Umaasa
Blue Plaza
Maingay ang paligid at maraming nagtitinda, iba't ibang klase ng pagkain, piyesta kasi dito ngayon. Dito sila nag-set para magkita-kita kaming lahat. Parang maaga yata ako, pumunta muna ako sa may nagtitinda ng milk tea.
"Zia.." O-order pa lang ako nang may tumawag sa 'kin. Paglingon ko, isang gwapong lalaki na nakangiti sa hindi kalayuan.
"Calvin.." Sambit ko ng makalapit siya sa akin.
"Wow! Bagay po kayo." Sabi nung tindero, nginitian na lang namin. Niyaya ako ni Calvin kung saan pwede kaming maupo at makakain. Hindi naman mainit ngayon kaya ayos lang, maghihintay na muna kami dahil wala pa sila.
"Zia, pwede ba akong tumabi sa 'yo?" Tiningnan ko siya ng patanong saka siya umusog palapit sa akin. "Ang dami kasing nakatingin sa 'yo, babakuran lang muna kita." He chuckles.
"Ako ba? Oh, 'yung mga babae na estudyante ang mga nakatitig sa 'yo? Style mo bulok." Pinitik ko siya sa noo.
"Mapanakit ka talaga Zia 'no? Ilang beses mo ba akong sasaktan?" Umiiling-iling siya, hindi ko malaman kung tatawa ba ako o ano.
"Oy, wazzup mga dude! Wala pa rin ba kayong closure?" Sabay pa kaming lumingon ni Calvin.
"Kuya Jelo? Kuya..." Yumakap ako sa kaniya at gano'n din si Calvin. "Grabe ang tahimik ng Hospital kapag wala ka kuya."
"Syempre! Yo! Yo! Nandito na ang pinakagwapo sa balat ng mundo, pasensya ka na Calvin at matatapakan na naman kita niyan?" Tawa lang ako ng tawa sa mga sinasabi ni kuya Jelo, ganyan talaga siya pasisiyahin ka kahit ano'ng mangyari.
"Oh, bakit ang ingay ninyo aber?" Si Kai at Jay. Pumamewang pa siya, nilapitan siya ni kuya Jelo.
"Naks naman yo! Iba talaga ang pangkukulam mo at nakabinwit ka pa, siguro'y mahilig si Jay sa exotic face?" Pati si Jay ay natawa, nag hand shake sila nito. Pero si Kai nakasimangot saka sinipa sa tuhod si kuya Jelo. "Jay, bibigyan kita ng pagakakataon para magbago pa ang iyong isipan," hindi pa rin tumitigil kakatawa si Jay, si Kai naman namumula na sa inis.
"Kuya Jelo tama na nga! Kababalik mo lang, dapat purihin mo naman ako dahil may boyfriend na ako, tingnan mo nga si Zia kahit sobrang ganda wala namang jowa."
"Hoy Kai wag mo nga akong idamay diyan. Pero gutom na ako, kumain muna tayo?" Nagkasundo naman ang lahat, umorder na kami ng pizza, barbecue, burger, fries, chicken at marami pang iba.
"Alam niyo si Zia lang ang nasisiyahan sa trip na 'to, tingnan niyo nga halos orderin na ang lahat sa menu jusko te babae ka ba?" Kahit mainit pa ang pizza kinagat ko na 'to.
"Alam mo ito lang ang happiness ko kaya wag ka na kumontra saka nakakapayat mag jowa kaya kung ako sa 'yo maghiwalay na kayo."
"Ay te, kamag-anak mo ba si Bitter Ocampo? Happiness ka diyan baka stress eating." Sabay irap.
BINABASA MO ANG
"The pain of being alive"
Storie d'amoreSi Zia Quiros ay lumaki sa isang bahay ampunan sa San Loreto Province. Wala siyang matatawag na pamilya, kun'di ang mga madre doon sa Cuego Parish. Nang tumuntong siya ng disi-otso anyos ay minabuti niyang makipagsapalaran sa Maynila upang ipagpatul...