FAYE POV.
"Ang behave talaga ni Caleb, 'no? How I wish ganito si Lily noong baby pa siya," sabi ni April habang karga si Caleb.
Dumalaw si April sa bahay kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Habang ang anak niya namang babae na si Lily ay sumama kay Juctril sa kompanya.
"Nagigising lang kapag madaling araw, April. Kaya nga puyat kami ni James lagi pero kaya pa naman namin."
"Nako, ganyan talaga ang mga baby. Kunting tiis lang muna kayo ni James. Mamimiss niyo rin ang ganito kapag lumaki na si Caleb," nakangiting sabi ni April.
Bilib ako kay April kasi nagagawa niya pa rin ngumiti kahit marami ng dumaan na problema sa buhay niya. Kagaya ng pagkawala ng pinagbubuntis niya, bunsong anak sana nila ni Juctril pero nakunan si April.
"Kumusta pala si James bilang tatay? Hindi ko kasi maimagine," nakangising sabi niya.
"Tatay na tatay," sabi ko at humalakhak.
"Talaga? Mabuti naman. Feeling ko may nag bago sa kaibigan ko, e." Sabi ni April ang ngumisi sa akin.
Nginitian ko naman ito.
"Feel ko naging lalaki na talaga siya. Paano mo ginawa 'yun, Faye? Ang galing!"
Napatawa ako sa sinabi ni April.
"Desisyon niya 'yun, April. Sinoportahan ko na rin baka sabunotan ako bigla," natatawa kong sabi.
Nagkwentuhan kami ni April tungkol sa pagiging nanay at tinulungan niya din ako paano maapply ito kay Caleb. Nag usap din kami kung anong klaseng tao si James at ang unti-unti nitong pagbabago bilang lalaki. Para sa akin ay okay lang naman sa akin kung manatili siya sa pagiging bakla niya. Suportado ko naman siya at tanggap ko kung anong klaseng tao si James dahil mahal na mahal ko siya.
Tumagal ang kwentuhan namin ni April hanggang sa makita naming nagsabay na pumasok ang magkapatid na si Juctril at James sa bahay namin. Karga karga rin ni Juctril ang anak na si Lily.
Nagpaalam din agad ang mag asawa na uuwi na hanggang sa kami na lang ang naiwan ni James. Pinabantay ko muna sa nanny si Caleb habang natutulog sa kwarto.
"Gutom ka na ba?" tanong ko kay James habang nagluluto ng hapunan namin.
"Yes, but I can wait," sabi niya at may inasikaso sa kanyang laptop.
"Mamaya na 'yang trabaho mo. Nasa bahay ka na kaya iwan mo na muna 'yan," sabi ko.
Ngumiti siya at tumango. Sinirado niya ang laptop niya at nilagay sa bag. Nakita kong tumayo si James at lumapit sa akin. Niyakap naman ako nito at hinalikan sa aking noo.
"Makita lang kita, nawawala na agad ang pagod ko," mahina niyang sabi.
"Sus! Binobola mo na naman ako," sabi ki at bahagya siyang hinampas sa balikat.
He chuckled. "Seryoso ako, Faye. Parang gusto ko tuloy yakapin ka lang lagi," malambing na sabi nito at sumiksik siya sa aking balikat.
Tinignan ko ito at ngumuso. "May problema ka ba?" Alala kong tanong sa kanya.
"No, wala akong problema," nakangiti niyang sabi at bahagyang lumayo sa akin.
Hinanda ko naman ang niluto kong pagkain sa lamesa para makakain na kami. Tahimik kaming kumain ni James sa hapag. Pagkatapos naming kumain ay pinadiretso ko na siya sa kwarto upang makapagpahinga na. Samantalang ako naman ay naghugas ng pinagkainan namin.
Pagkatapos ko sa kusina ay pumunta na din ako sa kwarto namin para makapag ayos at makatulog na din.
Bago ako pumuntang cr ay tinignan ko muna ang mag ama kong mahimbing nang natutulog. Pagkatapos kong mag ayos ng sarili at bago pumunta sa kama ay hinalikan ko muna ang pisngi ng aking baby Caleb. Pagkatapos kong gawin 'yun ay pumunta na ako sa kama at tumabi kay James.
Bahagyang gumalaw si James at nagising.
"Matulog ka ulit, sorry nagising kita," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Niyakap niya naman ako ng mahigpit.
"Mahal kita, Faye."
Napatingin ako bigla ng sabihin niya 'yun sa akin. Nakita kong nakapikit ang mga mata niya ngayon.
"A-anong sabi mo, James?"
Nakita ko ang pagdilat ng kanyang mga mata at ang pag ngiti ng kanyang labi.
"Sabi ko... mahal kita," sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ngayon. Ang saya saya kong marinig ang mga katagang 'yun galing kay James. Mahal niya ako! Mahal na niya ako!
"T-totoo ba 'yan?" naiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Baka kasi namali lang ako ng dinig ngayon at nag a-assume lang ako na mahal na ako ni James.
Bahagya pa siyang lumapit sa akin at pinagdikit ang aming mga noo.
"Never akong nagsinungaling sa nararamdaman ko para sa 'yo, Faye." Seryoso nitong sabi.
Niyakap ko siya at sumiksik sa kanyang dibdib. Hindi ko din mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha sa tuwa.
"Mahal din kita, James. Thank you," mahina kong sabi.
"Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, Faye. Thank you for staying by my side even though I pushed you many times and yet; you still there for me. Thank you, Faye. Sobrang swerte ko na ako ang minahal mo."
Nakita ko ang munting luha na pumatak sa kanyang mata. Pinunasan ko naman ito at hinawakan ang pisngi niya.
"Alam mo naman kung gaano ako kabaliw sa 'yo diba? Noong high school, hanggang ngayon," nakangiti kong sabi.
Napatawa siya at hinagod ang aking buhok.
"Yeah. Ikaw lang naman 'yung babaeng nagbigay ng love letter sa akin at walang takot na nag confess sa maraming tao sa nararamdaman mo para sa akin," nakangisi niyang sabi.
"Ganun kita ka crush noon, bakla!"
"I'm not gay anymore, Faye." Seryoso niyang sabi.
Napataas ang aking kilay. "Talaga ba?"
"Yeah."
Ngumisi ako. "Bakla ka!" Sabi ko habang tumatawa.
Nakita ko ang inis sa mukha nito.
"Stop it."
Patuloy ako pang iinis sa kanya hanggang sa halikan niya ako bigla sa aking labi kaya nahimik ako bigla.
"Hindi na ako bakla, Faye. Nagbago na ako para sayo at para kay Caleb. Ganun ko kayo kamahal at ganun kita kamahal."
Muli kong nginitian si James at dinampian ko ng halik ang kanyang labi.
"You don't have to change for me, James. Alam mo naman na tanggap kita, diba? All your life, you were hiding your true identity. And I don't want that to happen again. I want you to express your true feelings —ang totoong ikaw," seryoso kong sabi kay James.
Muli kong nakita ang pagtulo ng kanyang luha habang nakatingin sa akin. Mabilis niya naman itong pinunasan at mahina siyang napatawa.
"Ano ba yan! Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan?! Pinapaiyak mo ako. Lalaki na kasi ako, diba?! Wag mo akong paiyakin!" nakasimangot na sabi ni James habang nagpupunas siya sa kanyang mga luha.
Mahina akong tumawa at lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan siya sa kanyang noo at hinagod ko ang kanyang buhok.
"Mahal na mahal kita, James. Nandito lang ako para sayo."
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomanceReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
