CHAPTER 13 - NEW YORK
After 5 years...
FAYE POV.
"Fayeee!" Malakas na hiyaw ni Andrea sa kabilang linya.
"Andreaaa!" pang-gagaya ko sa kaniya.
"Gaga! Kailan ka ba babalik dito?! Sabi mo this year na." Nakangusong wika nito na tila nagtatampo pa. Magkausap kami ngayon ni sa video chat.
Five years na kami ni dad na naninirahan dito sa New York. Tumutulong na din ako kay dad sa company, he taught me everything he knew about business. Noong una napipilitan pa ako dahil never ko talagang inisip ang maging isang business woman. But time had past and I learned to give importance to my family's legacy.
After nang matagal na pananatili dito sa ibang bansa, napag-desisyunan namin ni dad na bumalik na ng Pilipinas. Maayos na din kasi ang business namin at gusto na ni dad na magpahinga muna sa trabaho.
I really want to go back to the Philippines too. I missed Andrea kahit na 4 months ago pa nang huling dinalaw niya ako dito.
Busy na rin kasi siya sa business nila, kaya dalawang linggo lang siya nag stay dito noong huli niyang dalaw.
"Don't worry, Andrea. Babalik na talaga kami ni dad jan. Siguro within this week kami babyahe pauwi jan sa Pinas." masayang balita ko sa kaniya.
"Ohh my! Really? Siguraduhin mo yan bes ha!" masayang wika nito.
"Oo na! Bye na muna at may aasikasuhin lang ako." ngiting wika ko sa kaniya.
"Sige, bes. Babye!" pagpapa-alam nito.
Matapos kong makipag usap kay Andrea ay pumunta na ako sa workplace ko dito sa bahay.
Napaupo ako sa table at napapikit. Kaagad na pumasok sa aking isipan ang nalalapit na pagbabalik ko sa pilipinas. At ang tunay na dahilan sa aking pagbabalik pati sa aking kinalimutan nang nakaraan.
Hindi lang ang pagpapahinga sa trabaho ni dad ang dahilan kung bakit kami uuwi sa Pinas.
Pinagkasundo ako ni dad sa anak ng matalik niyang kaibigan at business partner.
At ang lalaking nakatakda kong pakasalan ay ang lalaking pilit ko ring kinakalimutan sa nakaraan at 'yun ay si James.
Nalaman kong siya na pala ang CEO ng Real Group of Companies at iba pang businesses ng Real. Balita ko din na masungit pa rin ito gaya ng dati, lalo na sa trabaho. Baklang 'yun!
Noong una ay kaagad kong tinutulan ang ideyang iyon dahil alam ko namang kailan man ay hindi ako magwawagi sa puso ni James dahil hindi babae ang gusto niya. Pero maging ako ay walang nang magagawa dahil sa pamilya namin ang usapan ay usapan, at kung sino mang sumira nito ay walang dangal. At sa katotohanan din ay may nararamdaman pa ako kay James sobrang mahal ko pa rin siya.
Hindi ko maiwasang isipin si James, hanggang ngayon ba naman masungit pa rin siya?
Nasaan na si Paul? Hindi niya pa rin ba sinasabi sa pamilya niya kung ano ba talaga siya?
Ano kaya ang magiging reaksyon ni James kapag nalaman niyang ako ang pinagkasundo sa kan'ya.
Sana naman maging masaya siya na makita ako. Kasi ako, miss na miss ko na siya.
Kahit anong pilit kong limutin ang lalaking minsan ko nang iniyakan ng sobra, hindi ko parin magawa. Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal ko pa rin talaga si James.
"Faye, nandito sa labas si Jake. Gusto ka daw niya makausap." Sabi ni tita Mabel, kapatid ni dad.
"Okay po." Napabuntong hininga na lamang ako bago humarap sa makulit na lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
