Trust
San Loreto, province
Cuego ParishHindi na ako umuwi at dumiretso ako dito, parang wala sa loob ko na napadpad ako ulit sa lugar namin. Halos hindi ako nakatulog kakaisip.
Pumasok na ako sa loob at agad nabungaran sina lola Agnes at lola Linda na. Yumakap ako sa kanila at napaiyak dahil hindi ko mapigilan kasi pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi.
"Zia anak ko.." Nagulat ako sa tumawag sa akin dahil kilala ko ang boses na iyon.
"M-Mama Ruby? A-Ano po ang ginagawa ninyo rito?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako at malaki na rin ang tiyan nito.
"Pasensya ka na kung wala ako sa tabi mo lagi pero parati kitang ipinagdarasal pati na rin si Kaycee," mahigpit ko siyang niyakap kasi pakiramdam ko kinuha na sa akin ang lahat na parang wala nang natirang kasiyahan sa puso ko.
"Alam kong nasasaktan ka at nahihirapan pero kailangan mong magtiwala sa Diyos na lahat nang 'yan maghihilom sa tamang panahon," humihikbi pa rin ako.
"Zia.." Napakalas ako kay mama.
"M-Mother Ana?" Lumapit ito at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Lahat kami rito ay alam ang pinagdadaanan mo, mukhang nabasa mo na ang sulat. Sana'y mapatawad mo kami kung bakit ngayon lang," napaupo ako at tila nanghina.
"Ayoko pong manisi mother Ana, pero sobrang sakit lang po nang nararamdaman ko at hindi ko na po yata kaya. Nalaman ko nga kung sino ang tunay kong mga magulang pero wala na po sila para malaman nilang buhay ako," nakagat ko ang labi ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko. "Si Kaycee nawala din sa mundong ito na hindi alam ang totoo na ako ay kapatid niya rin tapos si Felix," napaiyak ako sa pag sambit ng ngalan niya. "M-Magkapatid po kami? Minahal po namin ang isa't isa mother Ana at isang malaking kasalanan sa Diyos ang nagawa po namin."
"Zia, sino ang may sabing magkapatid kayo ni Vince Felix Amores?" Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. "Kami lang ang may alam at 'yong yaya nilang si Luring, nang isang taon ang lumipas ay nag-ampon sila nang bata pero hindi rito, at halos ka-edad mo na baby pa no'n at si Vince Felix iyon. Kahit sino ay walang nakakaalam niyon dahil ayaw nilang malaman ito ng anak nila kasi gusto nilang isipin nito na tunay siyang anak, Zia hindi kayo tunay na magkapatid ni Felix dahil ampon lamang ito." Laglag ang aking panga sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako pero bahagyang nabuhayan ako ng pag-asa.
Tumayo ako bigla. "Mama Ruby, Mother Ana, lola Linda at lola Agnes kailangan ko pong bumalik sa Maynila ngayon na. Hindi po pwede na ganito kami ni Vince Felix kailangan niya po itong malaman."
"Binabasbasan ka namin anak, nawa'y pareho kayong maghilom at ipagdadasal namin si Kaycee." Niyakap ko silang lahat.
"Anak sa amin ka na sumabay ng papa Miko mo," tumango ako.
Habang binabaybay namin ang biyahe ay hindi ko maiwasang mag-isip nang kung ano-ano. Naniniwala na ako na kahit sobrang imposible basta maniwala at kumapit ka lang.
Kaya ba dito ako dinala nang aking mga paa? Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Alam kong pinairal namin ang mga emosyon namin pero wala akong magagawa dahil parehas kaming nasasaktan. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko maramdaman na magkapatid kami mana pa kay Kaycee na laging sinasabi ng marami na magkamukha daw kami.
Kailangan niya itong malaman, ayokong mabuhay kami na puro sakit na lang ang nararamdaman. Ngayon naniniwala akong may dahilan ang lahat kung bakit ito nangyayari.
Ilang oras pa ay nandito na kami, yumakap ako kay mama Ruby at papa Miko saka ako bumaba ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay.
Pagbukas ko nang pintuan ay nabungaran ko agad sina Janice at Felix na naghahalikan! "Janice! Stop!" Suway ni Felix dito.
Naibagsak ko ang aking bag at hindi makagalaw, nagulat sila lalo na si Felix na hindi mapalis ang tingin sa akin.Nakangising lumapit si Janice sa akin. "Why are you still here Zia? Ako na ang girlfriend ni Vince Felix Amores ngayon kaya kung ako sa iyo umalis ka na at doon ka magluksa sa probinsya!" Sunod-sunod ang pagbagsak ng aking luha. Parang naipon ang lahat nang galit sa puso ko at hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Inalis ko ang pagkakahawak ni Janice sa balikat ko. Akmang uulitin niya iyon ay sinampal ko siya sa kanang pisngi niya at hindi pa man siya nakakapagsalita ay sinundan ko iyon ng isa pa sa kaliwang pisngi nito! Malakas at ramdam ang hagupit nito sa mukha niya.
"Get out! Habang 'yan pa lang ang kaya kong gawin Janice mabuting umalis ka na at wag na wag kitang makikitang lalapit kay Vince Felix! Subukan mo ulit at hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa 'yo!" Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit.
"B*tch!" Sambit pa niya saka kinuha ang bag nito at lumabas ng pinto.
"Z-Zia.." Paglapit ni Felix ay sinampal ko siya.
"Hindi lang ako umuwi ng isang gabi tapos ganito na naman ang madadatnan ko? Alam mo ba na gusto kitang yakapin at ibalita sa iyo na hindi tayo totoong magkapatid!" Pero parang hindi siya nagulat sa sinabi ko.
Napaupo siya sa sofa. "A-Alam ko Zia, kadarating lang ni manang Luring kanina at ipinaliwanag ang lahat pero hindi niya alam na nabuhay ka pagkatapos manganak ni mommy. Tatawagan na sana kita nang biglang halos sabay kayong dumating ni Janice at bigla akong hinalikan, hindi ko 'yon inaasahan Zia at wala akong balak na lokohin ka!"
"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa 'yo? No'ng isang gabi ikaw ang humalik sa kaniya! Huwag mo naman akong gawing tanga Vince Felix!"
"Lasing ako nun Zia, please."
"Sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para mag-usap tayo!" Akmang aakyat na ako sa itaas nang magsalita siya.
"T-Tama ka, ikaw nahanap mo na ang tunay mong mga magulang pero patawarin mo ako dahil imbis na ikaw ang nasa posisyon ko inangkin ko iyon! Sa iyo ang lahat nang ito Zia! At ako? Pakiramdam ko nabuhay ako sa kasinungalingan pero hindi ako magtatanim ng galit sa kanila dahil binuhay, pinakain, binihisan, pinag-aral, at higit sa lahat minahal nila ako bilang isang tunay nilang anak. I'm sorry kung bakit ganito Zia, na kailangan natin pagdaanan ang ganito! Hanggang ngayon ang bigat-bigat nang nararamdaman ko kasi hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na wala na si Kaycee at ngayon ampon lang pala ako? Pero bahagyang gumaan ang lahat dahil hindi tayo magkapatid! Zia mahal na mahal na mahal kita, pakiusap hindi ko na kasi alam ang gagawin ngayon!" Napaiyak siya kaya lumapit ako.
Humarap ako sa kaniya at pinahiran ang mga luha nito. "I'm sorry kasi hindi ko nakita na mas nasasaktan ka, ang selfish ko dahil ang iniisip ko ay ako lang ang nasasaktan ng sobra. I'm sorry. Vince Felix kakayanin natin ito 'di ba? Magtutulungan tayo na maging maayos muli ang lahat, Nangako ako kay Kaycee na aalagaan kita at mamahalin at ayokong makita niya na nagkakasakitan tayong dalawa." Niyakap niya ako at halos humagulhol siya, nararamdaman ko ang sakit at bigat. Naniniwala akong malalagpasan din namin ang lahat nang pagsubok na ito.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
RomanceSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...