Prologue

1K 14 9
                                    



Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

"Ate Zia, may gusto po ba kayo kay kuya Felix?" Ikinakabit ko ang dextrose ni Kaycee ng bigla niya akong tinanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ate Zia, may gusto po ba kayo kay kuya Felix?" Ikinakabit ko ang dextrose ni Kaycee ng bigla niya akong tinanong. Halos malunok ko ang aking laway.

"Kaycee..  Bakit ganyan ang tanong mo sa akin? Imposible naman na magkagusto ang kuya mo sa akin, saka hindi nga kami masyadong nag-uusap tapos ang tahimik niya madalas. Tapos wala akong pamilya, nag-iisa lang ako."

Bumuntong-hininga si Kaycee. "Ang dami mo pong sinabi ate. Gusto mo nga po siya." Ngumiti siya saka umayos ng higa. "Alam niyo po gusto ko din may mag-aalaga sa kuya ko tulad ng pag-aalaga niyo sa akin." Umupo ako sa gilid ng kama niya saka marahang hinahaplos ang mukha niya.

"Alam mo Kaycee masuwerte sa 'yo ang kuya mo, kasi kahit hindi mo siya maalagaan ipinapadama mo naman sa kaniya kung gaano mo siya kamahal. Huwag kang mag-alala darating din ang babaeng para sa kuya mo pero sa ngayon ikaw muna ang baby niya." Nagulat ako ng bigla siyang lumuha, kaya pinahiran ko 'yon.

"Ayaw ko po na makitang malungkot si kuya kapag dumating na ang angel ko. Basta ate Zia mag promise ka po na kapag kinuha na ako ng angel ko, aalagaan at mamahalin mo po ang kuya ko. Babantayan kita, kung talagang tinupad mo po ang promise mo." Halos hindi ako makapagsalita.

"Kaycee.. Alam mo magpahinga ka na, saka 100 years pa bago darating ang angel mo. Marami pa tayong pwedeng gawin sa labas ng hospital, I mean 'yong totoong mundo. At ikaw habambuhay kitang aalagaan kasi love kita." Marahan niya akong niyakap. "Sige na nga aalagaan ko din si kuya mo." Dama ko ang pag ngiti niya.

"Promise?" Pinky swear.

"Promise 'yan baby."

"I love you ate Zia."

"I love you too baby Kaycee." Hinalikan ko siya sa pisngi at inayos ang kumot niya.

Lumabas ako ng silid niya, naupo ako sa gilid ng silid malapit kay Kaycee. Parang bigla akong nanghina at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko.

God knows kung gaano ko kamahal si Kaycee at ang kuya niya.

Alam kong mahirap ang kinahaharap ni Kaycee pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na mabubuhay siya ng matagal. Lahat ay gagawin ko upang madugtungan ang buhay niya. Hindi ako Doctor pero mas powerful ang dasal.

Magiging malakas ako sa lahat ng laban niya. At kahit hindi alam ni Felix na mahal ko siya ipaparamdam ko 'yon sa kahit na anumang paraan.

 At kahit hindi alam ni Felix na mahal ko siya ipaparamdam ko 'yon sa kahit na anumang paraan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay ka lang ba?" Untag ni Kai.

Sunod-sunod ang iling ko, niyakap niya ako at hindi na napigilan ang pag-agos ng luha ko. "Kung pwede sana ako na lang ang nasa kalagayan ni Kaycee, mas kaya kong harapin ang sakit na 'yon e, pero siya?"

"Sshhh.... Hindi ikaw ang mag de-decide niyan, alam kong mahirap dahil napamahal na siya sa 'yo pero sana magpakatatag ka. Tingnan mo nga si Kaycee ang tapang na bata para harapin ang lahat nang ito. Suporta at pagmamahal lang ang gusto ng bata kaya ibigay na natin 'yon okay? Magdadasal tayo araw-araw para sa kaligtasan niya, ang importante sa ngayon ay mapasaya natin siya kahit sa maliit na paraan." Kumalas ako ng yakap sa kaniya.

"Kai? Ikaw ba 'yan?" sabay kurot niya sa pisngi ko," natawa ako ng mahina, usually kasi lagi kaming biruan. Alam kong mabuti siyang kaibigan, hay siya lang naman ang meron ako pati si mama Ruby.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon