THE GAY CEO
FAYE POV.
"James, okay ka lang? Bakit may pasa ka sa pisngi mo?" alala kong tanong sa aking asawa.
Kauuwi niya lang dito sa bahay namin at hinintay ko talaga ang kanyang pag-uwi. Nagulat ako nang makita kung ano ang nangyari sa kanyang mukha. May pasa rin akong nakita sa gilid ng kanyang labi. Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig.
Sumunod naman ako sa kanya.
"Sino ang sumuntok sa 'yo, James? Si daddy Jerome ba? Gamutin ko muna 'yan," sabi ko sa kanya habang nakasunod mula sa kanyang likuran.
Humarap sa akin si James at hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"I'm fine, misis," nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko. Naglakad na papunta sa may kwarto namin si James at nakasunod pa rin ako sa kanya. Kinuha ko ang first aid kit namin at ginamot ko ang mga pasa sa kanyang mukha. Hindi ko na talaga natiis ang aking sarili.
"James, magsabi ka nga ng totoo sa akin," seryoso kong sabi at nag angat ako ng tingin sa kanya.
Nakaupo kami ngayon dito sa gilid ng kama habang magkaharap. Ginagamot ko siya ngayon at hindi ko rin mapigilan na magtanong.
Bumuntong-hininga si James at tumango.
"Y-Yes, sinuntok nga ako ni Dad...." mahina niyang sabi.
Nagulat ako ng sabihin niya iyon.
"Bakit ka niya sinuntok? Tungkol pa rin ba ito sa pagiging bakla mo?" tanong ko sa kanya.
Bahagyang ngumiti sa akin si James at umiling.
"Hindi naman siguro, Faye. Mainit lang ang uli ni Dad ng dahil sa nangyayari sa kompanya namin," sagot niya sa aking tanong at tumawa pa siya.
Nagawa niya pa talagang tumawa sa kalagayan niya ngayon?
Minsan talaga hindi ko na maintindihan si James.
"James, gusto ko tumulong," seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Faye, okay lang ako."
"Bullshit, James! Alam ko ang mga nangyayari, okay? Alam kong nahihirapan ka na!" emosyonal kong sabi at napakagat ako sa aking labi upang hindi ako maluha.
Huminga siya ng malalim at napahagod siya sa kanyang buhok habang nakatingin siya sa akin.
Hinawakan niya ang aking pisngi at bahagya niya itong pinisil at ngumiti siya sa akin.
"Everything's fine, Misis. Wala kang dapat na problemahin, okay? 'Wag ka nang mag overthink diyan," malumanay niyang sabi at muli siyang ngumiti sa akin at kinindatan ako.
Napasimangot ako.
Liar.
Alam ko ang mga nangyayari kahit na nandito lang ako sa bahay at nagbabantay sa anak namin. Ikinuwento sa akin ni April ang mga nangyayari sa kompanya. Nagkakaproblema par in sila sa kompanya ngayon at gusto ng mga board of directors na paalisin sa pwesto si James bilang CEO. I hate this! He doesn't derseves this kind of treatment! Bakit ba dinadamay nila ang trabaho ng asawa ko? Bakit, kung bakla ba ay bawal na maging CEO sa isang kompanya? Bawal na mag lead?
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang tinatakbo ng utak ng mga tao sa paligid ko eh.
"James, please," pagmamakaawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
