Kabanata 2

613 12 2
                                    

San Loreto Province Cuego ParishFlashback 15 years ago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

San Loreto Province
Cuego Parish
Flashback
15 years ago

"Zia, halika na at maligo ka na." Tawag ni mama Ruby. Pitong taong gulang na ako at dito na ako sa bahay ampunan lumaki at siya ang nag-aalaga sa akin ngayon kaya naman itinuring ko siyang tunay kong ina. 20 years old lang siya, ang kuwento pa niya'y nasaktan siya sa isang lalaki kaya nagpasya siyang mag-madre at maglingkod kay God para daw mawala lahat nang sakit. Ang sabi pa nila noong baby raw ako ay iniwanan na ako ng mga magulang ko, namatay na ang unang madre na nag-alaga sa akin kaya nang dumating si mama Ruby dito, ay agad ko siyang nakagaanan ng loob.

"Opo mama Ruby," nag-aaral na ako, nasanay na ako sa routine ng buhay ko rito sa ampunan. Lahat ng gagawin ay uunahin ang pagdadasal. Masaya ako rito lalo na nang makilala ko si Felix, ang pamilya niya ay parating nag do-donate rito sa Cuego Parish. Halos lahat nang kasabayan ko ay may nag-ampon na sa kanila, ngunit sa akin ay tila walang may gusto hanggang sa nagpasya sila sister na ako lang ang hindi maaaring ampunin. Masaya ako sa desisyong iyon dahil para sa akin sila na ang pamilya ko.

Isang araw ay niyaya kami ng pamilya ni Felix na pumunta sa farm nila sa sagingan at manggahan upang makalabas naman. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito dahil narito si Felix at muli ko na naman siyang makikita kahit na hindi niya ako masyadong pinapansin.

"Zia, ang ganda naman ng iyong bestida bagay na bagay sa iyo mas lumutang ang ganda at kaputian mo." Puri ni mama Ruby.

"Oo nga ang ganda-ganda mo talaga Zia, sana'y lumaki kang mabuti at masunurin," puri nila sister Agnes at sister Linda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oo nga ang ganda-ganda mo talaga Zia, sana'y lumaki kang mabuti at masunurin," puri nila sister Agnes at sister Linda. Sila na ang ponakamatagal rito kaya naman sobrang ginagalang ko sila ay mahal ko din sila.

"Thank you po mama Ruby, sister Agnes at sister Linda." Ngumiti sila sa akin ay ganoon din ako. "Makikita ko po ulit si Felix, dahil isang beses lang sila magpunta rito sa loob ng isang buwan." Lumapit si mama Ruby sa akin at ipinusod ang buhok ko. "Mama, ayaw kaya akong kalaro ni Felix? Kasi po hindi niya ako masyadong kinakausap kapag nandito sila kasama ang mommy at daddy niya."

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon