Kabanata 16

372 14 7
                                    

Panatag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Panatag

Medyo tinanghali na ako nagising, absent ako ngayon pero pupunta pa rin ako mamaya sa hospital.

Pagbaba ko si manang lang ang kumakain kaya nilapitan ko siya. "Manang."

"Oh Zia, good morning.. Halika at kumain ka na." Hinila ko ang upuan saka umupo para kumain.

"S-Si Vince Felix po?"

"Nagpapahinga pa at nilalagnat kasi, kapag pa naman may sakit 'yun sobrang lambing. Tapos ang mommy lang niya ang gusto niyang nag-aalaga sa kaniya." Hindi pa ako kumakain ng tumayo ako, bahagyang nagulat si manang.

"A-Ako na lang po ang magpapakain sa kaniya at magpapainom ng gamot."

"S-Sige nga dahil medyo matigas ang ulo niya kapag masama ang pakiramdam."

Pumunta ako sa kitchen, mabilis kong nailuto ang sunny side up at naglagay ako ng lugaw sa bowl at hindi malamig na tubig sa baso.

Dumiretso na ako sa silid ni Felix, marahan kong binuksan ang pintuan. Nakakumot siya nakabaluktot at yakap ang unan nito.

"V-Vince Felix kumain ka na para mainom mo ang gamot mo saka ka matulog ulit," inilapag ko sa study table ang pagkain niya saka umupo sa gilid ng kama niya. Kumuha ako ng thermometer para i-check kung gaano kataas ang lagnat niya. "Kaya mo bang bumangon?" Matamlay siyang tumango. Sinimulan ko siyang subuan ng lugaw at kumain naman siya, bahagya siyang ngumiti nang makita niya 'yong itlog.

"Si mommy at ikaw lang ang nakagawa nito sa akin, napapasunod niyo 'ko," ngumiti ako at hinipo ang kaniyang noo, ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "S-Salamat Zia."

"Wala 'yon, nurse niyo kaya ako ni Kaycee." Natawa siya. Nakainom na siya ng gamot at nagpahinga sandali saka humiga ulit. Inayos ko ang kinainan niya nang hilahin niya ako bigla.

 Inayos ko ang kinainan niya nang hilahin niya ako bigla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Please stay, kahit ngayon lang." Huminga ako ng malalim kasi iba na naman ang kalabog ng puso ko. Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya saka siya yumakap sa 'kin. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako sa maaari niyang i-sagot kaya hahayaan ko na lang muna.
Tinatapik-tapik ko ang braso niyang nakayakap sa akin para makatulog siya. "Zia.." Sambit niya kaya napaharap ako sa kaniya, pantay ang aming mga mukha mas natitigan ko kung gaano ito kaamo at ka-gwapo. Ang mahabang pilik-mata niya, matangos na ilong, mapulang labi. Paano akong hindi mahuhulog kay Felix kung ganito siya sa akin? "Zia.." Muling sambit niya.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon