Chapter 27

21K 574 106
                                        

CHAPTER 27
FAYE POV.

"Malay mo busy lang ang asawa mo sa work, Faye. Alam mo naman ang isang 'yun napaka workaholic." Sabi ni Andrea habang nakatingin sa akin na kanina pa umiiyak.

Ewan ko ba pero malate lang ng uwi si James o di kaya hindi siya makauwi sa bahay ang dami ng bumabagabag sa utak ko. Ganito ba talaga kapag buntis?

Alam ko naman na busy si James pero sana naman nagtext siya para mag-paalam, pero wala eh. Hindi ko na din siya nakikita at nakakausap kaya masisisi ba niya ako kung maging praning ako.

Tinakasan na niya ba ako?

No.

Hindi to pwede.

"Hoy, Faye! Tama na nga 'yang pag iyak mo at baka ano pa mangyari sa inaanak ko!" Sabi ng kaibigan ko at mabilis na pinunasan ang luha sa aking mukha.

Sana nga mali ang iniisip ko. Sana nga nag over think lang ako.

"Good evening, Sir James!" rinig kong sabi ng kasambahay namin sa baba.

"Asan ma'am mo?" tanong naman ng asawa ko.

Kahit na may tampo ako ay mas nangibabaw ang pananabik ko sa mokong kong asawa kaya dali dali akong napalabas sa kwarto at bumababa papuntang sala. Nakita ko naman si James na nagtatanggal ng necktie.

"James!"

Napatingin siya sa akin.

Nagmadali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"H-hey, there you are! Okay ka lang ba?"

"M-miss na miss na kita." Mahina kong sabi at napaiyak.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at hinimas ang buhok ko.

"Matulog ka na. Makakasama sa bata ang pagpupuyat."

Napanguso ako sa sinabi niya.

"Bakit ka kasi late umuuwi lagi? Hindi ba pwedeng umuwi ka din ng maaga?"

"May trabaho ako, Faye. Ginagawa ko 'to para sa inyo ng anak natin kaya please intindihin mo ako."

"Ikaw ang may-ari ng kompanya, James! You don't need to work everyday kasi may mga empleyado naman kayo! You're the CEO and your work only is to sign, to sign, and to sign a paper!" Galit kong sigaw at padabog na umalis.

"Faye!"

Nakakainis siya. Ngayon lang nga ako nanglalambing sa kanya tapos hindi niya pa ako mapagbigyan. Oo, he's doing it for us! Pero hindi naman kailangan mag overtime siya lagi! Don't tell me may tinatago talaga siya at alibi niya lang ang trabaho niya para magawa niya ang  mga 'yun.

No! Hindi pwede 'to.

"Faye.."

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Nakahiga na ako sa kama at nakatalikod sa kanya. Nakita ko ang kamay niyang nakadantay sa aking tyan at hinimas ito.

"Sorry na misis ko." Mahina nitong sabi at mas sumiksik pa sa likuran ko lalo.

Nakakainis! Kahit anong gawin ko ang rupok ko parin talaga pagdating kay James.

"Misis ko.. sorry na please." Malambing nitong sabi at hinalikan ang pisngi ko.

Nakapikit parin ako at hindi siya pinansin.

"Babawi ako sa inyo ni baby. Marami kasing mga new project sa kompanya kaya hindi ko pwedeng iwan nalang bigla bigla. Promise, babawi ako sa inyo ni baby. Sorry na, please." Wika nito na tila asong nagpapacute.

Bakit kinikilig ako kapag tinatawag niya akong misis?

Nasanay na din ako na tinatawag niyang misis simula noong nagbuntis ako sa anak namin at naging bossy ako masyado at suplada.

"Basta bumawi ka.." mahina kong sabi at sumuko na sa pagtatampo ko.

Napakarupok mo talaga, Faye! Mula noon hanggang ngayon ang rupok mo parin kay James.

"Opo. Tulog na tayo." Sabi niya at hinalikan ang ulo ko kaya napangiti nalang ako at natulog na.

Nang magising ako ay hindi ko na naabutan si James sa kama. Sabi pa ng kasambahay namin ay maaga itong pumuntang trabaho at hindi na ako ginising kasi masarap daw ang tulog ko.

Napagpasyahan kong dumalaw sa office ni James. Nakakabagot kasi dito sa bahay at dadalhin ko naman si nurse Precia at ang Bodyguard ko kaya walang problema.

Nagsuot ako ng simpleng floral dress at nag doll shoes lang. Bawal na ako mag suot ng sandal kasi bawal na daw sa akin sabi ni James.

"Ma'am, ready na po ang sasakyan," ani Ed.

Pumasok na ko sa loob ng sasakyan at sumunod naman sa akin si nurse Precia. Hindi ko na tinext si James na pupunta ako sa kompanya.

Gusto ko siya supresahin.

Nang makapasok ako sa kompanya ay agad din akong binati ng mga empleyado doon. They already know me as James Llyod Real's wife and I'm happy with it.

"Where's James?" Tanong ko sa sekretarya niya ng makita ko ito sa labas ng office ni James.

"Good morning, Mrs. Real. Nasa loob po si Sir at may kausap pa po."

Tumango ako at naglakad palapit sa office ng asawa ko. Bago ako pumasok ay tinignan ko muna si nurse Precia at Ed at sininyasan itong h'wag ng sumunod sa akin.

Nang pumasok ako sa opisina ng asawa ko ay akala ko siya ang ma susurpresa sa pagdating ko, pero nagkakamali pala ako. Ako ang nasurpresa, nasurpresa ako sa nakita ko ngayon at hindi ko mapigilang masaktan.

Nakita ko ang asawa kong nakayakap sa lalaking dahilan kung bakit kami nagkahiwalay noon. Ang lalaking dahilan kung bakit ako tinalikuran ni James.

He's hugging Paul right now.

Nanlaki ang mga mata ni James ng makita ako at madaling lumayo kay Paul. Samantalang si Paul ay hindi man lang nagulat sa presensya ko ngayon. Tinignan lang ako nito gamit ang kanyang malamig na titig.

Ang kapal ng mukha niya.

"F-Faye.. let, let me explain," nauutal na wika ng magaling kong asawa.

Tinignan ko ito ng masama at sinugod silang dalawa. Pinagsusuntok ko sila sa galit at inis habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Ang kapal ng mukha niyo! Ang dudumi niyo! Walang hiya kayo!"

Niyakap ako ni James at bahagyang nilayo kay Paul na tahimik parin hanggang ngayon.

"Faye, stop it! Baka anong mangyari sa bata!"

Sinampal ko ng napakalakas si James at tinignan ito ng masama.

"Edi sana nag-isip ka ng mabuti bago mo gawin ang kawalang hiyang ginawa mo!" Sigaw ko at bumaling kay Paul, "at ikaw naman! Walang hiya ka! Alam mong may asawa na si James pero nilalandi mo parin! Wala kang awa! Wala kayong awa."

Tinignan ako ng malamig ni Paul.

"We love each other, Faye." Sabi nito na nagpagalit sa akin ng lalo.

"Stop it Paul!" sigaw ni James.

"Wala ka talagang konsensya!" galit at iyak kong sigaw.

Susugurin ko na sana si Paul ng yakapin ulit ako ni James.

"Please, Faye! Calm down, baby! Let me explain."

Pinagsusuntok ko si James sa mukha at malakas na umiyak.

"Mahal na mahal kita! Binigay ko na ang lahat sayo pero kulang pa din?! Ano pa ba ang kulang, James?! Anong meron kay Paul na wala ako? Sagutin mo ako!"


Hindi ko na makontrol ang emosyon ko. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko na halos marinig ko na ito. Kasabay nito ang mga luha na walang tigil na umaagos at ang ulo kong parang sasabog sa sobrang sakit. Bago masagot ni James ang tanong ko ay nawalan na ako ng malay at hindi na alam anong sunod na nangyari.

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon