CHAPTER 22
FAYE POV.
Nagising ako na ako nalang mag isa sa kama. Alas diyes na ng umaga at nakakasiguro akong nakaalis na si James sa trabaho.
Tumayo ako at nag ayos ng aking sarili. Hindi parin ako makapaniwalang nangyari 'yun sa amin ni James kagabi. Natututunan na ba akong mahalin ng asawa ko? O mahal na ba niya ako. Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil s kilig. Para akong high school na pinansin ng crush.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa subrang tibok ng puso ko. Hayst, kung panaginip man 'to sana 'di na ako gumising.
Bumangon na'ko't naligo at nag almusal dahil may lakad pa kami ni Andrea.
Dapat ko na ba itong ibalita kay Andrea?
Napailing ako.
No!
Hindi ko pwedeng sabihin kay Andrea kasi nakakahiya. Siguro nagawa lang 'yun ni James kasi nakainom siya kagabi at pinatulan ko naman ang pagiging lasing niya.
Napabuntong hininga ako at napapikit.
Bahala na. Basta ang importante may nangyari na talaga sa aming dalawa.
"Hoy, Friend! Bakit parang blooming ka ngayon ah?" Nakangising sabi ni Andrea habang kumakain ng burger.
Kakagaling lang namin mag shopping at kumakain kami ngayon sa isang restaurant.
"Hindi naman." Simple kong sagot.
"Hindi eh, blooming ka talaga! Ibang iba ang aura mo ngayon, hindi kagaya noon. Tapos nakangiti ka sa buong araw ma parang walang problema sa asawa. Parang kakatapos lang mag honeymoon en." Makulit nitong sabi at bahagyang lumapit sa akin.
Napatawa ako at namula ang buong mukha ko ng maalala ang nangyari sa amin ni James.
"Omg! Sabi ko na nga ba ehhh! Chika ka dali!" nasasabik nitong sabi.
Napabuntong hininga na lamang ako at natatawang nagkwento sa nangyari sa amin ni James kagabi.
Pagkatapos kong e kwento ang lahat kay Andrea ay nanlaki ang mga mata nito at napatayo kaya hinila ko ito pabalik paupo.
"Ano ba! Nakakahiya." Sabi ko sa kanya.
"Oemji! Finally, bes! Magiging tita na din akooo!" Sigaw nito kaya dali dali kong tinabunan ang bibig niya.
"Hinaan mo nga ang boses mo! Nakakahiya."
Nag peace sign naman siya at niyakap ako.
"I'm so proud of you, best friend! Naisuko mo na talaga ang bataan!"
Napailing-iling at napatawa na lamang ako sa kagagahan ng bestfriend ko.
Pagkatapos namin kumain ni Andrea at mamili ay umuwi na kami sa mga bahay namin. May gagawin pa daw sila ng boyfriend niya kaya atat na din umuwi ang gaga.
Habang papauwi ako sa bahay ay tumunog bigla ang cellphone ko. Tinignan ko naman ito kung sino ang tumatawag, bahagya akong nagulat ng makita ko ang pangalan ni James.
Dali dali ko itong sinagot.
"H-hello?"
"Nasaan ka?" Malamig nitong sagot.
"Pauwi na ako. Galing akong mall kasama si Andrea."
"Umuwi ka ng maaga. Pinapapunta tayo ng daddy mo sa inyo." Sabi nito at biglang pinatay ang tawag.
Napasimangot ako at padabog na nilagay ang cellphone ko sa aking bag.
Napakawalang hiya talaga.
Nang makauwi ako ay nakita ko agad ang kotse ni James sa labas ng bahay namin.
Pumasok ako at tinanong sa kasambahay namin kung nasaan si James. Pinuntahan ko naman ito sa office niya sa aming bahay ng malaman na nandun ito ngayon.
Kumatok ako bago pumasok sa loob ng office niya.
Napatingin naman siya sa akin at muling nagpatuloy sa pagbabasa ng isang papers sa table niya.
"What?" Sabi nito.
"Kailan tayo pupunta kay daddy?"
"Mamaya." Maikli nitong sabi.
Napabuntong hininga ako at bahagyang lumapit sa kanya.
"James.."
Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"What?"
"Tungkol sa nangyari sa atin kaga—"
"Kalimutan mo na 'yun" malamig nitong sabi.
Nagulat ako sa tugon niya, parang piniga ang puso ko na hindi ko maipaliwanag. Napakalupit niya! 'di ko namalayan na umaagos na ang mga luha sa mata ko.
"Ganun na lang 'yun, James?" mahina at naiyak-iyak kong wika.
"Ano ba ang gusto mo mangyari?" Bahagyang lumakas ang boses niya.
"Gusto ko lang malaman kung pinagsisihan mo na may nangyari sa atin kagabi.." mahina kong sabi at pinipigilan ang mga luha kong tumulo sa aking mata.
Matagal siyang hindi sumagot at napaiwas ng tingin.
"Lasing ako nun, Faye."
"Lintek naman na sagot yan, James!" Sigaw ko.
Napatitig siya sa akin.
"Alam mo ba na ang saya saya ko kagabi? Hanggang sa paggising ko kanina, ang saya saya ko."
Hindi parin siya nagsalita.
"Akala ko sa nangyari sa atin kagabi magiging maayos ba ang pagsasama natin. Akala ko mamahalin mo na ako!"
Tumulo ang luha ko kaya dali dali ko itong pinunasan.
"You know that I can't, Faye." Malamig nitong sabi.
"Bakit?!" Sigaw ko
"Bakit James, ang sakit sakit. Ano bang kulang sa'kin. Ba't hindi mo 'ko kayang mahalin?!" Napahagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman.
Dahan dahan itong tumayo at lumapit sa akin. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni James, gusto ko siyang itulak ngunit pagod na akong makipag'away kaya'y iniyak ko na lamang ang lahat.
"Bakla ako, Faye. Mahal kita ngunit hindi katumbas ng pagmamahal mo. At—at may mahal pa akong iba."
Napaiyak nalang ako at niyakap siya ng mahigpit.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
