhos ulit ang mga luha sa mata ko. "Ano 'yung sinabi niya na mahal niyo ang isa't isa?! Anong akala mo sa'kin James, tanga?" Hindi ko mapigilang mapaiyak sa galit at selos na nadarama.

"Faye, hindi ko na siya mahal! Nilinaw ko lang sa kaniya na wala na kami at 'di na magiging kami. Tapos niyakap niya ako at 'yun ang nakita mo! Wala akong iba. Please, babe, ayusin na natin 'to," he begged.

Umiwas ako ng tingin.

"Sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako kayang mahalin kasi may mahal ka ng iba. Sino 'yun?! Sino ang mahal mo, ha?!"

"W-wala, Faye! Sinabi ko lang 'yun para hindi ka na umasa sa akin. Wala akong ibang mahal. Sinabi ko lang 'yun kasi hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin kasi bakla ako." Maiyak-iyak nitong paliwanag

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon