Si Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Day off
Tuwing linggo may kapalit ako kaya nakakapag-pahinga din ako. Pero kung ako naman ang tatanongin ay ayos lang dahil never akong napagod pagdating kay Kaycee.
Bumangon na ako, 6:30 am pa lang pero nasanay na rin kasi akong gumising ng maaga. Hinawi ko ang kurtina para mabuksan ko ang sliding ng bintana. Ang ganda ng panahon ngayon at ang sarap ng tama ng araw. Pumikit ako at nag-inat sandali, hanggang sa may sunod-sunod akong katok na narinig.
"Sandali lang po," patakbo akong lumapit sa pintuan para buksan ito.
"Good morning." Bahagya akong nagulat dahil si Felix pala, hindi ko alam kung saan titingin dahil hindi nga ako nakapag-suklay o hilamos man lang. "You're still look beautiful with your messy hair," he chuckles. Hmp, ano kaya ang kasunod ng papuri niya? Hindi naman siya ganito sa akin e. Naghintay ako pero mukhang walang kasunod, parang umakyat ang lahat ng init sa mukha ko.
"G-Good morning, t-thank you." Mahina kong tugon. "M-May kailangan ka ba? May problema ba?"
"Day off mo ngayon, right? O-Okay lang ba na ikaw ang magluto ng sunny side up?" Ngumiti siya ng maganda saka napakamot sa ulo niya, naka-pajama at t-shirt pa rin siya mukhang kababangon lang.
"Oo.. A-Ako? Oh, sige maghilamos lang at toothbrush tapos baba na ako." Marahan niyang isinara ang pinto. Nakakapagtaka na siya kasi dati hindi niya ako ganito kausapin kung hindi lang din tungkol kay Kaycee.
Pagkatapos ko ay bumaba na ako diretso sa kitchen. Mukhang tulog pa sila manang Luring, apat na itlog ang niluto ko bahala na siya kung kaya niyang ubusin ito o ano. Nagluto na ako ng breakfast talaga saka soup para hindi na mapagod si manang.
Nang matapos akong magluto nadatnan ko na siya na nag-aayos ng plato at kutsara. Ang sarap naman niyang pagmasdan hindi nakakasawa hay.. Inalog-alog ko pa ang ulo ko bago lumapit sa kaniya baka mabaliw ako lalo kapag hindi pa ako gumalaw.
"Oh, bakit ikaw na ang gumawa niyan? Babangon na rin naman sila manang mamaya."
"Okay lang para makatulog pa sila ng maayos and besides day off ko at mamaya pa ang lakad namin nila Calvin," tila nagbago ang timpla niya nang banggitin ko si Calvin, hindi kasi sila masyadong good.
"He's courting you again?" Medyo matigas ang pagbigkas niya.
"Hindi ah, kasi dumating na si kuya Jelo hindi na niya tinapos ang dalawang linggo niyang bakasyon kasi may work din 'yung girlfriend niya. Matagal na rin kaming hindi nagkakasamang apat, gusto mo ba sumama?"
"Hindi na, tumawag si Janice inimbitahan ako may event sila kinuha niya akong escort." Ngayon ako naman ang tila sumama ang pakiramdam sa sinabi niya.
"Gano'n ba? Sige enjoy kayo and ingat na lang din," nagdasal ako bago kumain, hindi ko napansin na sumasabay siyang magdasal sa 'kin.
"Ang sarap mo talagang magluto, ang suwerte ng magiging husband mo."