CHAPTER 24
FAYE POV.
"One week ako sa Singapore for a business meeting. I need to go there kasi napakaimportante ng client na'to. Please Faye 'wag mo akong bigyan ng sakit sa ulo habang nandon ako!" Sabi ni James habang kinakalikot ang kanyang laptop.
Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. Ngunit hindi ko maiwasang sumimangot.
One week siyang out of town? So maiiwan akong mag-isa dito. Hindi ko ata kaya na wala si James at hindi ko siya laging nakikita. Sa mga nagdaang araw ay palagi kong hinahanap si James at niyayakap. Naaadik na ata ako sa amoy niya. Hindi naman siya nagreklamo sa pagiging clingy ko pero nagtataray din minsan ang bakla.
Tss! Akala mo naman virgin!
Naging maayos na din ang trato niya sa akin kahit medyo harsh parin siya sa akin. Sabi niya pa maging mabuting magkaibigan nalang daw kami.
Kaibigan my ass! May kaibigan ba na nagsesex?! Ano 'yun friends with benefits? Hay nako, James Llyod Real. Pasalamat ka at mahal na mahal kita at natitiis ko ang kabaklaan mo.
"Pwede ba akong sumama?"
"No!" Mabilis nitong sabi.
Napanguso ako at inis itong tinignan.
"At bakit naman?! May gagawin ka bang milagro dun kaya ayaw mo na sumama ako! At staka sino bang kasama mo. Baka si—"
"Wala akong kasama at 'wag mo nang ituloy. 'Wag ngayon Faye ayokong ma stress babyahe pa ako." Pagputol niya sa sinasabi ko.
"Wala pa nga akong sinasabing pangalan nag react kana. Halatang defensive." bulong ko.
Napapikit siya at isinara ang laptop bago ako seryosong tinignan nito.
"Hindi ako magbabakasyon dun, Faye. May gagawin akong importanteng trabaho at kailangan kong mag focus." Sabi nito at diniin pa ang salitang importante.
Napa nguso ako at tila nagmamakaawa sa kaniya.
"Hindi naman ako magiging pabigat sayo eh! Sige na kasi." Pacute kong pagmamakaawa sa kanya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at kinurot ang pisngi kaya napaaray ako at napahawak sa pisngi ko.
"Bruha ka talaga 'no? Bakit ba ang kulit kulit mo! Pupunta tayo dun sa sa birthday mo, 'wag muna ngayon. At tsaka ilang ulit kanang pabalik-balik ng Singapore." Maldita nitong sabi.
"Gusto ko kasi bumalik dun! At wag sa birthday ko kasi may plano na ako. Isama mo na ako please, kasi mas special ngayon kasi kasama na kita."
"No."
"James naman!"
"Bakit ba kasi gusto mo sumama?!"
Napayuko ako habang naiiyak.
"H-hindi kasi ako sanay na hindi kita nakakasama lagi. T-tapos..tapos one week ka pa mawawala. P-paano nalang ako? Ako lang mag-isa dito at..at iiwan mo ako." Mahina kong sabi at tahimik napaluha.
Iwan ko ba pero nagiging emotional na talaga ako lately. Siguro epikto na ito sa lagi kong panonood ng mga K-drama eh.
Narinig ko ang mahinang buntong hininga nito.
"Pangako tatawag ako parati para hindi ka na malungkot." Sabi nito kaya muli akong napatingin sa kanya.
Pinahid ko naman ang mga luha sa aking pisngi.
"Hindi parin enough 'yun eh." Parang bata kong sabi at muling umiyak.
Napakamot siya sa ulo niya at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
The Gay CEO
RomantiekReal Series #2 - James Lloyd Real Si James Lloyd Real ay ang kinatatakutan na CEO ng Real Group of Companies. Pero paano kung ang kinatatakutan pala na CEO ng karamihan ay may tinatagong sikreto? At ito ay ang pagiging BAKLA! Mapapanatili kaya ni J...
