Kabanata 33

355 10 9
                                    

Cheers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cheers

Nasa reception na ang lahat, kailangan daw mag-speech nang malalapit na mga kaibigan. Ako siguro kung ano na lang ang nasa puso ko.

"Yo! Guys congrats sa inyong dalawa. Kai akalain mo naman oo nakulam mo nang bongga 'tong si Jay," nagsitawanan ang lahat. "Hindi seryoso na. Si Kai sobrang kwela niyan kung minsan ay pikon pero madalas sobrang masiyahin niyan. Kaya ngayon na kasal ka na sana'y mas maging mabuti kang asawa para kay Jay although alam namin na mabait kang tao. Sana'y pagpalain kayo ng maraming anak, at para sa iyo Jay humanda ka na dahil may armalite kang maririnig araw-araw," tumawa kami ng malakas tapos inaambaan siya ng suntok ni Kai sa di kalayuan. "Hindi seryoso na ulit. Sa amin kasing magbabarkada hindi magiging masaya ang isang araw namin kung wala si Kai. Iyon lang best wishes guys, cheers."

Sunod na tumayo si Calvin at nagsalita. "Congratulations Kai and Jay. Ahm, ano bang masasabi ko? Si Kai kasi never namin nakitang umiyak lang 'yan e kasi pagkatapos nun para siyang baliw na tatawa lang. Oo tinatawanan lang niya ang lahat nang problema kaya isang malaking aral sa aming magbabarkada 'yon e may maganda kaming natutunan bukod do'n nagiging madaldal kami kapag kasama namin siya parang lahat sa kaniya may kuwentong katumbas kaya in short mae-entertain ka talaga kapag kasama mo si Kai. Kaya Jay sana'y handa ka ng habaan ang pasensya mo ha dahil siguradong sasakit ang ulo mo," inirapan siya ni Kai. "Hindi, sanay makabuo kayo ng isang masaya at mabuting pamilya. Cheers."

Medyo nahihiya pa akong tumayo pero nagsalita pa rin ako. "Congratulations Kai and Jay, alam niyo ba na ako ang pinakamasayang tao nang malaman kong ikakasal na kayo? Naalala ko pa ang sinabi mo Jay noon na araw-araw lalo mong minamahal si Kai at para sa iyo siya ang girl version mo. Kai, masaya ako dahil pangarap mo 'to'di ba? Ikaw na nagtulak sa akin kay berber ay Vince Felix pala," natawa sila. "Hindi matatawarang pagtatanggol mo sa akin lalo na kapag alam mong may umaaway sa akin, at isa ka sa nakakaalam sa lahat nang pinagdaanan namin ni Kaycee at kung gaano natin siya kamahal lahat. Salamat kasi isa ka sa nagbigay kalakasan sa akin noong panahon na hindi ko na alam ang gagawin, ikaw ang nagsisilbing clown ng buhay ko kasi napapasaya mo ako palagi actually lahat kaming mga kaibigan mo. Ngayon na nasa stage ka na may asawa sana'y patnubayan kayong dalawa ni Lord at mas magmahalan pa habambuhay. I love you Kai and Jay, cheers."

Lumapit si Kai sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya nakiyakap na rin sina Calvin at kuya Jelo.

Nagsalita na rin ang lahat ng mga kaibigan ni Jay at si Felix na ang last.

"Bro," panimula niya. "Congrats guys, akalain mo nga naman Jay mauunahan mo pa akong magpakasal pero masaya ako para sa inyong dalawa dahil nahanap ninyo ang isa't isa para mahalin. Palagi mong sinasabi sa akin na kapag nahanap ko na ang babaeng nagpatibok ng puso ko ay wag ng pakawalan at nangyari iyon kasi dumating si Zia sa buhay ko," nagtilihan ang lahat. "Isa kang mabuting kaibigan Jay at deserve mo ang lahat nang ito, alagaan mo si Kai ng husto at mahalin ninyo ang isa't isa habambuhay. Cheers."

Naiyak si Jay sa sinabi ni Felix. Grabe lang ang kayang gawin ng pag-ibig kasi nakakapagbigay ng walang hanggang kaligayahan sa bawat puso ng tao. Ang sarap lang sa pakiramdam na lahat kami ay nahanap ang para sa amin.


Pagkatapos ng inuman, sayawan, at kasiyahan ay nauna na kaming umuwi ni Felix sa bahay. Bahagya lang kaming uminom dahil mag di-drive pa si Felix.

Pagdating namin sa bahay ay bumungad si manang Luring, sabay namin siyang niyakap ng mahigpit. "We love you nanay Luring."

"Mahal na mahal ko kayong dalawa, handa na ba ang mga gamit ninyo para sa flight niyo next week?" Sabay kaming tumango.

"Opo manang, bakit po kasi ayaw ninyong sumama e," pagmamaktol ko, pinisil niya ako sa pisngi.

"Nako Zia kasal ninyo iyon ay saka walang tao rito sa bahay, sigurado ba kayong hindi niyo sasabihin sa mga kaibigan niyo ang plano?"

"Hindi po basta magugulat na lang sila saka ikakasal po kami ulit dito sa Pilipinas talagang pangarap lang po namin ni Vince Felix ang Europe."

"Sige, sige kung iyan ang desisyon ninyo ay suportado ko kayo palagi." Masaya nitong turan.

"Salamat po manang Luring mahal ka namin," ani Felix.

"Mahal na mahal na mahal ko kayo, sige na magbihis at matulog na kayo. Goodnight." Humalik kami sa pisngi ni manang saka dumiretso sa aking silid.



"Hep, bakit dito ka sa silid ko papasok?" Hindi ko muna binuksan ang pinto dahil hinarang ko si Felix.

"Ang damot mo naman baby, tabi na tayo kahit ngayon lang oh promise behave po ako," nakanguso niyang saad.

"Hmp.. Sige promise ah?" Nakangiti siyang tumango saka tuluyang pumasok sa aking silid.

Nauna na akong naligo at nagbihis pagkatapos ko ay laking gulat ko nakaligo na rin siya.

"Ang bilis ko 'no baby? Sa silid ko ako naligo para sabay tayong matapos," maluwang ang ngiti niya.

"Ikaw style mo Vince Felix tsk."

Lumapit siya sa akin at pinatuyo ang buhok ko." Kaya ko na 'to baby."

"Pabayaan mo na ako kasi kapag kasal na tayo araw-araw ko 'tong gagawin sa iyo. Hmm, pa-kiss nga," lumayo ako ng bahagya.

"Ops, sabi mo behave ka ngayon, bakit may kiss?"

Natapos niyang patuyuin ang buhok ko at lumalapit ulit siya. "Hoy mr. Amores may usapan tayo, isa!" Napatakbo ako sa likod ng sofa. "Huwag kang lalapit, palalabasin kita!"

"I'm gonna get you," pilyo niyang wika. "Gotcha!" Niyakap niya ako ng mahigpit saka kiniliti ng kiniliti.

"Oh my, tama na baby ko hindi na kita palalabasin," tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa tumigil na siya at bahagya pa rin akong humihingal.

Bigla niya akong tinitigan ng seryoso. "Sobrang swerte ko dahil ako ang minahal mo," natahimik ako bigla saka ngumiti, hinaplos niya ang pisngi ko.

"Ako rin sobrang swerte ko sa 'yo. Mahal na mahal kita at araw-araw akong nagdarasal na sana itong pagmamahalan natin ay pang-habambuhay."

Imbis na sagutin niya ako ay marahan niya akong hinalikan sa aking labi, damang-dama ko ang lambot nito at bawat galaw nito ay puno ng pagmamahal. Ipinalupot ko ang aking kamay sa kaniyang batok habang nakakapit siya sa baywang ko. Halik na alam mong tatagos sa kaluluwa mo at hindi mo gugustuhin na ihinto.

 Halik na alam mong tatagos sa kaluluwa mo at hindi mo gugustuhin na ihinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He's giving me the love that will never have an ending.

"The pain of being alive"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon