Chapter 23

22.2K 574 15
                                        

CHAPTER 23
FAYE POV.

Papunta kami ni James sa bahay nang mga magulang niya. Balita ko rin na pupunta sila April at Juctril dun kasama ang mga anak nila. Tahimik kami ni James sa loob ng kotse. Nasasaktan pa rin kasi ako sa sinabi niya sa sagutan namin kanina, wala rin ako sa mood magsalita at makipagplastikan sa bakla 'to.

"We're here!" Malamig na wika nito at pinarada ang kotse malapit sa fountain. Tahimik naman akong lumabas sa kotse at hinintay siyang makalabas para sabay na kami papasok sa bahay nila.

"Let's go." Matipid na wika nito at pumasok na sa bahay nila habang ako ay tahimik na nakasunod sa kanya.

Nang makapasok kami ay nakita ko agad sa may living room ang nanay ni James, si Mommy Jane at si April kasama ang mga anak niya.

"James! Faye!" Bati ng biyanan ko at lumapit sa amin.

Niyakap naman ako nito at hinawakan ang kamay ko.

"Buti naman at nakarating kayo, hija. Namiss ko kayo!" maligalig na sambit ni mommy.

Ngumiti ako. "Namiss din po namin kayo, Ma."

Huli kong kita kay mommy Jane ay sa kasal namin ni James. Hindi ko siya masyado nakikita kasi abala ito sa pag tatravel sa ibang bansa. Mabait at sweet naman itong si mommy Jane at masaya ako na siya ang naging mother-in-law ko.

Lumapit din si April sa amin at binati kami ni James.

"Mom, where's dad and kuya?"

"Nasa garden sila, anak. Puntahan mo nalang dun at may paguusapan raw kayo."


Pumunta naman si James sa may Garden para puntahan ang Dad at kuya niya habang ako naman ay nandito kasama si April at Mommy Jane.

Nang makaupo ako sa couch ay nagmano sa akin ang tatlong anak ni April. Matangkad na ang dalawang anak na lalaki nila April habang ang babae naman ay malaki na rin.

"Kumusta ang buhay asawa, hija? Masaya ba? Anong klaseng asawa ang anak ko?" Nakangiting tanong at usisa ni Mommy Jane na mukhang excited.

Nakaabang din si April sa sagot ko kaya medyo nailang ako ng kunti.

"O-okay naman po. Mabait naman po si James sa akin at hindi ako pinapabayaan."

Nagulat ako nang tumili sila na parang kinikilig.

"Nako! Sorry, Faye. Kinikilig lang talaga ako." Paumanhin ni Mommy Jane.

Habang si April naman ay napatawa at napatango.

"Ako din! Masaya ako para sa inyo dalawa, Faye. Bagay kayo at alam kong mas tatatag ang pagsasama n'yo habang tumatagal." Wika ni April.

Napaisip naman ako sa mga sinabi ni April. Sana magkatotol lahat ng tinuran mo April. Sana mag dilang anghel ka't tumagal ang pagsasama namin mag-asawa.

"Alagaan mo ng mabuti ang anak ko, Faye, ha? Mahal na mahal ko ang bunso ko." Naiiyak na sabi ni Mommy Jane kaya napangiti ako.

"Oo naman po. Mahal na mahal ko din po ang anak niyo." Nakangiti ngunit mahina kong wika.

Napatili ulit sila sa sinabi ko kaya napatawa nalang ako sa reaksyon nila.

Pagkatapos ng maikling kwentuhan namin sa living room ay kumain na kami ng dinner.  Pumasok na din sila James kasama ang daddy at kuya niya. Binati naman nila ako kaya napangiti nalang din ako.

Habang kumakain kami ay napatanong bigla si daddy Jerome.

"So, magkakaapo na ba ako sa inyo James at Faye?"

Natigilan ako sa tanong ni Daddy Jerome habang si James naman ay nagulat din. Nagtinginan kaming dalawa. Kaagad namang umiwas si James sa mga mata ko at nagsalita.

"Dad naman." Kamot ulo nitong wika sabay ngisi.


"Bakit? Nagtatanong lang naman ako." Nakangising sabi neto.

"Wag mo namang eh pressure ang mga bata, Jerome. 'Wag kang mag alala, bibigyan din tayo ng magagandang mga apo nila James." Nakangiting sabi ni Mommy Jane at kinindatan ako.

"Bakit ba atat na atat kayong magkaapo akin? May mga apo naman kayo, Dad. Nanjan naman ang mga pamangkin ko. Sina Ethan, Zack at Lily. Pwede din kayo humingi kay kuya at April, bakit sa amin talaga?" Inis na sabi ni James.

Napayuko ako at hindi nakapagsalita.

Gusto ko din naman magkaanak kami ni James at bigyan ng apo sila Mommy Jane pero mukhang ayaw naman ni James magkaanak kami.

"Bakit kami nasama jan?" Natatawang sabi ni Juctril.

"Syempre anak iba 'yung galing talaga sa 'yo. Hindi ko naman kayo pinipilit na magkaanak agad ni Faye pero sana nasa plano niyo ang bumuo ng pamilya."

Napatingin naman ako kay Daddy Jerome at Mommy Jane.

"Huwag po kayo mag-alala, nasa plano naman po namin ang bumuo ng pamilya pero hindi po muna siguro ngayon." Nakangiti kong sabi.

Nakita ko namang napairap ang bakla sa tabi kaya kinurot ko ito sa tagiliran.

Napatingin siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Buti naman, hija. Sige na, magpatuloy muna tayo sa pag kain natin." Sabi ni mommy Jane at bumalik na kami sa pag kain namin.

Pagkatapos namin kumain ay nag-usap ulit sila James kasama ang daddy at kuya niya. Sabi pa ni Mommy Jane tungkol daw sa trabaho ang pinag-uusap nila kaya hindi muna namin sila iistorbohin.

Naaliw naman ako makipaglaro sa bunso ni April na si Lily. 5 years old na ito at ang cute niya talaga! Sana ganito din ka cute ang magiging anak namin ni James.

"Tita Faye, are you really tito's wife?" Tanong ni Lily sa akin habang nakakandong sa akin.


Ngumiti ako at tumango. "Oo, bakit?"

Napakunot naman ang noo neto. "But Tito is gay po eh!"

Mabilis namang napatingin si April sa anak.

"Lily! It's not nice, your tito is not gay." Pangaral ni April sa anak.

Napasimangot ito kaya mas lalo itong naging cute.

"Totoo naman po kasi, Mommy!"

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Lily.

"Mahal ko naman si Tito James mo." Nakangiti kong sabi at hinalikan ang pisngi niya kaya napatawa ito na parang kinikilig.

"Ayiee. You're so nice naman po, Tita." Sabi ni Lily at pinaglaruan ang buhok ko.

"Faye."

Napatingin ako kay James nang pumasok ito sa living room.

"Tapos na kayo mag-usap?" Tanong ko.

"Yes, alis na tayo." Sabi nito at lumapit sa akin.

"Hi, Tito!" Bati ni Lily at yumakap kay James.

Napatawa naman si James at kinarga ang pamangkin.

"Hello, beautiful!"

Napangiti ako habang nakatingin kay James na kinakarga si Lily. Sigurado akong magiging mabuting tatay si James kapag nagkaanak na kami. Pero siguro hindi muna ngayon, gusto ko muna na mahalin ako ni James bago kami magkaanak. Gusto ko wala ng problema sa amin ni James at maaalagaan namin ng mabuti ang anak namin. Gusto ko bago niya mahalin ang anak namin ay mahalin niya muna ako.

Simple lang ang pangarap ko, ang mahalin ako ni James katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon